Chapter 11 - Pambawi na Bonding

35 2 0
                                    

Still In Mcdo

Cameron's POV

Nandito ako ngayon nakapila kung saan dapat pumila. Mago-order na ako ng kakainin namin ni Kuya Eddie. 3 Big Fries, 2 burger, 4 coke floats, tapos Isang Order ng Family Bundel. Pagka-order ko. Dalawang waiter ang kasama ko sa pagbuhat ng mga pagkain namin ni Kuya Eddie.

"Ang dami naman, iho. Pero okay lang.. Hihi. ^_^" Tapos tumawa ng nakakaloko si Kuya Eddie.

"Kaya natin yan Kuya Eddie. Sayo ata ako nagmana.. Haha.." sabi ko.

"Cameron.... loko loko ka talagang bata ka! Papaiyakin mo ako eh.. Huhu!" sabi niya na talagang naiiyak.

"Hahaha.. Kuya Eddie, gusto ko lang bumawi sa lahat.. Gagawin ko yun ngayon.. Hindi lang pagpunta dito sa Quezon ang dahilan kaya kita sinama. Naalala ko kasi na ikaw ang Nanay at Tatay ko.." habang sinasabi ko yan ngumunguya na siya ng fries. Sus..

"Naging Kuya na din kita.. Salamat sa lahat lahat.. Hayaan mo akong bumawi, kuya..." pagpapatuloy ko.. Napahawak ako sa noo ko .. Kasi ang tanging reaksyon niya ay tumango tango lang siya habang kumakagat sa fried chicken..

" Sige na nga.. Kain na muna tayo.. Para akong siraulo na parang kinakausap ang sarili.." sabi ko ..

"Hihihi.." tawa niya..

Pakatapos niyang tumawa, kumain na lang kami.. Budol fight!!

Natapos na kaming kumain ni Kuya Eddie.. Pero nagtagal pa kami sa Mcdo.. Nakaupo. Halos mga 30 mins din kaming nagtagal dun.

Sa ngayon naglalakad na kami papunta sa kotse ko.. Pupunta na kami sa mall, magpapaspa si Kuya Eddie, nang hindi niya alam.. Hihi..

"Saan na tayo pupunta, Cameron?" Kuya Eddie..

"Sa mall po, Kuya Eddie."

"Anong meron sa mall?"

"Malamang mga tindahan po, kainan, sine, atbp." sabi ko.

"Ito talaga! Hindi na nasagot ng maayos."

"Hihi, Magpapa-spa po kayo.. Pambawi ko.."

The Way It Should BeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon