LUNCH

33 0 0
                                    

Chapter 5

Cassidy's POV

Anong nagawa kong masama? Ba't ako pinarusahan ng ganito? Nakaka-stress! Siguro nagmumukha na akong timang dito sa kakaisip ng mga maling nagawa ko.

"Hoy, Cassidy." Huh? Ano yun? May narinig ba ako? Sus! Baka guni-guni ko lang yun.

"Cassidy Raine Villegas!" Sherlock! May tumatawag nga sakin at yung taong nagdulot ng kamalasan ko pa yung tumatawag sakin. Siya nga pala 1 month ko nang kilala si Louis. Guess what! Wala kaming ginawa kundi inisin ang bawat isa.

"Anong problema mo? Kung mang-aasar ka nanaman. Binabalaan kita. Huwag mo nang ituloy!" Panira ng araw. Nakakainis! Ang sarap putulan ng buhok. Yup! Buhok nga ang sabi ko. Nalaman ko kasi na mahal na mahal niya ang buhok niya.

"Gusto ko lang sanang sabihin na LUNCH na. Nakaalis na lahat ng tao dito sa classroom tayong dalawa nalang natira. Kanina ka pa kasi nakatingin sa kawalan." Tumingin ako sa paligid. Wala na ngang tao sa classroom. Wala sina Sam at Chesca ngayon. Si Chesca nilalagnat si Sam naman nagpunta sa Palawan para magbakasyon ng 3 days. Asteeg nga eh pinayagan siya ng teachers namin.

"Bakit di ka pa umaalis? Wala na sila Cody oh." tanong ko sakanya. "Uhhmmm...... Cassidy....." Ano nanaman bang gusto nito? "Ano nanaman ba?" Yan tuloy nainis nanaman ako.

"Wala kang kasabay mag-lunch." *Gasp* Wala mga akong kasabay mag-lunch! "Ah... Eh... pwede naman ako mag-lunch mag-isa eh." Di ako kumakain mag-isa. Para bang natatakot ako. Ang lame ng excuse ko pero ayoko talagang walang kasama eh.

"Alam kong ayaw mong mag-isa. Sabay na tayo." Whaaatttt! "Are you kidding me?! No way!" Sasabay ako mag-lunch sa mga sinumpang nilalang! No way! "Huwag kang mag-aalala di tayo tatabi kina Cody." Ayoko parin.

"Cassidy, Alam mong di ako aalis dito hanggat di ka pumapayag." Typical Louis. STUBBORN. Bago pa ako makaimik hinila na niya ako papunta sa canteen. "Grabe, Ang gentleman mo talaga! Wala pa akong sinasabi eh." I said sarcastically. Nag-smile lang siya sakin. Yung sinumpang smile nanaman niya yung ginamit niya. Woah! kanina pa ako 'niya' ng 'niya' ah!

Pagkarating namin sa Canteen. Lahat ng mga mata sa amin. Sino ba namang di mabibigla. Hawak ni Mr. Popular ang kamay ni Ms. Man-hater. Teka nga lang! Hawak niya yung kamay ko! Pilit kong inaalis yung kamay niya sa mahigpit na pagkakahawak sa kamay ko pero ayaw niya bitawan eh.

"Louis, Let go of my hand." Umasta lang siya na parang walang narinig. Nakakairita na talaga. Lahat ng tao sa Canteen nakatingin sa amin. Sina Jessica at ang mga galamay niya are sending me Death Glares.

Sina Cody at ang tropa niya halatang gulat na gulat yung iba pa nga sakanila nakanga-nga na eh. (Kasama sa mga nakanga-nga si Cody.) Yung mga geeks naman nakatingin din. "Guys, Nagiging uncomfortable na si Cassidy sainyo. Pwede bang ituloy niyo nalang ang mga ginagawa niyo kanina bago pa kami dumating." Wow! Matapos ng speech ni Louis bumalik sa normal ang lahat.

"Oh, sige na. Ikaw na, Ikaw na nga si Mr. Popular na isang salita lang sinusunod agad." sabi ko. "Cassidy, Ganyan talaga pag guwapo na nga matalino pa." Yabang! Pero may point din naman siya.

Kumain kami sa pinaka-sulok. Medyo malayo kina Cody at lalong-lalo nang mas malayo sa table nina Jessica at ng mga galamay niya.

Ang tahimik. Nakaka-miss kaingayan ng dalawang kaibigan ko. "Nakatulala ka nanaman." NANAMAN. " Che, Wala ka nang pake dun. Hindi porke kasabay kitang mag-lunch kaibigan na kita." sabi ko ng nagro-rolling eyes. "Ang cute mo talaga pag nagsusungit."

Grrr........ Nakakainis! "Ang sarap mong putulan ng buhok!" Sinong may gunting diyan? "Woah! Walang kasalanan ang buhok ko sa'yo." Natawa ako sa sobrang pagmamahal niya sa buhok niya.

"Hahahahahha!!!!" Tumingin nanaman sa'min lahat ng tao sa Canteen. Napalakas ata tawa ko. "Sige na nga. Kung mapapasaya ka nang pagputol sa buhok ko. Pwede mong putulan. Pero yung di halata ah." Bulong sakin ni Louis.

Nung nakita ni Jessica na natatawa ako sa bulong sakin ni Louis. Di niya napigilan ang sarili niya nabato niya yung mashed-potato niya. Ang nakakatawa napunta yun sa buhok ni Cody. Mahal na mahal din ni Cody yung buhok niya.

Sumigaw-sigaw si Cody sa loob ng Canteen lahat ng tao nagtawanan Siyempre kasama na ako dun. Grabe yung mukha niya nung napunta yung mashed-potato sa buhok niya. hahahaha!!!

Si Jessica kasi patay na patay kay Louis. Hahaha!!!

Louis' POV

Matapos ang tawanan sa Canteen dumiretso si Cody sa CR para ayusin yung buhok niya. Binigyan niya ng Death Glare si Jessica bago siya tuluyang nagpunta sa CR.

Si Cassidy naman di maalis ang ngiti sa mga labi niya. Tuwing nakikita ko ang ngiti niya natutunaw ako. Napansin siguro niya na kanina pa ako nakatitig sakanya. "Hoy, Anong tinitingnan mo diyan para kang timang diyan. haha!" Ganda ng tawa niya. Pero ang mas maganda ako dahilan ng pagtawa niya

"Ang ganda mo kasi." Bago pa siya makaimik nag-ring na ang bell.

_____________________________

(A/N)

Sorry sa di pagpaparamdam ng isang linggo. Pero sana nagustuhan niyo tong chapter na ito.

CHANCETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon