Cassidy's POV
"YOU!!!"
I can't believe it ba't siya andito sa bahay? "Bakit ka nandito sa bahay?! Sinong nagpapunta sa'yo dito?! Anong ginagawa mo sa may hagdan?!"
"Woah! Cassidy, take a chill pill-" "Chill! inaasahan mo akong mag-chill! Hindi ko nga alam kung bakit ka andito tapos sasabihin mo mag-chill ako! At higit sa lahat Sang lupalop ng mundo mo nakuha ang pangalan ko?!" sigaw ko sakanya. Sorry medyo rude LALAKE siya eh. "Grabe, Ganyan ka pala magpasalamat matapos kitang saluhin nung muntikan ka nang nahulog." Saka ko lang na-realize na hindi parin pala kami gumagalaw simula nung nasalo niya ako at nailigtas kanina. Agad akong kumawala sa pagkakapit sa kanya.
"Huwag mong ibahin ang usapan! Sagutin mo nalang ang mga tanong ko!" Grabe rinig na ata ng buong Subdivision boses ko kakasigaw. "Grabe ka naman makasigaw. Andito ako kasi inimbitahan kami ng mama-" "WAIT! Ang ibig sabihin kayo ang mga bago naming kapit-bahay!" Ang swerte ko naman! (note the sarcasm! Ang malas ko kaya!) "Oo. Pinapatawag ka ng mama mo paakyat na sana ako at tatawagin ka kaso nadulas ka at nasalo kita tapos ngayon naman sinisigawan mo ako. Yung dun naman sa pangalan mo may mga 'Koneksyon' ako Cassidy." nag-smile at nag-wink nanaman siya sa'kin. Urgh! Makakapatay ata ako ng tao ngayon!
"Cassidy, Louis ano yung mga nariring naming sigaw? Magpunta na kayo dito at kumain na tayo." Buti nalang at dumating si mom kundi duguan na tong hagdan. Joke lang! Di ako ganun kasama! Haha!
******************
Ang tahimik. Nakakapanibago. Sasabog na ata ako!
"So... Louis! sabi ng mama mo mahilig ka daw mag-basketball." oh my gosh! Buti nalang at nagsalita si mom kundi sisigaw-sigaw na ako dito sa sobrang tahimik. Joke! Napipigil ko naman sarili ko at hindi naman ako ganun ka eskandolosa nakakapanibago lang pag mga ganitong oras kasi madalas may girl-talk kami ni mom.
"Ah, Opo nakapasok nga po ako nung nagtry-out ako kanina." sabi ni Louis habang ngumingiti. NANAMAN.
Nag-usap pa sina Mom at Louis. Nakuha nga agad ni Louis loob ng mom ko makapag-usap parang antagal nang magkakilala.
"Oh, Jen ang sarap pala kausap ng anak mo. Asan nga pala husband mo?" tanong ni mom kay tita Jen, Mom ni Louis. "Ah... Eh.....5 taon na din kaming hiwalay ni Philip" Sherlock! Ang daldal ng nanay ko. Kita niyo sasaktan lang kayo ng mga lalake at witness si Tita Jen dun. "Tita Jen, pasensya na po kayo sa Mom ko." sabi ko kay tita Jen "Ayos lang." Kalmado niyang sinabi with a reassuring smile.
"Eh, Ikaw Amy nasan husband mo?" tanong ni tita Jen kay Mom. Ano to hanapan ng asawa? "Nagtratrabaho siya sa UK." sagot ni Mom. Kahit man-hater ang tawag sa'kin sa school hindi ko kinamumuhian ang Dad ko. Matino kasi siya at alam kong mahal na mahal niya Mom ko. Di katulad ng iba himala nalang pag may matino pang lalake ngayon.
Chineck ko yung time sa orasan 9:00pm na pala napasarap ang kwentuhan medyo late na. "Mom, 9:00pm na late na ata." sabi ko kay mom. "Ah, Oo nga it's nice meeting you Jen, Louis." "Sa'nyo rin Amy, Cassidy." pagkatapos nun nag-exchange hugs na kami. Napansin ata ni Louis na hindi ko siya niyakap.
"Uhmmm...... Cassidy wala ba akong yakap?" tanong ni Louis na may nakakainis na smile na gustong-gusto kong alisin sa mukha niya. "In your-" bago ko pa matapos ang sinasabi ko nagsalita.si mom. "Cassidy! Don't be rude!" "Tsk. Fine!" niyakap ko si Louis. kung ako naiirita siya naman nage-enjoy!
"Ang saya ko at kapitbahay ko kayo." bulong niya sa tenga ko. Nararamdaman kong ngumingiti nanaman siya. "Ako din, Ang swerte, swerte ko nga eh!" I said sarcastically while rolling my eyes kahit di niya ako nakikita. "Dadating din ang araw na magugustuhan mo din ako." Ano siya siniswerte!
I pull away from the hug then waved goodbye. Nung nakalabas na sila ng gate. Sinara na din ni Mom ang pinto. Grabe, Andaming nangyare ngayong araw! At dahil yan sa 'Louis Court Lopez' na yan.
_____________________
(A/N)
Sana nagustuhan niyo!!! Huwag niyong kalimutang mag-VOTE, COMMENT at FAN!!!!
BINABASA MO ANG
CHANCE
Teen FictionChance. "Boys are all the same, They'll just hurt you." Yan ang paningin ni "Cassidy Raine Villegas" sa mga boys. Matapos masaktan bigla nalang may namuong galit sa puso niya para sa lahat ng lalake. Walang lalake ang lumalapit sakanya dahil alam ni...