Lumipas ang ilang buwan, college na ako. Kinuha kong course ay Marketing. Mejo naka move on na ako. Pero hindi ganoon kabilis.
At eto na nga.
First day ng klase. Pinaaral ako ni mama sa isang sikat na pribadong paaralan sa manila. Nasa abroad na si mama.New classmates, new friends na. Sana maging maganda ang araw ko ngayon.
At nasa campus na nga ako.
At at . At sa sobra kong pagmamadali kase nga excited, di ko sinasadyang mabangga ang isang lalake.Booooogggghhhhhsssss*
Then nakita ko nalang na nagdudugo ang ilong niya.
Tumayo siya.At nagwikang...
Bulag ka ba pare???? O tanga lang? Gago ka ah?
Hin... hindi ko sinasadya pare. Pasensya. Ika ko.
Walang anu ano'y biglang may kung anong mabigat na bagay ang sumalpok sa mukha ko. Sinuntok niya pala ako.
Syempre. Gumanti ako. Nagsuntukan kame. Dahil walang umaawat eh nasa putikan sya. puro putik ang uniform niya nang may humila sakanya para umawat. Syempre ako din. Buti nalang at may baon akong white t-shirt.Humanda ka! Hindi pa tayo tapos! Sabay dura at punas ng kanyang bibig.
Pasalamat siya at gwapo siya. Kung hindi baka napuruhan ko siya. Hehe.
Pagkatapos nun ay umalis siya. Hindi ko alam kung saan nagpunta. Basta papasok na ako.
Bago ako pumunta ng Classroom eh nagpalit muna ko ng damit. At naghilamos.
At diretso sa classroom. Nakita kong ako nalang ata ang kulang sa classroom. Naupo ako sa tabi ng bintana at tinawag may kumalabit saakin. Tinanong ang name ko.
Hi! :) Im Priscilla. And you?
Ika ng dalagang katabi ko. Ang ganda niya. Kahawig niya si Angel Locsin.Ah eh ako si Exzequel. Quel na lang.
Ah. Nice to meet you! ;)
At nakipag shake hands.Whooo! Para akong nasa langit nung nakikipag shake hands siya. Napakalambot ng mga kamay niya.
At biglang dumating ang Prof namin. Mukha namang mabait.
Ok class, Im Roberto Casilang. Your prof for English. You can call me Sir Robert.
Hmm. Ang bait niya. Sana hanggang last sem. Ganun pa din siya.
Get 1/2 index card put a 1x1 pic and put your name, year and section and the last is your address and your age.
Sinunod naman namin ang Instructions saamin at pinasa.
Hmm. 35 kame. Binilang ko. At may last na papel ang humabol. At tinignan ko ang picture ng humabol at laking gulat ko na siya ung. Oh my God.! O.O
Nanlalaki ang mga mata ko. Hindi ako maaaring magkamali! Sya ung lalakeng cute na nakasapakan ko kanina. Watdahel??? Wtf???? Lagot ako neto. Kaklase ko pala siya? It's a small world talaga! Paktay. Tsk. Dapat di muna ako magpakita. Keith pala name niya. How cute. Bagay sa kanya.
At isa isa kameng tinawag at nagpakilala.
At ako na nga ang tinawag.
Hi. Im Exzequel Varona and....
Hindi pa ako tapos magsalita at may lalakeng nagsalita.
Aba. Andito pala ang mayabang na mokong na to. Humanda ka saaken. Maangas ka ah.
Easy dude. Sabi ng mga kasama niya.
OmG. Sabi na eh.lagot.
Napalunok ako ng laway at hindi ko na tinapos ang pagpapakilala ko. Yumuko ako sa desk ko. Kinakabahan ako. Panu na?
Andami nila. T.T
Kaya ko to.whooo!At nagpakilala nga siya.
Hi.. Im Keith Madrigal. Sabay upo. Ang gwapong boses niya. My Goodness.
Pagtaposng klase ay tumakbona ako palabas dahil ang break time namin at uwian ay iisa lang.
Pag labas ko ng Campus ay may dalawang lalakeng pumigil saken. Hinawakan nila ako. Syempre. Dalawa sila. Hindi ko kayang pumiglas.Hawakan niyo lang yan! Wag niyo papatakasin!
Ika nung lalake na nakatalikod. Pamilyar ang kanyang boses.
Humarap siya. Tama nga ako. Si Keith nga. Si KEITH MADRIGAL.
Oh m g. Katapusan ko na ba to?
A/N: anu kayang gagawin nila kay Quel?
Abangan natin. Keep on voting mga readers.
#princesipemo