-Zia's POV-
Kalurkeeeee! Parang napipigtas na tong paa ko dahil sa kanina pako nagiikot ikot at naghahanap ng trabaho. Kaines. Wa epek ang beauty ng lola nyo. Paghahambalusin ko sila ng mga upuan eh. Puro "we'll just call you" ang sagot. Eh alam naman natin na ibig sabihin nun ay hindi ka tanggapKailangan ko na talagang makahanap ng trabaho. Besides baka mapalayas pako ng wala sa oras sa tinitirahan ko.
"Haysss" pangilang buntong hininga ko na to simula kanina. Ramdam na ramdam ko ang pagkulo ng tiyan ko kaya naman binunot ko ang natitirang pera sa aking bulsa. 50 pesos. Anong mabibili ko dito?
Mabuti nalang at may nagtitinda ng street foods dito kung hindi baka mamatay nako sa gutom. Wag nyong asahan na may biscuit at kape kayo sa burol ko dahil pakshet wala akong pera pambili!
Mabilis na nilapitan ko yung fishball stand dahil at any moment baka kainin ko ang mga nadadaanan kong tao. Char!
"Anong sayo ine?" Tanong ni manong"Yung eggs po sana ninyo. Magkano tong apat?" Sabi ko
"Naku. Ine. Hindi ko alam na mahilig ka pala sa mga balls ng may edad na. Tsaka dalawa lang ang eggs ko" sabi nya saka ngumiti ng pangmanyak
"Yung tinda po ninyo yung tinatanong ko hindi yung bayag nyo. Manong ang tanda mo na kumekerengkeng kapa. Gusto mo bayagam kita?" Sabi ko... sa isip ko lang syempre! Baka ako naman ang iluto ni manong eh.
"Hehe. Yung kwek kwek po yung tinatanong ko." Sagot ko sakanya
"Ay ganun ba?" Tapos parang nalungkot sya "tag sampo lang naman"
aba ang matandang itong. Nalulungkot pang nalalaman. Anong akala nya? Na sabik akong babae at kahit eggy ng matatanda papatulan ko? No way! Yuckness sister! sagot ng konsensya kong diring diri. Lol. Sige mandiri kaaaa!
Inabot na sakin ni manong yung kwekkwek tsaka nako nagbayad. Saka pa nya ko tinanong ng
"Ayaw mo ba talaga itong itlog ko ine?"
At dahil naloka ako dun sa manyakis na nagtitinda ng fishballs ay dali dali akong naglakad pauwi. Kalurkeyyy!
------
Ipipikit ko na sana ang mga mata ko dahil sa sobrang pagod ng biglang may nagsalita
"Hey ugly. You need to find a job as soon as possible or else pareparehas tayong pupulutin sa kalye" sabi nung balugang gwapo na pak na pak saka umirap
"Duh? Bat parang konsensya ko pa na mapapalayas kayo? Aba naman. Bigla bigla nalang kayong sumulpot. Palibhasa fc." Umirap din ako
"Fc?" Tanong ni damionbalugaperopaknapak
"Feeling close ano paba?" Sabi ko tapos umirap nanaman
"Eh bat ikaw fc ka rin naman ah?" saka sya ngumisi "flat chested" dagdag pa nya
Aba naman! Agad kong hinablot yung suklay na nasa may desk at ibinato yun sakanya. Sakto pa sa mukha. Napangisi tuloy ako sa gago.
"Serves you right!" Sagot ko sakanya saka humiga nalang ako sa kama ko
Inirapan naman ako ng lalaking ito. Aba kung hindi lang ito gwapo iisipin kong bading to eh. Ang hilig umirap!
"Humanda ka mamaya. Bibigyan kita ng bangungot" pagbabanta nya
"As if natatakot ako" sagot ko sakanya ng buong paglalakas ng loob
Dahil sa takot kong bangungutin ako ay pinipigilan ko ang sarili kong matulog. Anong oras na at feeling ko at any moment mak-knock out ako pero keribels lang. Tiis ganda. Baka di nako magising punyemas lang. Hanggang sa nakatuloy nako
-----**
Si Zia nga po pala yung nasa multimedia. In all fairness magkahawig kami. Syempre charchar lang
