MELODY'S POV
"Cheska?!" Yannie.
Nung narinig ko yung pangalan ni Cheska,di ko maiwasang kabahan. Pero at the same time nandun yung tuwa,nandito siya,ang isa sa mga bestfriend ko. Yun nga lang,hindi ko alam kung ano bang pakay niya.
Maya maya tuluyang pumasok si Cheska ng kwarto ko. Agad namang tumayo si Kairie sa kama at lumapit kay Yannie.
Nakatingin lang sakin si Cheska,pero...walang expression yung mukha niya. Bakit ganito?lalo akong kinakabahan. :/ Gusto ko siyang akapin kasi miss na miss ko na siya. Pero natatakot akong baka itulak lang niya ako palayo.
"Uhm,you guys better talk. Sa labas na muna kami ni Kairie" paalam ni Yannie.
Tumango lang ako at balik ng tingin kay Cheska. Hindi siya nagsasalita,nakatayo lang siya doon sa harapan ng kama ko,kaya naman napayuko ako.
I still feel guilty. Kahit naman saang banda tignan,ako yung mali. At naiintindihan ko siya kung bakit siya nagalit,kahit naman kasi kung sakaling kay Ate Harms gawin yun ng isa sa mga bestfriend ko,baka hindi ko din siya mapatawad. :/
Habang nakayuko ako,ang higpit ng hawak ko sa bed sheet. Kinakabahan naman kasi ako,na aawkward-an ako sa atmosphere. Hindi ako sanay na ganito kami ni Cheska
"Muff, Im---
O_________O
Nagulat ako ng bigla siyang lumapit at akapin ako ng mahigpit. Totoo ba to?!
"Muff,I'm..
"Muff,miss na miss na kita. Sobrang sorry sa katangahang ginawa ko. Pasensya na talaga,ang totoo hiyang hiya akong pumunta dito. Hindi ko alam kung paano ba kita ia approach,hindi ko din alam kung paano ako hihingi ng tawad. Ang sama sama kong kaibigan sayo Muff,sorry talaga." patuloy na pag iyak ni Cheska habang naka akap sakin.
Si Cheska,kung tutuusin,siya ang halos kaugali ko saming magkakaibigan. Madaling magpadala sa emosyon,pareho kaming parang isip bata kumilos. :/
"Ssshhhh,parang baligtad,ako dapat humihingi ng sorry sayo. Mas malaki yung kasalanang ginawa ko Cheska. Nakakainis to wag ka mag sorry lalo akong nakokonsensya." ako.
"Hindi,mas malaki yung mali ko. Hindi ko man lang pinakinggan yung side mo. Dapat kinausap man lang muna kita. Dapat tinanong ko muna yung totoo,dapat di ko inuna yung galit ko. Dapat di ko pinakinggan si Zia,ang tanga ko Muff,nagpadala ako sa galit ko...please...patawarin mo ko." Cheska.
Napangiti ako. Ang saya lang,kasi kahit na alam kong may kasalanan din ako,napatawad pa din ako ng bestfriend ko.
Maya maya habang nag uusap kami ni Cheska,nakita kong sumilip si Adam sa pintuan ko. Tinignan lang niya kami ni Cheska at saka ngumiti sakin.
*******
"Thank you ha?!.masyado na akong maraming utang sayo,paano ba ako makakabayad?" tapos iniabot ko kay Adam yung juice.
Andito kami ngayon sa may gilid ng pool ni Adam. Kasama sila Cheska,Yannie at Kairie,ayun yung 3 nagsi swimming agad. Ang totoo after 1 week,parang ngayon lang ulit ako ngumiti ng ganito.
"Pinapabayaran ko ba sayo?sa pagkakatanda ko hindi naman." Adam.
"Tse,pero seryoso nga. Thank you talaga,kung hindi mo kinausap si Cheska,baka hanggang ngayon andun pa din ako sa kwarto na nagmumukmok." ako.
"Responsibilidad ko na kausapin siya. Dahil sakin kaya siya nakagawa ng ganung bagay. By the way, birthday mo na pala this coming Saturday,anong plano mo?" Adam.
Aww,oo nga pala. Pati birthday ko nakakalimutan ko na ngayon :/
"Buti pa ikaw naalala mo,hmmm,hindi ko pa alam. Bahala na..gusto ko muna magka ayos kami ni Dad sa ngayon" ako
Hinawakan naman ni Adam yung kamay ko.
"Magkakayos din kayo don't worry. Wag naman pati birthday mo kawawain mo ng dahil diyan sa problema mo." Adam.
"Opo,sige pag iisipan ko kung anong pwedeng gawin sa araw na yun" tapos nginitian ko siya.
"Don't worry tutulungan kita. And one more thing" Adam
"Ano yun?!" ako
Ginulo niya yung buhok ko tapos kinurot ako sa pisngi >3<
"Wag ka na ulit iiyak,di bagay sayo." tapos balik tingin siya kela Yannie na naglalaro dun sa gitna ng pool.
I smiled at him.
Sa totoo lang minsan napapaisip ako,kung wala kaya si Adam,makakayanan ko kaya lahat ng problema ko?
***************
SOMEONE'S POV
Naupo lang siya sa harapan ko habang tinitignan namin ang batang lalaki na pabalik sa kanyang silid.
Katatapos lang namin mag usap usap tungkol sa pag alis niya. Mas makakabuti kung mawawala na muna sila dito sa bansa,para mas maging maayos ang lahat.
"Now I know what you want to happen" bigla kong pagsasalita.
"Ano pong--
"Nung una,nag aalangan pa ko sa pakay mo kung bakit mo sila pinaglalapit,pero habang tumatagal,unti unti kong nabubuo ang scenario na gusto mong mangyari." pagsagot ko.
"Wag kayong magsalita ng tap--
"Hanggang ngayon pa rin ba mahal mo pa din siya?Halos ilang taon na ang lumipas,at isa pa,wala na siya.." sabay inom ko ng kape.
Natulala lang siya sa mga sinasabi ko. Kung ganoon,tama nga ang nasa isip ko.
*****************************
A/N SUPER IKLI :)))) PASENSYA NA. thank you guys. Malapit na tayong matapos ^____^
BINABASA MO ANG
I Hate You, Sir! (SOON TO BE PUBLISHED)
Подростковая литератураThey say, 'the more you hate, the more you love'. Is that possible?to fall inlove with someone you loathe? I never believed in it. Not until reality hit me. Not until I met him and turn my world upside down. Not until I started to learn how to love...