Chapter 24

251 14 8
                                        


"Two chef's special for dine-in" wika ni Ollie kay Maureen. 

"Coming up" sagot naman nito. 

"The best ka talaga" at sinuklian naman niya ito ng ngiti. 

Si Ollie ay ang naka-duty na Kitchen Expediter ngayon sa restaurant kung saan Sous Chef si Maureen. 

Iniwan nang tuluyan ni Maureen ang buhay artista at umuwi na lamang ito sa probinsya nila. Akala noon ni Maureen ay hindi na ito makakabangon sa bangungot na nangyari sa career at buhay niya tatlong taon na ang nakalipas. 

Pakiramdam niya ay may galit sakaniya ang mundo. Pero hindi ito naging dahilan para sukuan niya ang buhay lalo na ang kaniyang Nanay Weng. 

"Thank you for today, guys!" ngiti ni Maureen sa kaniyang mga kitchen staff nang ligpitin na nito ang kaniyang mga gamit sa kaniyang locker. 

Sunod na itong lumabas at sumakay sa kaniyang second-hand na sasakyan na napundar niya mula sa kinita niya sa Dear Mama. Malaking tulong ang sasakyan na ito sa kaniyang trabaho at lalo na sa kalagayan ni Nanay Weng ngayong tumatanda na siya.

"Magandang Gabi ho, Nay" pag-mano nito sa matanda nang makarating na siya sa kanilang bahay. 

Ang tindahan ay nandito parin at napaayos ito ni Maureen kasama ng kanilang bahay noong mga panahong may kontrata pa siya sa network. Kahit na hindi na kayang magtinda ni Nanay Weng ay hindi parin nila ito ipinapasara. Minabuti nalang nila na kunin ang isa sa mga pamangkin at tiyahin ni Nanay upang magbantay ng tindahan. 

"Kaawaan ka ng Diyos, anak.. nakakain ka naba?" tanong nito. 

"Nag-uwi nalang po ako ng pagkain, Nay.." alas-diyes narin naman at mas gusto ni Maureen na sa bahay kumakain habang nakikipag-kwentuhan sa matanda. Hindi rin kasi maaga matulog ang Nanay dahil gusto nitong hintayin si Maureen makauwi galing trabaho. 

"Kamusta ka naman sa trabaho mo?" tanong ng matanda. Tinabihan siya nito sa hapag-kainan at kumuha ng prutas sa kanialng fruit basket at nilagay sa tabi ng plato ni Maureen. 

"Okay naman po ako.. medyo maraming customer ngayon dahil Biyernes" ngiti niya sa kaniyang Lola. 

"Hindi ka naman ba nahihirapan?" mahinang tanong nito. 

Ngumiti ng malapad si Maureen bago sumagot, "Hindi naman po, Nay. Sobrang dali nga lang e" 

Kinwentuhan nalang ni Maureen ang kaniyang Nanay Weng tungkol sa nangyari sa mag-hapon dahil alam nitong nagaalala nanaman sakaniya ang matanda. 

Nasaksihan ni Nanay Weng ang lahat ng nangyari sa buhay ni Maureen nitong mga nagdaang taon. Narinig niya kung paano humagulgol ang kaniyang apo sa gabi, kung paano nito harapin ang mga binabatikos sakaniya, at kung paano ito nabigo sa kaniyang pangarap sa pagiging artista. 

Pero higit sa lahat ng iyon, nasaksihan niya kung paano dalawang beses pinatay ang puso ng kaniyang apo. Una ay nang mawala si Victoria sa kaniyang buhay at ang pangalawa ay nang mawala ang anak nito. 

Bilib siya sa katapangan at sa lakas ng loob ng kaniyang apo. Tandang-tanda pa niya kung paano lumuhod ang bata sa kaniyang harapan at humingi ng tawad sa lahat ng maling desisyon na kaniyang nagawa. 

"Nay bukas pala luluwas ako ng Maynila. Makikipag-kita ako kila Yumi" 

Nang matapos kumain si Maureen ay sunod nang pumasok si Nanay Weng sa kaniyang kwarto at nag-pahinga. Habang si Maureen naman ay lumabas at umupo sa kanilang terrace at tumulala. Pinatay niya ang ilaw para makita niya ng maayos ang mga bituin. 

Napangiti ito ng mapait ng maramdaman nanaman ang mga luhang tumutulo sa kaniyang pisngi. Lumipas man ang panahon ay hindi nabawasan ang sakit na kaniyang nararamdaman na resulta ng mga katangahan niya. 

Silver Screen (GxG) [Slow Update]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon