Someone's Jealous

14 0 0
                                    

New Chapter of Chance!

Cassidy's POV

*But even if the stars and moon collide, I never want you back into my life-*

*Smack*

Ayan may Alarm na ako. "Really Don't Care" by Demi Lovato feat. Cher Lloyd.

Agad-agad akong nagpunta kay mama para i-greet siya.

"Good Morning, Mom."

"Good Morning! Mukhang maganda ang mood mo ngayon ha."

"Oo nga po."

Nagmadali akong mag-ayos para sa School. Meron na si Samantha. Si Chesca naman nag-text sakin magaling na daw.

Matapos kong mag-ayos nagmadali akong magpunta sa school. 7:00. Oh Yeah!

Pagkalabas ko ng gate parang naninibago ako. Ang tahimik kasi. Mag-uumpisa na sana akong maglakad ng bigla nag-open yung gate nila Louis.

Nakakapanibago dati-rati 'pag nahuli niya akong naka-tingin sakanya ngingiti agad siya at makikipag-eye contact.

Pero iba ngayon. Nakipag-eye contact siya pero inalis din agad niya ang tingin niya sakin. Ako ang gumagawa nun ha! Ayyyttsss... Inagawan ako ng role!

Wala din ang ngiting palaging naka-ukit sa mukha niya ngayon. Naglakad siya papunta sa direksyon ko pero nung nakarating na siya sakin hindi manlang siya tumigil para bumati.

Ano kayang problema niya? Nakakapanibago naman. Yung magandang mood ko tuloy biglang nagbago.

Sinubukan kong sabayan siya pero tuwing magka-tapat na kami mas lalo lang niya binibilisang maglakad.

LOUIS NAMAN EH!

Hindi ko namalayan nasa tapat na pala kami ng School. May mga lumapit agad na babae sa paligid niya pero ini-snob lang niya.

Dati-rati kinaka-usap pa niya yung mga babaeng yun pero ngayon snob lang talaga siya.

Biglang may mga lumapit sakin yung mga babaeng ini-snob ni Louis.

"Hoy, Anong ginawa mo kay Louis?"

"Siguro inutusan mo siyang layuan kami no!"

"Porke katabi ka niya pwede mo nang gawin yun!"

"Nagkukunware ka pang Man-Hater eh ang landi-landi mo naman Cassidy Vill-"

"Hindi malandi si Cassidy at mas lalo nang hindi niya ako inutusang lumayo sa inyo. Kaya lubayan niyo na siya." Wait! Si Louis bumalik! Niligtas niya ako sa mga babaeng to.

Woah! He's my Knight in Shi- Hey! Hindi kaya! Erase, Erase, Erase!

"Thank You." sabi ko kay Louis. Wala siyang sinagot. Ay! Powtek! Ano bang nangyayare sa taong to?

Pagka-pasok namin sa Classroom. Nagkaruon ako ng tapang para magsalita.

"Louis, Ano ba-"

"Cassidy!!!" Bigla nalang sigaw nina CHESCA at SAMANTHA. Ano ba yan ngayon na nga lang nagkaruon ng lakas ng loob para magsalita!

"Hi!"

"Cassidy, Na-miss kita!"

"Ako din Cassidy na-miss kita! Musta na ang BABYCAKE ko?"

"Hi! Na-miss ko din kayo. Samantha! Huwag mo nga ako tawaging BABYCAKE!"

"Ay! Nagrereklamo na ang babycake ko!"

"Sam, Naman eh."

"Cassidy, Naman eh!" Sabi ni Sam habang ginagaya ang tono ng boses ko.

"Cassidy, Bakit parang wala ka sa mood ngayon?" tanong ni Chesca.

CHANCETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon