Cody

12 0 0
                                    

Here's the long awaited chapter. Hope you like it. Sorry for the long wait.

-Shey_gleoite

Cassidy's POV

Urgh............. *inaantok*

Ang boring ng klase. Halos matumba na ako dito sa upuan ko sa sobrang boring.

"Uy, Cassidy, Last class naman na natin to ngayong araw huwag ka na muna matulog." bulong sakin.

Pamilyar yung boses pero masyado akong antok para isipin kung sino. Makatulog na nga muna. Wala namang mawawala. Isang klase lang naman to.

.

.

.

.

.

.

"Ms. Villegas!" napatayo ako bigla.

"Ay butiki! Ma-Ma'am! U-uhhhmmm.... Ma'am. Hi?" Lagot nahuli ako ni Mrs. Vargas.

"Ms. Villegas, pwede mo bang sagutin ang tanong sa board?"

Tiningnan ko yung tanong sa board. Huh? Teka nga ano bang pake ko sa mga patay na tao?

"Sorry, Ma'am di ko po masasagot."

"Ms. Villegas, Binibigyan kita ng warning matulog ka pa ng isang beses sa klase ko ipapadala na kita sa office."

"Yes, Ma'am."

Tss. Nakakainis na nga ang History class pati yung teacher sumasabay pa.

"Ilang oras ka ba natulog kagabi at bakit parang pagod na pagod ka?" pabulong na tanong ni Louis upang di kami mahuli ni Mrs. Vargas.

"5? 6? Hindi ko alam eh. Basta wala pang 8 hours."

"Bakit?"

"Siguro kasi ayokong matulog kasi sigurado akong makikita ko nanaman ang pagmumukha mo."

"Talaga? Ang ibig sabihin ba nun napapanaginipan mo ako?" sabi niya habang kumikindat. Urgh! Lalakeng to talaga!

"Hindi kita napapanaginipan kasi 'pag nangyari yun malamang Binabangungot ako."

"Tss. Mukha ko ba namang 'to babangungutin ka?" Ayyytssss! Yabang talaga porke pinagkakaguluhan ng mga babae. Tsk!

"Guwapo ka na nga diba." I said sarcastically.

"Salamat. I already know." sabi niya ng............ Hulaan niyo. nagwi-wink nanaman!

"Mr. Lopez and Ms. Villegas! A-"

Krrrrriiiiinnnngggg!

Salamat sa Bell!

"Okay class, Pwede na kayong umuwi." sabi ni Mrs. Vargas. Hindi man niya sabihin alam ko namang matagal na din niyang gustong umalis sa classroom na ito eh.

"Cassidy." Habang nag-aayos ng gamit biglang may tumawag sa pangalan ko.

Lumingon ako para makita kung sino yung tumawag. Cody.

"Bakit?"

"May ipapabigay sakin si Tita Amy para kay mama."

"So?"

"Pupunta ako sa bahay niyo. Shunga!" Anong problema nitong Cody na ito?

"Eh, Pake ko nga?! Magpunta ka kung gusto mo!"

"Ay, Pwede akong pumunta sa bahay niyo? Akala ko pinapatay mo lahat ng lalakeng gustong magpunta dun eh." sabi ni Cody habang tumatawa. Anong nakakatawa dun?

CHANCETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon