TAEHYUNG'S POV
Tulala akong naglalakad dito malapit sa dagat. Ilang beses ko ng sinubukang maging masaya para sa mga kaibigan ko para di nila mahalata ang nalalaman at nararamdaman ko.
Outing namin to! Ang plano ko hangga't hindi pa siya gumigising o nagkakaron man lang ng sign na gumising siya, hindi pa kami babalik.
2 weeks kaming walang pasok kaya pwede pa kaming magtagal dito. Buti nalang nakausap ni daddy yung Dean, malamang ako yung may pakana ng 2 weeks vacation. Ang sarap kong maging ka schoolmate noh? Enroll na kayo sa University namin hahaha!
Hala, kanina lang tulala ngayon naman nakuha pang tumawa. Baliw talaga!
Gusto ko nga 1 month kaming walang pasok para mabigyan pa siya ng time para gumising kaso lang baka itapon nalang ako pabalik ni daddy sa planeta ko.
In 2 weeks, sana naman gumising ka na...
"Hoy Kim Tae Hyung! Ngayong mag-isa ka lang patay ka sakin!"
Oh no! Sinasabi ko na nga ba hindi ko na dapat niyaya tong babaeng to. Kaso lang baka malaman niya na lang yung tungkol sa bagay na yun, tsk.
Kaya mas mabuting mabantayan lahat ng pwedeng makaalam.
Kwinelyuhan niya ako habang nakatingin siya na parang sa mga oras na to mapapatay niya na ko "Asan na yung ano ko!?"
"Yung ano ate?" nagmaang-maangan nalang ako, di ko naman kasi dala yung hinahanap niya
Nagtataka lang naman ako kay ate Taeya, sinugod pa ko nung nasa school kami! Wag niyang sabihin dun niya kukunin sakin? Sa school mismo?
"Wag mong subukan na ipasabi sakin!" namumula na siya hindi lang dahil sa galit kundi dahil din sa hiya, bakit ko pa kasi tinanong kung ano yun! Gago ka talaga Taehyung! "Ibalik mo na lang!"
"Oo ate pag nahanap ko ibabalik ko sayo!"
"Anong ibig mong sabihin? Nawala mo?!" lalong humigpit yung hawak niya sa kwelyo ko at nanlaki na ng todo ang butas ng ilong ni ate Taeya
"Ate pasensya na! Basta ibabalik ko sayo!" pinilit kong kumawala at nagawa ko naman kaya mabilis akong tumakbo papalayo kay ate Taeya "Bye na ate gabi na love you!"
Habang tumatakbo ako napahawak ako sa bibig ko, shet ano ba yung sinabi ko!
Love you? Masyado ka naman pahalata Taehyung! Sana naman hindi seyosohin ni ate Taeya yung sinabi ko.
Baka maging awkward para samin, saka di naman ako ang tipo ni ate Taeya kaya wala akong pag-asa.
3RD PERSON'S POV
Matalik na magkaibigan ang mommy ni Taehyung at ang mommy ni Taeya. Napagkasunduan nila na kapag nagka-anak na ang bawat isa sakanila, ang mga pangalan ng mga anak nila ay kukuhanin mula sa pangalan ng mga yumao nilang kaibigan na sila Taehyung at Taehya, kambal ito at sabay namatay dahil sa isang holdapan na naganap sa bangko.
Ninang ni Taehyung ang mama ni Taehya at ganun din naman si Taehya sa mama ni Taehyung kaya kinakapatid nila ang isa't-isa.
Si Taehyung naman matagal ng may gusto kay Taeya kaso lang hindi naman siya ang gusto ng dalaga. May gusto si Taeya sa kuya ni Taehyung na si Taehwan noon pa man.
- - -
GEORGINA'S POV
Sabay kaming pumunta dito sa beach ni Hoseok para mag-bonfire, nagulat nalang kami ng may isang professor na kasama nilang nagbo-bonfire. Nagtago bigla sa likod ko si Hoseok...
BINABASA MO ANG
Haba Baba feat. Alien(BTS)
FanfictionPitong Gwap- este Gagong bigla nalang lumanding na parang alien sa buhay mo at ginulo ito. Si Jung Hoseok na mukang kabayo at si Taehyung naman na minsan nabansagang leader ng BTS na magtutuwid daw sa grupo sa 'path of normality'. Malaking gulo to! ...