First day ng Practice ng Graduation namin ngayon. Dadating si mama bukas kase sa isang araw na Graduation namin.
Maaga akong nagising kase excited ako na pumasok para sa first day of graduation.
*ring ring ring*
CALL FROM CLARISSE
ACCEPT..... DECLINE.....Hmm? Bat siya tumatawag ? Anung kelangan niya? Bigla akong kinabahan.
Hello? Sino to? Tanung ko na kunwari di ko alam kung sino siya. XD
Clarisse to. Kamusta ka na babe? Sorry ah. Sorry. Hindi ko alam ang gagawin ko nung nawala ka. Sorry. Kasalanan ko. Nadala ako ng pagtatampo ko nun.
Eh sino ung lalakeng kasama mo nung araw na dapat magkikita tayo???
Ok lang ako. Masaya sa buhay buhay. Gagraduate ka ba? San ka mag aaral?HA? Pinsan ko un babe. Oo. Gagraduate ako. Btw dadalhin daw ako ni Dad sa U.S. dun daw ako magko kolehiyo.
Nung sinabi un ni Clarisse para bang bigla kong naramdaman na mahal ko na ulit siya. Bumalik nga pagmamahal ko sakanya kaso aalis siya. Iiwan na niya ko. Panu na ako? Di ko kaya. Ewan. Ansakit. Ugh.
Hello? Babe. Anjan ka pa ba?
Ika ni Clarisse.Ah-eh- Ahm. Iiwan mo ule ako? :'( paluha luha kong tanong.
Sorry. Pero utos ni papa. Di ko pwedeng hindi sya sundin. Aalis kame lahat dito. Siguro pag bakasyon naman magkikita kita tayo. Ika niya.
Ah. Ganun ba? Mamimiss kita. ika ko.
Ako din naman eh. Pag balik ko babe promise magpapakasal tayo. Ika niya.
Nung sinabe niya un para bang kung anung bumalot sa isipan ko at buong katawan ko. Sana dalian niya lang. Ayaw kong umasa.
Babe? Ayaw mo ba? Ika niya.
Gusto. Kaso matagal eh? Sana di ka makahanap ng iba ah? Pag ginawa mo yun. Bahala ka. Ika ko.
Oo babe. Promise. Oh sge na. Tara? Sabay tayo pasok? Sunduin kita? Kaen tayo?
Wag na babe. Ako na susundo sayo. San ka na ba?
Palabas na ng bahay babe. Ika niya.
Oh sge. magpeprepare lang ako. Wait mo ko sa gate niyo ah?
Oh sge babe. Bye. Ingat. Ika niya.
After 30 mins, kinausap ko si papa na ako nalang muna magcommute mag isa. Pumayag din naman ito.
Nasa kalsada ako nang may nakita akong matandang babae na namamalimos.
Iho, pahingi naman ng barya pangkaen lang. Ika ng matandang misteryoso.
Inabutan ko ng 20 pesos.
Ah iho salamat ah? Ang swerte swerte ng mapapangasawa mo. Bukod sa Gwapo ka na, mabait ka pa. Good luck iho. Ngunit may isang karanasan ka na sobrang sakit. Hindi mo matatanggap. Kakaibang pagmamahalan ang mangyayare sa inyo. Tignan mo ang iyong likuran.
Nagtataka ako bakit ganun ang mga pinagsasasabe ng matanda. Agad ko namang tinignan ang aking likuran. Pagharap ko ay nawala ang matanda. Anu ang nais niyang iparating? Anung pagmamahalan un? Di maalis sa isipan ko lahat.
Tulala ako hanggang sa gate nila Clarisse.
Babe? Ayos ka lang? Bat tulala ka? Gutom ka ba? Tara na sa mcdo. Ika ni clarisse.
Ah wala lang . Tara na. Gutom nga lang to. Haha. Tinawa ko nalang ang lahat.
Hanggang sa makarating kame sa Mcdo. Nasa isipan ko pa din kung bakit nawala ung misteryosong matanda na yun.
Hays! Hayaan mo na nga un! Ika ko sa sarili ko.
Ha? Ang alin babe? Ika ni Clarisse.
Ha? Gutom na nga talaga ako. XD Sabay tawa.
Hanap ka na ng pwesto babe. Oorder na ako.At nakaorder na ako. Kumaen kame. Bumalik ang kasweetan namin ni babe. Nagkwentuhan kame. Nagkulitan, kahit na ng ingay ingay namin sa loob eh wala kameng pake kase walang makakapigil samen. XD ngunit di namin naiwasang malungkot kase nga matagal kameng di magkikita sa loob ng mahabang taon.
Babe? Kahit na anung mangyare tayo pa din ah? Ika ni Clarisse.
Ah? Oo naman babe. Anung klaseng tanung ba yan? Ika ko.
Wala babe. Tara na. Malelate na tayo oh. Ika niya.Sige. Tara na. I love you. *sabay kiss sa noo*
I love you more babe. :*
Nasa gymnasium kame. Di naman mainit kase naka aircon kame. Madali lang naman ang practice. Kemeng kanta kanta lang. XD .
1st section kame. Samantalang 2nd naman sila Babe. At natapos nga ang araw nang masaya kame. Pero naiisip ko pa din ang matandang nagsabe sakin na may masamang... ewan. Di ko alam.Kinabukasan.
Good morning anak! Anjan na mama mo. Bangon ka na. Ika ni papa.
Good morning din po papa. Asan po si mama?
Nasa sala. Nagtatanggal ng mga damit at pasalubong galing sa maleta. Ika ni papa.
Sige po. Punta na ako.
"1 message received"
Hi babe. Good morning. :* Breakfast ka na. Take care. I lobe you. :* -BabeLOBE? ANU YUN? reply ko sa kanya.
Agad naman siyang nagreply.
Love yun babe. Eto naman. I love you. :* wag na magagalit.
Haha. Joke lang babe. I lobe este love you more. Btw kakarating lang ni mama. Kakamusta nalang kita.
Hindi na nasundan ang convo namen.
"Baka may ginawa lang."
Yan ang nasa isip ko. Hinantay ko nang matagal siya. Ngunit wala.Hanggang nasa school na nga ako. Hinanap ko ang Babe ko. Ngunit nabigo ako.
Anu nang nangyare dun? Bakit wala siya? Asan siya? Sana okay lang siya. Mga katagang nasa isipan ko.
Hanggang sa pag uwe, no text, no reply, no calls.
Hayst. What happened? Puntahan ko nalang kaya? Kaso gabi na. Bukas nalang.A/N: ANU KAYANG NANGYARE SA BABE NI QUEL?
Don't forget to like babe ah? :*