Chapter 4

15 0 0
                                    

-Zia's POV-
Naloka ako dahil habang tumatakbo ako pababa ng hagdan matapos kong sipain yung engeng nung lalaki na pak na pak sa kagwapuhan ay bigla akong nahulog pababa sa hagdan. Ay punyeta ang bobo nung hagdan. Mangdadamay pa sa katangahan nya. Eto tuloy ako di makatayo. Pakiramdam ko bugbog sarado na ang pwet ko. Triple kill nako! Feeling may pwet. Nasasaktan ka lang pero wala kang pwet. Sagot ng echosera kong konsensya. Binatukan ko nga at ayun nagc-cry ang gaga. Kala nya madadala nya ko sa pagdadrama nya. Over my dead sexy body. Ilang oras din ang nakalipas pero hindi bumababa yung dalawang lalaki sa taas. Ano na kayang nangyari dun? Dahil tsismosa ako umakyat ako at muling sinilip ang kwarto ko. Wala na sila. Kaya naman muli akong pumasok sa kwarto ko. Kaso bigla akong nagulat ng biglang may humawak sa magkabilang braso ko

"Huli ka balbon!" Sigaw nya

"Ay pempem ng nanay nahulog!" Sabi ko dahil sa sobrang gulat "Ano ba! Bitawan moko!" Sigaw ko

"Ayoko! Walang makakapigil sakin!"

"Ay kaloka. Sumanib ba sayo yung pabebe girls? Sabagay pabebe ka naman. Tignan mo kamukha mo yung isa sa kanila dahil sa sobrang itim mo"

"ANONG SABI MO?!" Sigaw nya sa mukha ko

"Ang sabi ko ang itim mo. May mali bakong nasabi dun? O bingi ka?" Sagot ko na sobrang inosente

Nakita kong napaclose fist sya at hudyat na susuntukin ako kaya napapikit ako

"Tama na yan. Hindi mo dapat sinasaktan ang isang babae" sagot nung dax ata yun. At ang gwapo nya omg nakapagisip pako ng scenario kung saan kinakasal kami. Ay shet kinikilig kilig tuloy ako

"Pasalamat ka may respeto ako dito sa kaibigan ko. Kundi dahil sakanya baka napuno kana ng bugbog" pero hindi ko pinakinggan yung sinasabi nya. Instead lumapit ako kay dax na may kinang sa mata

"You are my knight in shinning armor! Omgggg!" Sabi ko na nagtatatalon talon pa

Napakamot naman si dax sa ulo nya isang ngiti lang ang tangi nyang nasagot. Kiber ko.

Halayin mo na. This is your time to shine. Sa ngalan ng kalandian. Daxzia ftw! "Che! Tumahimik ka nga!" Mahinang bulong ko sa konsensya kon napakaechosera. Saksakin ko sa apdo to eh.

-----**

My most beautiful nightmareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon