Chapter 4- What A Day! >.<
~Kesh’s POV~
“Panyo?”
Tumingin ako sa katabi ko. Si Prince.
“Iiyak mo lang yan. You can use my shoulder to cry on.”
Kinuha ko na yung panyong inooffer niya at nagsimula ng umiyak.
“Ang sakit! Ang sakit sakit Prince! Bakit walang tiwala sa akin ang kaibigan ko huh? Kaibigan ko siya for Four Years! Pero bakit ganun? Hindi man lang siya nakikinig sakin? Bakit? Bakit Prince huh? Sagutin mo nga ako!” nagsisigaw na ako dun habang humahagulgol.
Niyakap ako ni Prince.
“Lilipas din yan. Wag kang mag-alala. Wala naman kasing matutuwa kung nakita mo ang taong mahal mo na may kasamang iba diba? Don’t worry. She will forgive you some time later. Because now she needs more time to be alone and think of some things.”
“Pero bakit siya nagpadala sa galit niya huh?” humagulgol ulit ako.
“Shhh. Tahan na.” sabi niya habang hinahagod yung likod ko. “Akala ko ba kaibigan ka niya? Dapat intindihin mo ang nararamdaman niya. Sa magkakaibigan, pababaan ng Pride yan. Ano pang kwenta ng pagkakaibigan niyo kung hindi kayo nagkakaintindihan and the worst is yung nagmamatigas kayo sa isa’t isa? Saka kung alam mong ikaw ang mali, ikaw dapat ang makipagbati at kumausap.”
“Oo na! Ako na ang mali! Ako na ang may mataas na pride! Ako na ang walang kwenta! Ako na ang may kasalanan! Ako na ang lahat!”
“Wala kang kasalanan. Hindi mo naman sinasadya diba? Saka ikaw ang mas nakakaalam ng tama. Kaya ikaw ang kumauap sa kanya para maging maayos na ulit kayo.” Hinarap niya ako sa kanya. “Huwag ka ng umiyak. Hindi ka nag-iisa. Nandito nga ako diba?”
And when he said that, I reddened.
Gosh. Ang bait niya. Siya ba talaga toh? Nasabi ko na lang sa sarili ko.
Niyakap ko siya na ikinagulat niya naman at ikinagulat ko rin.
“Salamat Prince ah. Salamat at nandyan ka. Ni mga kaibigan ko nga wala dito eh. Umuwi na yata at iniwan lang ako. Salamat ulit ah.”
“Nakakagulat naman toh! Yumayakap bigla! Nakascore ka sa akin ah! Nananansing ka yata eh!”
Bumitaw naman ako sa pagkakayakap.
“Kapal mo talaga kahit kelan!” tapos pinalo pala ko yung dibdib niyang matigas. xD. “Ikaw nga dyan eh! Niyakap mo ako kanina! Dalawang beses pa nga eh! Uy. May crush ka sa akin noh? Ayieee! Hahaha.” I smirked then laughed.
“Isa ka pang makapal eh! Kung hindi kita yinakap eh ano ng mangyayari sayo ngayon? Edi sana hindi ka na ngumingiti ngayon diba?”
I reddened.
Totoo naman eh. Siya ang dahilan kung bakit hindi na ako umiiyak ngayon at instead ay tumatawa na ako. :)
“Oo na. Salamat na sayo. Salamat ah! SA.LA.MAT.” I said sarcastically.
“Psh. Napilitan ka lang ata eh.”
“No choice eh. Sige na! I’m going home na! Papagalitan na ako ng gwapo kong kuya!”
“Hatid na kita?”
Hatid? Sheeemay! Hatid? Sige! Sige!
“Ay. Wag na. Kaya ko na ang sarili ko. Ang laki laki ko na eh!”
![](https://img.wattpad.com/cover/5137021-288-k243676.jpg)
BINABASA MO ANG
MALING AKALA! [ONGOING]
Genç KurguMaling Akala! Written by: LetMeTellYouASecret (LMTYAS) All Rights Reserved 2013 Don't Forget To Read The Prologue! :)