Chapter 14* Sermon ng Mylaavs

97 2 0
                                        

Jewel’s POV

Pumasok na ako sa bahay namin ng mga friends ko.. Hayyy!! Masaya naman ang day ko kasama sya!! PERFECT

Pag pasok nang pagpasok ko talaga sa bahay, sinalubong agad ako nang tatlong ito ng mga sermon at kung anu-anu pa.. Hahayyy!

Bakit ngayon ka lang nakauwi babae ka! San ka naman ba pumunta?? ~sabi ni Bella habang nakacross arms, parang nanay lang kung makaasta Tss’

Edi bumili ng mga gamit natin dito sa bahay.. Di nyo ba nakikita tung bitbit ko?? Pss’ ~at pumunta ako sa ref para kumuha ng maiinom.. Silang tatlo?? Parang buntot na nakasunod parin sa kin.

May gana ka pa talagang magpilosopa sa’min ngayon ha!! Nag-aalala lang kami sa’yo, akala namin kung ano na ang nangyari sayo.. ~Ashley

Wow!! Concern!! Thank you! ~sabi ko sa kanya at patuloy na ininom ang Chuckie!

Grabeh ka te! Parang wala lang kung pinapagalitan oh!! Walang ka emo-emosyon.. Akala ko ba yung motor mo ang gagamitin mo.. Bakit si Ivan ang naghatid sayo?? ~Deniesse

Ba’t mo alam na si Ivan yung naghatid?? ~ako

Edi pumunta kami sa bintana tapos pumikit kami para di naman makita na si Ivan ang naghatid! DIba sis?? ~Deniesse

Ahahahha!! Nakakatawa grabeh! ~sarcastic kung pagkasabi

Parang ang labo mo nang kausap ngayon Jewel? ~tanong ni Ashley

Pansin ko lang, parang ang close nyo nang dalawa.. kayo na ba?? Ayee Jewel aminin mo,, okay lang naman samin eh! Swear! ~Deniesse

Che! Tumahimik nga kayong tatlo jan! Walang kami.. May girlfriend na yun,, si Nat2x tanda nyo?? Atsaka malabong maging kami noh! ~sabi ko sa kanila

So?? Inamin mo rin na may gusto ka sa kanya?? ! Jewel, bakit andami na naming hindi nalalaman.. Pag ikaw, hindi nagkaboyfriend this month,, kami talaga ang hahanap para sa’yo.. Tandaan mo yan. Alam mo naman pag kami na ang nagsabi diba?? ~Bella

Wow! Grabeng kaibigan kayo noh!! Kayo ang bahala!! Mag hire kayo ng madaming boys jan okay lang! Walang papasa sakin ni isa! ~sabi ko sa kanila at umakyat na ako sa taas para matulog.. Nakabuntot pa rin yung tatlo sakin tss’ . Hindi ba talaga nila ako tatantanan??

Jewel! Gagawin talaga namin yun! Bukas na bukas we will start hiring a good boyfriend for you.. !! ~Deniesse

Yup! Yup ! Yup! Bakit hindi mo kaya ako sundin?? Madaming boyfriends, kung gusto mo, bigyan pa kita ng isa eh! ~sabi ni Ashley

Tss’ wag mo nga akong igaya sayo! Che! Matutulog na ako! ~sabi ko sa kanila.. SHUT DOWN!! Matutulog na ako! (Lights off)! Lumabas na rin yung tatlo! Buti nalang walang pasok bukas, Saturday!!

FALL FOR YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon