Bonus Chapter (Kairie, Elie and Chance) ♥

21.3K 217 39
                                    

A/N  Okay so hindi ko na siya sinama sa ibang chapter kasi ang daming nagrereklamo T___T . Last part na to ng love story ni Kairie :) Hope you guys like it.  Bonus chapter lang po ito,salamat ng madami ^___^V

Paki play ang music throughout the update okay? ^_^

*******************************************


KAIRIE’S POV

“Eyyy Mine,san ka pupunta?” sigaw sakin ni Yannie pagka ahon ko sa pool.

“Check ko lang phone ko,wait..” tapos nagpunta ko doon sa may upuan sa gilid.

Nakita ko naman agad si Adam at Melody na nag uusap dun.Nakakatuwa silang tignan dalawa.

 Kung tatanungin ako talaga? mas gugustuhin ko na si Adam para kay Melody. I mean,kesa naman kay Sir Kris na basta nalang siya iniwan di ba?.

Pagtingin ko sa phone ko.

1 New Message Received

From: Baby ko ♥

Baby,don’t forget our dinner date I love you.

Awwwww oo nga pala magdi dinner date kami ni Baby ko. Masyado ata akong natuwa dito sa bahay nila Melody. Aba syempre,finally eh okay na yung dalawa. Kumpleto na ulit ang barkada.

Pagtingin ko sa wrist watch ko.. 6pm na pala. Hala, 7pm ang date namin >/<

Nagpa alam ako agad kela Melody at kela Yannie,mukhang wala pa kasing magsiuwi tong mga to eh.

Pagdating ko ng bahay namin,naligo lang ulit ako at nagbihis. Syempre simpleng dress lang sinuot ko tapos light make up. Ayaw din kasi ni Baby na makapal ako mag make-up mukha daw akong espasol >/<.

“You look stunning” then he kissed my cheeks.  Yan agad nasabi niya nung pagbaba ko sa sala namin.

“Thank you” then I smiled at him.

“Mi,alis na po kami” paalam ko kay Mommy na busy dun sa kitchen.

“Ah okay,take care” sagot niya.

Hindi ko lang talaga maintindihan kung bakit ayaw ni Mommy kay Chance. Samantalang dati naman okay sa kanya yung relationship namin. Nung after ko makalabas ng hospital at nakita niya kami ni Chance na magkasama,di ko maexplain yung reaction ni Mommy na parang galit.

Kaya ayun everytime na susunduin ako ni Chance dito sa bahay,parang walang kaimik imik ang Mommy ko. : (

“Baby,are you okay?” tanong sakin ni Chance habang nagda drive.

“Yeah I’m fine. Just thinking of something” sagot ko.

“Ano naman yun?” Chance.

“Ano..naisip ko lang si Melody ^_^” paga alibi ko.

Simula nung nakalabas ako ng ospital. Ewan ko ba,pero parang hindi na kami yung katulad ng dati. Parang mayroon ng ‘kulang’ . Ewan ko ba kung anong nangyari sakin,pero sa tuwing titignan ko si Chance,iba na yung pakiramdam ko. Parang yung feeling ko..medyo nag iba?

I Hate You, Sir! (SOON TO BE PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon