Chapter 6*Welcome to the Family

169 2 2
                                    

Jewel's POV

Kainis yung girlfriend niyang yun ah! AKala ko naman mabait, ang sama pala ng ugali.. Di naman kasi talaga ako ang nagsimula ng away , bigla nalang syang nagpapainis sa'kin . Para bang hinahamon ako, kaya nagawa ko nalang lahat yun. Bagay nga sila nang Ivan na yun.. MAYABANG--- kainis!!! ipagmukha ba naman sa'kin na sya talaga yung girlfriend. Pero bat ba ako affected. ??? Lord anu ba tung nangyayari sakin... ??? huhhuhu!

On my way na papunta sa bahay nila Bella! dun kasi tambayan namin eh at may music room dun kaya magpaparaktis nalang ako para sa concert namin Next Month. si Manager kasi eh minamadali kami ,, wala nga kaming vocalist eh! -- Minsan nga nag babato batupik lang kami kung sino ang kakanta pero si Bella ang kumakanta kasi sya yung guitarist namin eh at sya lang din ang may magandang boses sa aming tatlo. hahaha!

Oh??? nandito na ako sa bahay nila Bella pero alam nyo kung anung dinatnan ko? Ang dalawa kung magaling na friends at ang sama ng tingin nila sakin... Huhuhu! Kakainin ba nila ako ng buhay? Wag naman sana. Gusto ko pang mabuhay, gusto ko pang magkapamilya noh! mag kaasawa at magkaroon ng anak.

Saan ka galing? tanong sakin ni Ashley nakaupo sya sa sofa habang nagbabasa ng magazine huhhuh! bakit parang haunted house tung napasukan ko ?? .... Pero namatyagan ko lang bakit nakabaliktad ang magazine na binasa nitung si Ashley??? naiintindihan nya kaya ang binabasa nya? tss.

Oo nga! Whole day ka naming hindi nakita sa school ah! Ni hindi ka nga nagpaparamdam sa amin eh! Ni isang balita wala kaming natanggap. Di namin alam kung anu na ang nangyari sa'yo,,, Wow concern ha! Himala.. habang nagdudrums naman itong si Bella.. sakit nga sa tenga eh! ang lakas nang pagkakapukpok. ANu ba tung nangyari sa dalawang tu? Halatang galit nga sila sakin... Tiningnan ko naman kung bakit sobrang lakas ng pagkakapukpok ni Bella sa drums habang hawak hawak ang drumstick ko..Oo tama ang pagkakarinig nyo. Drimstick ko, Im the drummer sa band eh!..... kaya pala, Nakabaliktad pala yung pagkakahawak nya nun. yung malaking part yung pinangpokpok nya eh! walangya! pag yang drums ko nabutas. malilintikan ka talaga sakin Bella ka!

HUi ! Kayong dalawa, tumigil nga kayo sa mga pinagagawa nyo, sinigawan ko sila ... Nakakainis kasi eh! Napatingin naman sila sa'kin. Hui Ashley, tama na nga yang drama mo, may tao bang nakakabasa ng magazine na nakabaliktad? Genius ka ba? pagsusuplada ko naman sa kanila, inayos naman ni Ashley ang magazine. Kainis kasi eh! tinakot pa nila ako. Upakan ko nga sila jan eh! HUi ikaw naman Bella , akin na nga yang drumstick ko! baliktad pa yung pagkakahawak mo, pag yang drums nasira lagot ka talaga sa'kin. then binigyan ko sila ng death glare. Napataas naman sila nang kamay na parang mga kriminal na sumuko! hahah! buti naman at natakot din sila sa'kin ... ahaha! Kung may balak pala kayong mag-artista sa harapan ko, galingan nyo naman, anu ba naman yan , ang dali nyo lang mabuking eh!

Sorry na Girl, kaw kasi eh! pinag-alala mo kami . . Akala nga namin eh, napahamak ka na, AhSus! maypa concern concern pa sila. Di nila ako mauuto noh! Akala nila nakalimutan ko na ang ginawa nila sa'kin kanina. Lagot kayo ngayon sa'kin...

May pa concern concern pa kayong nalalaman ha! Akala nyo nakalimutan ko na ang ginawa nyo sakin? Laki ng kasalanan nyo sakin noh!

Anu naman ang ginawa namin sayo, sis? Pesteng friend oh! may painosente effect pa talagang nalalaman ha!

Gusto nyo enumerate ko? sarcastic kong pagkasabi.. bigla naman silang namutla. hahaha! wala kayong lusot sakin noh!

Hehehe! Friend wag nlang kaya, aabutin pa tayo ng siyam siyam niyan pag enumerate mo pa.

FALL FOR YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon