Chapter 5- A Ballpen Is A Big Deal?

231 14 4
                                    

Chapter 5- A Ballpen Is A Big Deal?

~Kesh’s POV~

(Next Day)

Naglalakad na ako sa campus ng school. Iniisip ko pa rin yung mga nangyari kahapon. Minsan napapangiti ako, minsan napapangiwi, minsan nalulungkot.

Sana maging maayos na kami ni Sofia.  Sana nga.

Pumunta na ako sa clasroom namin. Nakita ko namang nandun na si Prince sa upuan niya. Wow naman. Parang ang aga niya yata? Naagahan pa ako ah! Ayos ah.

Wait. At nagbabasa siya ng libro? Wow! How cool! Mamaya maya, sinuot niya yung salamin niya. And wow! Mas bumagay! Ang cool niya tingnan! Shet!

Pumunta na ako sa upuan na katabi lang ng upuan niya.

“Good Morning.” Bati ko sa kanya.

He looked at me as an answer.

Wow. Ang taray netong lalaking toh ah! Kahapon sweet siya tas ngayon, Anyare? Sabi ko sa sarili ko.

Psh. Bahala siya. Hahaha.

“Hi Girls!” bati ko sa S6 na nasa likod ko.

“Hello!” tugon naman nila.

Awww. Wala pa rin si Sofia. >.<

“Oy Kesh! May sasabihin ka sa amin!”

“Huh? Ano naman yun huh?”

“Halika dito!” tapos pumunta naman ako dun sa may pwesto nila sa may bandang likod.

“Oh bakit?”

“Ikaw Kesh ah! Nakakascore ka kay Prince ah!” bulong ni Rizzah.

“Oo nga! My gash! Nakita namin yung scene niyo kahapon na may yakap yakap pa! OMG! Hahaha.” Si Erica.

“Oh? Nakita niyo? Paano?”

“Nandun kami sa likod niyo. Nagtatago. Nakakaloka. Arte mo lang ba yun? Ang galing! Dalawang beses kang yinakap ni Prince! Oh may ghad! Kinikilig ako!” sabi naman ni Monic.

“Tss. Kayo naman. Haha. Pero oh may ghad kinilig rin ako! Wahahaha!” sabi ko. Wala eh. Kinikilig talaga ako sa tuwing naaalala ko yun.

“Sino ba namang hindi teh diba? Ayieee! Kinikilig ako sa inyo! Wahaha. Buti ka pa Kesh!” sabi ni Lady na tila ba’y naiinggit.

“Che. Hindi pa naman kami eh. Wag kayong mag-assume. xD. Pero alam niyo ba, pupunta ako sa bahay nila mamaya! WAAAAHH! Excited na ako! Kaso nga lang. Parang wala sa mood tong si Prince eh. Ewan ko kung anong nangyari dun. Mood swings? Meron siya? Meron siya?”

“Pero bakit wala kaya si Sofia? Ano ng nangyari dun? Lagot ka Kesh.” Pagbabanta ni Lady.

“Eh! Hindi ko naman alam na may dadating palang babae dun eh! Nakakainis nga yun eh! Kilala mo ba yun?”

“Hindi.”

“Basta! Nakakainis! Sana nga magkabati na kami ni Sofia eh. At sana mapatawad rin niya ako. :(“

“Hayaan mo. Papatawarin ka rin nung babaeng yun. Maghintay ka lang.”

“Sana nga.”

*BRRRRRIIIINNNGGG*

“Haaaay nako.” Sabay sabay naming sabi. Naiinis kasi kami pag nagbebell na. Hindi na tuloy kami makakapagchikahan. Tsk.

“Sige. Balik na ako dun. Ahihihi.” Sabi ko sa kanila.

MALING AKALA! [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon