Chapter5: Poor Me

10 0 0
                                    

Hindi talaga ako makaalis.
Hinawakan ako ng dalawa kong kaklase. Hindi ko alam ang mga pangalan nila. Si Keith lang ang kilala ko.

Maangas ka diba?
Sabay suntok sa tiyan ko.

Tignan mo damit ko. Puro putek. Nahihiya tuloy akong magpakita sa mga babae dahil sayo.
Sinuntok ule ako.

Aah. Aray. Tama na. Sorry na. Sorry Keith.

Pre. Tara na. Nakaganti ka na. Kawawa na sya.
Ika nung mga kasama niya.

bago pa sila tuluyang umalis pinabitawan niya ako sa mga nakahawak sakin.

Edi naupo ako. At walang anu ano'y pinagsisisipa nila akong tatlo. Wala akong laban. Hanggamg sa nakahalandusay na ako sa daanan.

Pagkatapos nun ay iniwan nila ako nang tuluyan. Hindi ako makahingi ng tulong kase ansakit ng buong katawan ko. Wala akong masaklolohan. Kawawang ako. Hindi na sana dapat ako gumanti kanina eh.

Sinubukan kong tumayo ngunit natumba ako. Napansin ko ang daming dugo sa daan.. Natumba ako.

Pre? Pre? Okay ka lang ba?
Ika ng isang lalake. Pamilyar siya.

Pag gising ko nasa clinic na ako ng school. Andami kong pasa. Hindi ko maigalaw nang husto ang katawan ko. Sobrang sakit. Nahihihilo pa ako. Ugh.

Pre. Labanan mo. Kaya mo yan. Andito lang ako. Josh to. Nakita kitang nakahalandusay sa daanan. Sinong bumugbog sayo? Tara. Resbakan natin. Wika ni Josh na alalang alala sakin.

Wa-wag na pre. Baka anu pang mang-mangyare sa-sayo. Hayaan na natin sila. Baka maging ganito rin sitwasyon mo if papatulan mo pa sila. Pautal utal kong sagot.

Ah. Nagugutom ka ba pre? Dalhan kitang lugaw. Wait ka lang ah? Lumaban ka. :)) Sabay hawak sa kamay ko.

Oh sige pre. Salamat at nanjan ka. Ika ko.

walang anuman pre. Bestfriends diba? :)

oo naman. :)
Ika ko.

Agad namang lumabas si Josh para bumili ng makakain ko.

Biglang pumasok sa ala ala ko si Clarisse. Na dapat nandito nag aalaga sakin. Na dapat na tumutulong sakin. Pero wala eh. Iniwan ako. Iniwan akong nag iisa. Iniwan akong sugatan ang puso. Iniwan akong ganito. Kung nandito lang sana siya eh hindi sana ako magkakaganito. Napag isip isip ko na malalaman mo pala ang halaga ng isang bagay kung mawawala ito sayo. Kaya pala nawala sakin si Clarisse. Kase sobrang halaga siya saaken. Eh ako ba? Mahalaga ba sakanya? Hayst. Bumuntong hininga ako.

Nanggigilid ang mga luha ko. Pilit kong wag itong tumulo.

Ilang sandali pa ay pumasok na si Josh. May dalang lugaw. At maiinom.

Bigla na lang tumulo luha ko. Hindi ko alam kung bakit. Siguro sa pagpapakitang effort sakin ni Josh? Ewan. Ang bait bait niya. Feeling ko BOYFRIEND KO SIYA. wait. ANU KAMO QUEL? BOYFRIEND? Biglang pumasok sa isipan ko un. Gusto ko nang ilabas ang tunay kong pagkatao. Ang pagiging BISEXUAL ko. Pero may gf si Josh. Loyal siya sa gf niya. At di hamak na straight siya. Anu lang ba ako sa kanya. Bestfriend lang. Tropa. Pare. Tol. Parang kapatid ko na siya. Hanggang dun lang un. Hindi na hihigit pa.

Pre. Eto na oh. Sabay tingin saking mata.
Huwag kanang umiyak. Para kang bakla niyan eh. Hahalikan kita jan. Hahaha.
Ika niya.

Gago. Sinong bakla? Ako? Lol. Hahaha. Kaen na tayo.

Habang kumakaen ay tinititigan ko sya. Parang gusto ko siyang halikan sa sinabi niya. Sana hindi nalang biro ung mga un. Haha. Bulong ko sa sarili ko.

Boy Bestfriend <3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon