Ang mga ngiti
"Trixie! Trixie!" Agad na napalingon ang batang si Trixie sa kaibigang tumatawag sa kanya napangiti siya at ng makalapit na ito sa kanya ay niyakap niya ito.
"Hello prinsipe" aniya dito. Hindi naimbsan ang kasiyahan nilang dalawa sa loob ng maikling panahon nilang pagsasama ngunit alam niya na masaya siya dahil isa na sa mga espesyal niyang kaibigan si Prince na ngayon ay tinatawag niyang prinsipe.
"May ibibigay ako sa iyo" ani ng batang lalaki at ipinakita sa kanya ang isang anklet na parang infinity ang nagkukunekta nito upang maging bilog, sa gitna noon ay may isang korona at isang kulay asul na diamante.
"para sa akin ito?" tumango si Prince at lumuhod upang ilagay ito sa kanyang binti.
"Ang anklet na ito ay isa sa mga alala natin at pangako na tayo parin habang buhay" niyakap siya ng batang si Trixie.
"Salamat, pangako iingatan ko ito pero paano na 'yan wala akong maibibigay sa iyo" inakbayan siya ng bata at magkatabing pinagmasdan ang kabundukan.
"Lahat ng alaala na meron tayo sa lugar na ito ay sapat na naregalo mo sa akin. Masaya na ako at wala na akong iba pang mahihiling basta ipangako mo sa akin na hindi mo ako kakalimutan ha?" tumango si Trixie at nakipag pinky swear pa ito.
"PANGAKO!!"
Agad kong naimulat ang mga mata ko. Hindi ko alam kung ano iyon pero alam kong alaala ko iyon noong bata pa ako. Pero bakit hindi ko matandaan ang anklet na bigay niya? Nasaan na iyon ngayon?
Pilit kong inaalala ang lahat ng para na namang isang movie ang mga alaala na nakalimutan ko na.
"Sino ba naman kasi iyang kaibigan mo?!" Tanong ng ina ni Trixie ng makauwi na sila sa syudad. Iyak lang ng iyak ang batang si Trixie dahil hindi siya nakapagpa alam sa kaibigan baka magalit ito sa kanya at sa susunod na makabalik siya ay baka hindi na sila magkaibigan.
"Si P-prince po ang kaibigan ko" medyo sinisigok sigok pa niyang sabi dahil sa kakaiyak niya.
"Ah si Prince ba? Anak hindi ka naman tinuring na kaibigan no'n, pinaglalaruan ka lang-" umiling- iling pa ang batang si Trixie pero kahit anong gawin niya ay wala pa din, pilit na iniisip niyang mali ang sinasabi ng kanyang mga magulang ngunit hindi na din niya kinaya, naniwala na din siya sa sinabi nito kaya naman ay tinanggal niya ang anklet na nasa kanyang paa at inilagay sa kanyang box at mag mula noon ay kinalimutan na niyang tuluyan ang binata.Nanlaki ang mga mata ko ng maalala ko ang araw na iyon. Tama-iyon iyong araw na iyak ako ng iyak dahil sa nawalan ako ng kaibigan. Ngayon alam ko na kung bakit kami magkakilala.
Agad akong bumangon at naligo, hindi ko alam kung andito na ba siya-si Enzo gayong kahapon ay bigla na lamang siyang naglaho.
Nang makapag- ayos na ako ay agad akong lumabas ng bahay at ganoon na lamang ang ngiti ko ng makita ko si Enzo na hinahanda ang kakainin namin. Napatingin siya sa akin at ngumiti kaya ngumiti na din ako.
"Good morning" aniya kaya nilapitan ko siya at niyakap. Ngayon ramdam ko na ang lahat ng ito, naiintindihan ko na kung bakit may kakaiba akong nararamdaman sa kanya. He is my long lost best friend.
"H-hey? Is there any problem?" Umiling lang ako at nanatiling nakayakap sa kanya. Ninanamnam ang mga yakap na pakiramdam ko ay proprotektahan ako sa ano mang panganib.
Habang nakayakap ako ay naramdaman ko ang kanyang mga kamay na humahagod sa aking buhok, kay sarap sa pakiramdam at alam ko na hindi niya ako papabayaan.
"I miss you too..." I felt him stiffen.
"Prince" agad niyang iniangat ang aking ulot at tinignan ako, ang mga mata niya ay tila nangungusap na sabihin sa kanya ang lahat. Tumango ako at ngumiti tsaka muli siyang niyakap.
"Sorry sa lahat dahil kinalimutan kita, hindi ko naitupad ang mga pangako ko" naiiyak ako sa lahat ng mga sinayang ko. Nangako ako ngunit pinako ko ito, ako pa mismo ang pumako sa isang pangako na ayaw kong ipako.
"Okay lang naman iyon... naiintindihan naman kita" umiling ako.
"Alam ko na malaki ang kasalanan ko sa iyo, iniwan kita at kinalimutan kaya ng makilala kita ay wala man lang akong maalala pero alam ko... ramdam ko sa puso ko na mabait ka at iyon na nga naniniwala na ako na kahit makalimutan man ng isip natin ang isang importante at mahalagang bagay alam ko naman na hinding- hindi makakalimot ang puso" bata pa lamang ako noong makilala ko siya pero alam ko naman na siya at ako lang ang meron sa mundo naming ngayon. Oo impossible pero walang impossible sa dalawang tao na kayang harapin ang buong mundo basta magkasama sila na walang bibitaw at walang susuko.
Iyak lang ako ng iyak habang siya naman ay pinapatahan ako.
"Sige na wag ka ng umiyak, okay na sa akin ang lahat kaya halika na dahil kakain pa tayo at mamamasyal, may ipapakita ako sa'yo" tumango ako at umupo na, siya naman ay inayos na ang gagamitin naming. Napapangiti na lamang ako dahil hindi mawala sa isip ko na para akong princessa... Princessa na kagaya niyang Prinsipe.
Ng kumain na kami ay hindi ko maiiwas ang mga tingin ko sa kanya. Kapag nahuhuli niya akong tumingin sa kanya ay ngumingiti lamang siya sa akin at kinikindatan ako kaya napapahagikhik ako. Kung nakikita lang ako ng mga kaibigan ko malamang ay sasabihin nila sa aking lumalandi ako pero hindi eh, iba ito. Bago.
"ANG DAYA mo!!" reklamo ko kay Enzo. Andito kami sa may isang gubat na may malawak na lawa, maganda ang tanawin dito iyon bang parang nakikita natin sa isang fairytale na mga palabas at kapareha nila ay ito din ang storya ko.
"Ahhh!" napasigaw ako ng bigla na lamang niya ako hinuli, hinampas ko siya na siyang ikinatawa niya kaya napasimangot ako.
"O wag ka na ngang sumimangot mas gusto ko kasing ngumingiti ka" namula na lamang ako bigla ngunit hindi ko iyon pinakita sa kanya.
"Bakit ba, lahat naman tayo makarapatang sumimangot." Kinurot niya ang pisngi ko.
"Iba ka kasi... sa mga ngiti mo palang hulog na ako. Na ang mga ngiti mo ay parang bituin sa langit, kay sarap pagmasdan" napatitig na lamang ako sa kanya. Bumibilis ang tibok ng puso ko na hindi ko maintindihan. Andito na naman ako sa lugar na ito... Ang lugar kung saan wala akong maiintidihan sa mga nangyayari sa akin.
BINABASA MO ANG
A Farce Love Story (Cycle d'Amis Series #4)
Fantasy"The day that I saw you. I already mark you. A mark that you will carry forever, a mark that says. You.Owned.By.A.Prince" -Enzo Delantar