At kinabukasan hinatid ako ng papa ko sa apartment na tutuluyan ko. Dala dala lahat ng damit ko. At binigyan niya ako ng allowance for 1 month.
At nagsimula na nga ang first day kasama ko si Josh. Hindi ko pinapahalata na may gusto ako sakanya. Schoolmate ko siya. Accountancy ang course niya. Si Janine naman, sa ibang school nag aaral. Kaya mejo ldr sila.
Pre. Gising na. Baka malate na tayo. Handa lang ako ng makakaen. Maligo ka na. :)) ika ko.
Wow. Ambait mo pre. Haha. Oh sge. Dapat pagkatapos ko maligo nakahanda na yan ah. Haha.
Ika ni Josh.Aba. Oo naman boss. XD Ika ko.
*kring kring kring*
May tumatawag sa cp ni Josh. Nabasa ko. Si Janine yon.Hello mahal? Kamusta ? Ang mga salitaan na narinig ko mula sa kanila.
At pumasok si Josh sa cr at naligo.
Hindi ko pinapahalata na nagseselos ako. Hindi pwede kase. Lalo na't hindi kame pwede sa isa't isa. Sabi ko nga dati, loyal sila sa isa't isa.
Naririnig ko ang mga ka sweetan nila sa cr. Ka sweetan na wala na atang makakatapat.
At natapos na ang niluluto ko. Pritong hotdog at Scrambled egg iyon. Itlog at hotdog at mga sibuyas, kamatis, bawang lang ang tanging laman ng ref eh.
At maya maya lumabas na din si Josh sa Cr. Naka tapis lang siya. Ang laki ng katawan niya. ang sherep. At bakat sa kanya ang malaki niyang ari-arian. XD naaalala ko tuloy si tito sa kanya.
Oy. Nakatitig ka nanaman sakin pre. Haha. Mag gym ka kase minsan ah. Ika niya na natatawa.
Ha? Haha. Hindi no. Haha. Sge. Minsan. Samahan mo ko mag gym. Andaya mo kase eh. Ika ko. Na mejo kinikilig.
Magbihis ka na. Kaen na tayo. Ika ko. "Kainin kita jan eh" bulong ko sa sarili ko.
Anung sabi mo? Haha. Ika ni Josh.
Ha? Ang alin? Kako maghanda ka na. Kaen na tayo.
Habang paakyat siya ng hagdan ay narinig ko ang sensyas niya. "Kala mo hindi ko narinig yon ah. Hahahaha" ika niya sabay tawa ng napakalakas.
Oh my G. Narinig niya un? Patay. Hahahaha. ok lang. Alam naman niya na biro lang un para sa kanya eh haha. Bulong ko sa sarili ko.
At natapos na nga kameng kumaen. Nakaligo na din ako.
Nakapagbihis na siya at pansin kong kausap niya si Janine. Hinayaan ko nalang un. Ayaw kong ipahalata na nagseselos ako.Natapos na ako maligo. Nakapagbihis na ako. Hindi matago ang kalugkutan sa mga mata ko. Agad naman akong tinanong ni Josh kung bakit malungkot ako.
Sinabi ko lang na namimiss ko na si Clarisse. Un lang.Ah. Ganun ba? Dibale. Madami pa jang iba par. Anu ka ba. Hahahaha. Piliin mo ung taong pinapahalagahan mga efforts mo. Yung taong lagi kang dadamayan. Yung taong sweet sobra sayo. Ung lagi ka itetext, mga ganun pre. Wag mong isiping sayang si Clarisse. Hindi siya karapat dapat sayo. Sa gwapo mong yan. HAhaha. Payo sakin ni Josh na may nais ipakahulugan ba. Pero di ko alam. I don't want to assume.
Ahahaha. Thanks par. Tara na sa klase. Baka malate tayo. :)) ika ko.
Josh's POV
Hi. Ako si Josh. Long time bestfriend ni Quel. Kahit dati di ko na siya masyadong nakakausap. Kase nga nagka gf kame pareho eh. Pero tunay kameng magkaibigan. Walang halong plastikan. Haha.