IVAN’s POV
Pinagmamasdan ko muna sya habang natutulog. (sigh) Ang ganda nya talaga! Pero parang nahihirapan sya sa pagtulog?. Kinuha ko na lang ang dextrose ko nang walang pag-aalinlangan. Binuhat ko sya at ipapahiga ko sana sa kama. Nang biglang dumating si Bret??
Cole! ~sigaw nya habang hinihingal hingal pa. Nakatayo lang ako habang buhat2x si Ms. Cole
Bret??~ako
Ivan?? Gising ka na pala? ~parang di makapaniwalang tanong ni Bret
Ahh! Ou, kanina pa! Hmm. Bret, ipapahiga ko muna si Ms. Cole sa kama ha. Nabibigatan na kasi ako sa bruhang tu eh! ~sabi ko habang tawa ng tawa’
Ahahahah!! Ou nga! Mabigat talaga yang Cole ko. Anlakas kayang kumain nyan. Hahahha! Sige tutulungan na kita.~sabi ni Bret at pinahiga na nga namin si Ms. Cole sa kama.. Umupo kaming dalawa ni Bret.
Hmm. Kanina pa ba si Cole ko dito??
Ou kanina pa sya nandito. Kaya nga napuyat siguro sya ~sabi ko kay Bret habang tinitingnan si Cole na natutulog.
Ahahahaha! Alam mo ba, di yan umuwi si Cole sa apartment nila. ~sabi ni Bret habang tawa nang tawa
Huh?? Di sya umuwi?? Dun ba sa apartment nilang magbabarkada? Bakit naman??
Ou yun nga! Apartment nila. Parang takot kasi si Cole umuwi dahil sesermonan na naman sya ng mga kaibigan nya.. Ahahahaha!
Asan sya natulog?? ~nagtatakang tanong ko
Sa Kotse! Ayaw nya kasing dalhin ko sya sa condo kaya sa kotse nalang kami natulog dalawa! ~Bret
Hayy salamat!!! Buti naman! ~Bulong ko sa sarili
Ivan? May sinasabi ka?? ~tanong ni Bret
Ahh! Wala! Gusto ko lang tanungin sana kung Panu nyo pala nalaman na naaksidente ako?? ~pagpapalusot na tanong ko
Tumawag si Mommy. Sabi ni mom, sinabi lang din daw sa kanya ni nat2x na nacar accident ka kaya dali2x kaming pumunta dito ni Cole. Alam mo, kung tutuusin, Si Cole pa nga yung mas natataranta kesa sakin eh!! Pagod na pagod sya at inaantok pa… pero nang malaman nyang naaksidente ka, di sya mapakali.. Nagpalit pa nga kami ng pwesto. Imbis ako yung nasa driver seat, pinalipat nya ako dun sa Front seat at sya ang nagdrive. Ang bilis nya palang magmaneho ng sasakyan. Natakot ako dahil baka maaksidente din kami pero sabi nyang magtiwala lang daw ako sa kanya kaya yun, naniwala naman ako. Di ko nga namataan na nandito na pala kami sa Hospital. Iniwan ba naman ako sa kotse na natutulog?? AHahhahaha~ tawang tawa namang sabi ni Bret. Ginawa nya talaga yun para sakin??
Ginawa nya talaga yun para sakin?? ~tanong ko kay Bret
Hmm. Parang ganun na nga! ~sabi ni Bret sabay ngiti
Teka—sabi daw ng Cole ko na may girlfriend ka na daw?? Totoo ba yun? ~tanong naman ni Bret sakin
Hmm. Bret, wag mong sabihin kay Ms. Cole please! Niloko ko sya.. Ang girlfriend na tinutukoy ko ay walang iba kundi si Nat2x. ~pagcoconfess ko kay Bret. Alam ko namang mapagkakatiwalaan si Bret eh!
Bat mo naman ginawa yun??
Kasi ang kulit ni Nat2x ! Di ko alam ang rason kung bakit sya nagpapanggap na magsyota kami pero sinunod ko nalang sya! Alam mo naman ang pinsan nating yun! ~sabi ko sa kanya
BINABASA MO ANG
FALL FOR YOU
Teen FictionDi mo sinasadyang mahulog ka sa kanya. Anung gagawin mo, iiwas ka nalang nang iiwas o sabihin mo sa kanya ang totoo?