Unang Araw
"Prince Enzo" tumingin siya sa akin ng tinawag ko siya. Kanina kasi nang matapos kaming kumain ay pumasok ako sa silid ko dahil parang hindi ko mahanap ang sarili ko, hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa akin pero ng makita ko siya may nag- iba sa akin. Ngumiti siya sa akin at tinapik ang upuan sa kanyang tabi na tila ba ay sinasabi niyang tabihan ko siya kaya naman ay hindi na ako nag dalawang isip, gusto ko siyang makausap ng malinawagan ako sa mga nararamdaman ko at alam ko na siya lang ang makakasagot ng lahat ng agam- agam na meron ako.
Tahimik lang kaming dalawa, sabay na pinagmasdan ang malawak na bukid. Hindi ko alam kung ako ba dapat ang magsimulang magsalita dahil hindi din naman siya kumikibo, his still a stranger to me pero may iba akong nararamdaman.
"Trixie" agad akong napatingin sa kanya pero hindi siya nakatingin sa akin. Doon parin nakabaling ang pansin niya sa malawak na lugar sa harapan namin. Lahat ng andito sa mundong ito ay parang isang panaginip lamang na hinihiling kong magkakatotoo.
"I miss you" napamaang ako sa sinabi niya. Matagal nab a niya akong kilala? P-pero paano?
"All my life nakatingin lamang ako sayo. Tinutulungan kita, inaalagaan, inalalaayan kaya nga kahit na sapat na iyon sa akin hindi ko parin kaya. You're so near yet so far" agad kong nahigit ang king hininga ng bigla na lamang niya akong hinarap sa kanya at niyakap.
"I miss you, sana ramdam mo iyon" hindi ko na talaga alam ang lahat ng gagawin, lahat ng naramdaman ko ay bago para sa akin at alam ko na may mga bagay akong dapat isipin. Kung paano ako makakaalis sa lugar na ito at bumalik sa mundong kinagisnan ko.
"A-ano ba ang nangyayari? Wala akong maintindihan. H-hindi ko alam kung b-bakit k-kilala mo ako" nagbuntong hininga siya at pinakawalan ako. Nakatingin lamang siya sa mga mata ko at ngumiti.
"Matagal na tayong nagkakilala. When you were ten years old" gusto kong alalahanin pero hindi ko magawa, wala akong maalala kahit na pilitin ko.
"Nasa probinsya kayo no'n... kasama mo ag pamilya mo..." habang sinabi niya iyon para bang isang teleserye ang bumungad sa akin. Hindi ko maintindihan pero kalaunan ay naging klaro na sa akin ang lahat.April 9, 2006
Nakatingin lamang sa malayong parti ng bukid ang batang si Trixie. Napapangiti siya sa lawak nito, lahat ng abot ng kanyang mga mata ay pag- aari ng angkan niya at nandito sila upang hatiin ang lupa. Ni minsan hindi niya naisip kung ano ang meron sla dahil hindi naman sila namumuhay ng marangya sadyang pinalaki silang may alam sa buhay na kapag walang- wala ay alam nila kung ano ang gagawin. Sa di kalayuan ay may natanaw ang batang si Trixie, isang lalaking nakatanaw sa kanya. Gwapo ito, maputi, matangos ang ilong, chinky eyes, messy hair at red lips. Bata pa lamang siya pero alam na niya ang salitang gwapo. Sino ba naman ang hindi? Mag karoon ba naman siya ng kaibigan na ubod ng yabang at lagi nitong pinapakita kung ano ang salitang gwapo.
Nilapitan ito ng batang si Trixie.
"Hi" nagtaka ito ng makita niyang nagulat ang bata. Sa isip niya ay baka nabigla ito.
"N-nakita mo ako?" tanong sa kanya ng batang lalaki. Tumango lamang siya.
"P-paano nangyari iyon?" bulong ng batang lalaki.
"Anong sabi mo?" tanong naman ng batang si Trixie. Ngumiti ito sa kanya at nilahad ang kamay na tila nagpapakilala sa kanya.
"Ako nga pala si Prince, ikaw pwede ko bang malaman ang pangalan mo?" kinuha naman ni Trixie ang kamay ng bata at nakipag shake hands.
"Ako si Trixie. Nice meeting you" nakangiti niyang pakilala. Simula ng araw na iyon ay lagi na silang magkalaro, sabay na nagtatakbuhan sa malawak na bukid. Noon lang din naisip ni Trixie na maaari din pala siyang sumaya na ba ang kasama, na hindi lang puros iyong kaibigan niyang si Zachary.
"Masaya ako at nakilala kita" ani ni Trixie, ngumiti naman ang bata.
"Ako nga din eh, sabi pa naman sa akin ni Ate Princess na kaya mo ako nakikita ay pinagtagpo tayo ng tadhana. Na mayroong ikaw at ako" nagtaka ang batang si Trixie, pero kahit na iyon ay binaliwala niya dahil para sa kanya ay masaya siya sa kung anong meron sila.
Nagdaan pa ang ilang araw at mas napapalapit sila ngunit napansin iyon ng mga matatanda. Nag- alala sila kung bakit nagsasalita si Trixie ng mag- isa gayong hindi nila nakikita ang batang si Prince. Kaya naman ay agad na inuwi nila si Trixie sa syudad. Ni hindi na ito nakapagpaalam sa kanyang kaibigan at dahil bata pa ay nawala agad ito sa kanyang ala- ala ngunit kailan man ay hindi siya iniwan ng kaibigan hanggat sa napamahal na ito sa kanya."I-ibig mong sabihin-" hindi na naituloy ang sasabihin ko ng magsalita si Enzo.
"Ako si Prince at ikaw si Trixie, ang babaeng nakatadhana sa akin" hindi ko maintindihan. Alam ko naman na hindi siya normal na tao pero bakit? Bakit kami gayong alam ko naman na bawal iyon.
"Mahal kita Trixie at alam kong ikaw ang pakakasalan ko" hindi ko alam pero bigla ko na lamang niyakap si Enzo, para bang ang sakit para sa akin ang lahat ng mga nangyari, siguro ay dahil sa mahal ko si Zach kaya hindi ko magawang mahalin si Enzo.
"Alam kong may ibang nilalaman ang puso mo pero gusto ko sanang sabihin na kailan man ay hindi mo siya mahal" nagtaka ako, napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Ano ang ibig niyang sabihin?
"Napamahal ka sa kanya dahil magkaibigan kayo, dahil inisip mo na maaaring pwede kayo dahil matagal na kayong magkakilala-" Hindi ko na siya pinatapos pa at tumayo na ng akmang aalis ako ay bigla niya akong pinigilan.
"I-if you really love him... then try..." napatingin ako sa kanya, binitiwan niya ako pero hindi ako umalis, may lungkot sa kanyang mga mata na hindi ko mawari, ano ang ibig niyang sabihin?
"Try to love me... at kapag hindi talaga... I will let you go" at doon unti- unti siyang naglaho. Napaluhod ako at napahagulhol. Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Alam ko naman na hindi ko siya mahal at hindi ko siya kilala pero may roong parte sa puso ko na masaya na nakita ko siya. At ng maglaho siya ay bigla akong nakaramdam ng sakit, sakit na nawala siya sa tabi ko.
Tumayo na ako at naglakad paalis, hindi ko man ito naiintindihan pero alam ko na dadating ako sa araw na iyon, na maiintindihan ko siya. Unang araw palang ito na kapiling ko siya pero parang hindi ko kaya...
BINABASA MO ANG
A Farce Love Story (Cycle d'Amis Series #4)
Fantasy"The day that I saw you. I already mark you. A mark that you will carry forever, a mark that says. You.Owned.By.A.Prince" -Enzo Delantar