Chapter 12 - Bye

78 3 0
                                    

Hans' POV

Masyado kaming nalulungkot ngayon.. Simula bukas kulang na ang buong barkada. Bakit?

Nag drop out na kasi ang apat sa miyembro ng barkada. .....

Yung dalawa sa ibang bansa na mag-aaral. Yung isa sa ibang school naman. At yung isa mas piniling mag- aral ng piano sa ibang bansa. Piano classes na ang aattendan niya.. Sino sila?

Nandito kami ngayon sa may field, kaming buong barkada.

"Seryoso ba talaga kayong apat? Grabe naman yun.. Sabay sabay pa talaga kayong aalis?" puro tanong ang nasa isipan ni Cameron. Kanina pa yang ulit ng ulit ng tanong.

"Plinano niyo bang magsabay sabay?" tanong ko sakanila.

Nagtinginan naman yung apat. At nagsalita na nga si Kate.

"Sinabi ko sakanila yung plano kong pag-aral sa ibang bansa. Alam din naman natin na si Mervin mahilig magpiano." tanging sabi ni Kate.

"Kayong dalawa. Magsalita naman kayo." sabi ni Ter.. Terrence.

"Gusto ni mommy na mag-aral ako sa iba. Nagkataon naman na nasabi ko yun kay Mervin kaya yun plinano na namin." sabi ni Bryne ng nakayuko.

Tiningnan naman namin si Enrique. Siya na lang ang di nagpapaliwanag eh.

Tumingin naman siya samin."Bakit?" tiningnan namin siya ng masama. "Ako na lang pala.. Hehe.. Gusto ko lumipat sa Infinite University. Alam kong mas mahirap dun kasi malayo, but i've been here since 1st year. I want to experience being senior sa ibang university. I'm sorry guys.. I'm sorry Hans." Nagulat kami.. Hindi dahil nagsorry siya sakin. Kundi dahil sa rason niya, pero agad din naman kaming nakabawi sa pagkagulat..

Nginitian ko siya at sinabing: "Okay lang yun samin Enrique. Naiintindihan namin kung ano yung gusto mo. Ang gusto lang naman talaga naming malaman yung rason mo. Di mo kailangan magsorry." sabi ko sakanya. Tumango naman yung mga iba.

"Tama siya, Enrique. Susuportahan ka ng buong barkada. Susuportahan namin kayong apat.." aniya ni Terrence.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 22, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Way It Should BeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon