Misfortune

42 2 1
                                    

Cassidy's POV

MONDAY

May pasok nanaman. Pinaka-ayaw kong araw ang Monday. Nabibitin ako sa Saturday at Sunday. Hay nako! Ano pa nga bang magagawa ko edi pumasok sa school.

Habang naglalakad papuntang school kasabay si Sam bigla siyang nagsalita. "Cassidy, Musta weekend mo?" tanong nitong si Samantha sa lahat ba naman ng pwede niyang tanungin yun pa! naalala ko tuloy mga nangyare nung Saturday. "Malagim......"

*FLASHBACK SATURDAY MORNING*

7:30am Nagpasya akong magdilig ng halaman sa garden namin. Fave place ko ang garden 'pag titingnan mo kasi mukhang antahimik ng lugar. Habang nagdidilig may naririnig akong tumatawag sa pangalan ko. "Cassidy..." akala ko guni-guni ko lang kaya di ko nalang pinansin............Kaso palakas ng palakas at paulit-ulit nalang. Sino ba namang di maiirita.

"Kung sino ka mang tawag ng tawag sa pangalan ko." kalmado kong sinabi "MAGPAKITA KA NGA!" (Ooooppsss.... Gising na ata lahat ng tao sa Subdivision) matapos kong magsalita may narinig akong tumatawa sa likod ng......PADER?! :O "Magpakita ka sabi eh!" At hayun nga lumitaw yung 'Louis' nayun! "Chill! umagang-umaga sigaw ka ng sigaw. Gising na ata lahat ng tao dito. haha!" sabi niya habang tinataas ang kamay sign ng surrender.

"Ano bang problema mo Louis Curt Lopez?" Urgh! pigilan niyo ako baka mapatay ko tong lalakeng to! "Nothing, Just checkin' you out and oh! nice outfit." saka nasagi sa utak ko na sleeveless at short shorts lang pala ako (Gusto ko lang naman maging comfortable sa bahay eh!) "Bastos! Umalis ka nga dito!" kumukulo na talaga dugo ko! "Mas maganda ka pala pag umaga nagagalit at ba't mo ako pinapaalis eh bahay namin to." Muntik ko nang lubusang makalimutan! magkapit-bahay nga pala kami at yung pader na yun lang ang naghihiwalay sa mga bahay namin. Ang swerte ko talaga! (note the sarcasm!)

"Urgh!" Ayoko na nitong garden! Ayoko nang magdilig ng halaman. Nakakainis ka talaga Louis Curt Lopez! Urgh! Ayoko nang tumagal pa sa garden! Dali-dali akong pumasok sa loob ng bahay and slammed the door shut! "Cassidy! anong problema mo? sabihin mo lang kung anong problema mo walang ginagawang masama sayo ang pinto." tanong ni mom. "Wala po." (I see what you did there!!!)

*BACK TO PRESENT TIME*

"Hello, Earth to Cassidy?.......Cassidy? HOY! CASSIDY!!!!" Ay! Butiki! "Sam" muntik na akong magka-heart attack dun ah. " Cassidy ano bang iniisip mo?" Kung pa'no patayin si LOUIS! "Huh? Bakit mo natanong?" painosente pa ako. " Bigla mo nalang sinabi yung 'Malagim' tapos tumigil ka sa paglalakad at tumingin sa kawalan. Ayos ka lang ba? Ano yung malagim?" Ayos? Mukha ba akong maayos? Everytime na naiisip ko yung Louis na yun kumukulo dugo ko! "Ayos lang ako, Halika na punta na tayo sa classroom." grabe nasasanay ko na magsinungaling ah! Dapat tigilan ko na'to.

Pagkadating sa classroom dumiretso kami sa upuan namin andun na pala si Chesca nakangiting nakatingin sa phone niya."Huy! Chesca ba't ka nakangiti?" tanong ni Sam "Eto kasing si Cody makabanat wagas!!! 'Are you a tower?' 'Because EIFFEL for you' haha!!! kinikilig ako! gosh" Banat? As in pick-up lines? Urgh! naalala ko nanaman yung nagyare kahapon.

*FLASHBACK SUNDAY MORNING*

Matapos magsimba nagpasya si Mom na bumili ng mga kakailanganin namin sa bahay. Nagpunta kami sa Supermarket.

"Anak peanut butter o nutella?" oh my gosh! oh my gosh! nutella! nutella! nutella! "Mom! NUTELLA!" Napalakas ata yung boses ko yung iba kasing tao sa ibang aisle pinagtinginan kami. "Haha! I see medyo hinaan mo lang ng onti boses mo pinagtitinginan tayo eh." "Yes, Mom!" medyo childish ako pagdating sa food! Sino ba namang di masasarapan sa NUTELLA?! "Sige total tapos naman na aki dito kumuha ka na ng mga gusto mo sunod ka nalang at magbabayad na ako. Bilisan mo ah." yay! food! food! food!

"Hhhhmmmm......... Cheddar cheese or sour cream and onion?" tumitingin ako ngayon ng pringles. "Kung ako sa'yo cheddar cheese ang kukunin ko." napatingin ako sa nagsalita "Pati ba namam dito makikita kita!" hay! malas! "May mga pinapabili kasi sakin si mama" So what! tinatanong ko! Nagkunwari nalang ako na di ko siya nakita at pilit inaabot yung Sour cream and onion na pringles, hehe!!! ayokong makinig sa 'Louis' nayan. Urgh! Di ko maabot antaas kasi eh. Napansin siguro ni Louis na nahihirapan akong abutin kaya inabot na para sakin medyo matangkad siya sakin.Medyo lang naman. 5 inches lang siguro. "kaya ko namang abutin eh. inunahan mo lang ako." sabi ko nung inabot niya na sakin. "iniSMALL ka ba ng iba?" tanong niya. huh? anong meron sakanya ba't niya natanong? porke ba mas matangkad siya sakin? "Huh?" asteeg! andami ko ghstong tanungin yun pa lumabas sa bibig ko. "iniiBIG kasu kita." What?! "hmmmphh... bahala ka na dyan sa buhay mo!" sabi ko then pinuntahan si mama sa may cashier para idagdag yung pringles ko. IniiBIG kita. Yuck! Urgh! curse you Louis Curt Lopez sinira mo nanaman araw ko!

*BACK TO PRESENT TIME*

"Huy! Cassidy! nakatulala ka nanaman!" NANAMAN "Ah-uh-" bago pa ako makasagot biglang dumating sa classroom si Mrs. Valdez syempre kami namang mga students nagsitahimik. "Ok, Class ihanda niyo ang mga gamit niyo at lilipat kayo ng upauan." Ang pinaka-ayaw ko sa lahat

Tumayo kaming lahat. nagtawag si Mrs. Valdez ng by pairs mga magkakatabi. "Chesca Santiago and Cody De Vera." maraming naghiyawan. Sila na ba o nagliligawan palang? hay nako! pake ko ba.

"Cassidy Villegas and Louis Lopez" what?! may sira na ba tenga ko? "Cassidy umupo ka na." order ni Mrs. Valdez "What?!" lagot nataasan ko boses ko. "Cassidy lower your voice umupo ka nalang." Wala na akong ibang nagawa kundi ang umupo yung mga kaklase namin nanahimik alam kasi nilang HATE ko ang boys.

"Mukhang pinaglalapit tayo ng tadhana Ms. Villegas." bulong ni Louis nung nakaupo na kami suot nanaman niya yung annoying smile nayun. "Oh gosh! Ano bang nagawa kong kasalanan at pinaparusahan ako ng ganito." sinabi ko sa sarili ko. "Kasalanan mong nagkagusto ako sa'yo." sabi ni Louis sabay tawa. Urgh! Ang MALAS ko talaga!!! Sinusumpa talaga kita!!! Louis Curt Lopez!!!!

♥♥♥♥♥♥♥♡♡♡♡♡♡♡♡

Huwag kalimutang mag-VOTE, COMMENT at FAN.

CHANCETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon