Chapter 31* You Dont do that to me >.<

62 2 2
                                    

Jewel’s POV

(Alarm Clock tone ng Cellphone ni Jewel entitled BALIW by krissy jane)

Nababaliw na ako sa iyo,,

Akoy litong lito, Naloloka

Nahihibang sa kaiisip sayo.

Aizzzztt!! Ang ingay naman ng phone ko!! ~sabi ko at gumising na! Pinatay ko na rin yung alarm clock sa phone at bumaba  na ako para kumain.. Parang dumadalas na ata ang pag gising ko ng maaga! Himala!! 

Bumalik muna ako sa kwarto para magshower at nang matapos na ako,, bumaba ulit ako at Kumuha nalang ng sandwich dun sa ref . Lumabas na ako papunta sa school. Kamusta na kaya si Ivan bakulaw na yun?? Kinuha ko nalang ang bisikleta at magbibisekleta nalang ako papunta sa paaralan..

Few Minutess Later,, Nandito na rin ako sa paaaralan namin at pumasok na nga ako sa aming klasrum

Pag dating na pagdating ko dun,, may tao nang nakalapag ang ulo sa desk kaya tinignan ko naman ito kung sino… Si Ivan?? Nakalabas na pala sya sa hospital??

Umupo nalang muna ako malapit sa may desk nya at nilapag ko din yung ulo ko in short,, face to face kami ngayon.. Inoobserbahan ko nalang muna syang natutulog at di nalang muna dinisturbo..

Hmm. Gwapo nya pala,, Tangos ng ilong,, ang pula pa ng labi !! Maganda din naman yung mga mata nya,, kahit nga mga kilay nya ang ganda din! Gwapo nya naman kahit tulog!! ~patuloy pa rin ako sa pag-oobserba sa kanya

Pero maya maya,, dinilat  nya na rin ang mga mata nya na sya namang aking ikinabigla..

Oh Ms. Cole?? ANong ginagawa mo ??~nagtataka nyang tanong sakin

Hmm- ahh- ehh-- !! Wala naman,, Kadadating ko pa nga lang eh! ~pangangatwiran ko naman sa kanya

Ahh! Okay! ~sagot nya naman.. Bat gantu umasta ang lalaking tu ngayon?? Wala ba sya sa mood para asarin ako??

Maya-maya,, nagsidatingan na din yung mga kaklase at mga guro namin pero di pa rin sya kumikibo sakin!!  Ang tahimik nya parin hanggang ngayon.. Ano kayang problema ng lalaking tu??

Hmm. Ivan?? ~pagsisimula ko sa conversation pero di pa rin sya kumikibo.. May ginawa ba akong mali sa kanya?

Natapos na lang ang academic class namin pero di nya pa rin ako pinapansin.. Hmm.. Hindi naman sa kulang ako sa pansin pero di ko kasi maintindihan kung bakit tahimik lang sya!

LunchBreak ****

Oh Sis?? Bat ang tahimik mo jan?? ~tanong sakin ni Ashley

Ahh! Wala! May iniisip lang! ~sagot ko naman sa kanya

Wala?? Kanina ka pa tulala jan! Ni hindi mo pa nga ginagalaw ang pagkain mo eh! ~sabi din naman ni Bella

Ok lang talaga ako!! Wag nyo nalang akong intindihin okay?? ~sabi ko naman sa kanila

Few minutes Later,, sa di kalayuan,, nakita ko si Nat2x na papunta sa amin

Hi ghurlz! Pwede bang makisabay?? ~tanong ni Nat2x samin

Hindi!! ~diretsu ko namang sagot sa kanya pero tiningnan din naman ako ng masama ng tatlo kung mga kaibigan

Sure Nat!! Umupo ka lang jan! ~sabi naman ni Deniesse.. Kelan pa naging friend nila si Nat??

Tinanong mo pa kung pwede kang makisabay,, di mo rin lang naman pinakinggan ang sinabi ko! ~bulong ko naman sa sarili pero para kay Nat talaga yun

FALL FOR YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon