Chapter 8

234 17 3
                                    

"Mr. Jung Hoseok!" ma-authoridad na sabi ng prof naming kakambal ni Mr. Clean at Cotton Buds "Pay attention! It's your turn to introduce yourself!"dali-dali akong tumayo saka naglakad papuntang harapan "What are you doing here? Di na to high school para pumunta ka pa dito sa harap, bumalik ka sa pwesto mo!" napakamot nalang ako ng batok.

Wala ata ako sa sarili simula ng mangyari yung kissing scene nila Georgina at Taehyung sa Arcade.

Bakit kasi kailangan pang mag introduce yourself eh tatlong months na lang naman sembreak na namin. Bakit kasi umalis pa yung prof namin para sa subject na to!? Dumating pa tuloy tong kalbo na to!

"Hi! Ako nga pala si Jung Hoseok at wala kayong pakealam kung papogi ako! Kung gusto niyo magpapogi din kayo... Ay kabayo!" nagulat nalang ako ng pagtangkaan akong batuhin ako ng chalk ng prof ko, buti nalang nakailag ako

"Ayusin mo Jung" kalmadong sabi ni prof pero ang sama ng tingin

"Hello everyone I'm Jung Hoseok and someday I wanna be imprisoned in Cebu to be a dancing inmate, that's all thank you!" nagflying kiss pa ko sa buong klase kaya sinalo nila lahat at tinapon sa basurahan. Sila pa bang choosy? Sarap pagsisipain!

Nagpakilala na din yung iba hanggang sa natapos na. Nagdiscuss na din ang bagong prof namin, inaantok pa naman ako ngayon. Kumuha ako ng tape sa bag ko saka ko to dinikit ng medyo madiin sa talukap ng mata ko para di akomakatulog. Kesa naman palabasin ako ng prof namin diba?

"That's the end of our discussion. By the way yung mga seatmates niyo sila na ang magiging partners niyo para sa project niyo"

"Teka sir pano po si Hoseok wala siyang partner, absent yung katabi niya" Tanong ni Yoongi. Aw buti pa si gilagid concern sakin, kakatats. Oo nga absent pala si Georgina pati si Taehyung. Ngeks nagkiss lang parehas ng umabsent!? Coincidence ba o natagpuan lang talaga nila ang forever? I'm not haeppy about this, no fun!

"Join the absentees Mr. Jung" sabi ni prof

"Sino po yung mga absentees na tinutukoy niyo?" tanong ko

"Edi yung katabi mo saka yung katabi niya. May nakikita ka pa bang absent dito?" inirapan niya ko saka siya lumabas ng room. Sabi ko nga eh si Georgina at Taehyung lang absent dito. Naninigurado lang naman kasi! Pagpasensyahan mo na si Mr. Posporo stressed yan kaya nga nalagas buhok niya.

Diba by partner as in dalawa lang? Bakit tatlo kami! Wag ka na Taehyung hanap ka ibang partner walang sayo akin lang si Georgina ko!c"

Pero nagkiss sila...

- - -

Pagkatapos ng klase sinundo ko na si Pocholo sa room niya kasi sabay kaming bibili ng mga pagkain na pinaglilihian ni Sera. Sagot niya lahat sabi niya, wala naman akong problema dun kasi diba? Hahaha!

Sumakay na kami sa kotse ni Pocholo, inabutan niya kaagad ako ng DQ saka niya tinaas baba ang mga kilay niya. Aba nagpapalakas si Pochie!

Tamang-tama ang ice cream para sa broken hearted na katulad ko...

"Thanks Pochie!" nginitian ko siya saka ko pinisil yung pisngi niya kaya nagpout siya saka niya pinindot yung nguso niya para magpacute. Hala baka nagwapuhan to sakin kaya todo pacute, ipagpalit niya na lang ang kapatid ko sakin!

- - -

Nang nasa grocery na kami puro chichirya, apat na gallon ng ice cream at iba't-ibang mga chocolate ang kinuha ko.

"Kuya bakit naman yan ang kinukuha mo? Makakasama sa baby pag yan ang kinain ni Sera" tanong ni Pocholo habang papalapit dito at may dalang mga prutas, gulay at gatas

"Ah pwede pa naman sakanya to wala pa naman isang buwan yung pagbubuntis niya" sabi ko saka ngumiti na abot tenga at siya naman tumango nalang saka kami dumirestyo sa cashier para bayaran lahat ng kinuha namin

Sino bang may sabing para kay Sera to? Para sakin to noh,hahaha! Tutal si Pocholo naman ang sasagot dito lulubos lubusin ko na. Pero totoo din naman pwede pa to kay Sera, hanggang ngayon ngayon lang siguro.

- - -

Pagkatapos namin ilagay sa kotse yung pinamili namin nagyaya pang pumunta si Pocholo sa maternity section ng department store. Sabi ko naman wag muna kasi di pa naman malaki tyan ni Sera pero ayaw paawat kaya sumunod nalang ako. Baka kaya atat kasi gusto niyang suotin? Malay natin."

Lumapit na ulit samin yung sales lady dala-dala ang mga maternity dressna kulay blue, favorite ni Sera "Sir ito na po yung mga pinakuha niyong mga damit. Kukunin niyo na po ba?"

"Ay hindi isusukat ko pa" ewan ko ba kung sarcastically na sinabi ni Pocholo yun pero parang hindi naman kasi mukang seryoso siya habang inoobserbahan yung mga damit "Bayaw hintayin mo muna ako susukatin ko lang tong dress." dumirestyo na siya sa dressing room

"Anong akala mo ikaw ang magbubuntis? Seahorse lang ang peg?"

Lumabas siya sa dressing room habang suot yung isa sa mga maternity dress at rumampa pa sa harap ko "Bayaw naman wag mokong itulad sayo" tumalikod siya sakin saka niya itinaas patalikod yung lower left leg niya, baliw pala talaga tong taong to!

- - -

3RD PERSON'S POV

Ng accidentally na magkiss sila Georgina at Taehyung nagwalk out sa arcade sabay takbo si Taehyung pero nahulog niya ang susi ng kotse, wallet, at cellphone niya habang tumatakbo kaya kahit awkward ang kissing scene na nangyari sakanila hinabol pa din ni Georgina si Taehyung para ibalik ang mga nahulog niya. Nang papatawid na si Taehyung nakita nilang may nabundol. Tinulungan nila ito at sinamahan sa hospital na halos di na sila pumasok sa klase nila.

"Pwede na po kayong pumasok" sabi ng nurse sa dalawa

Agad silang tumayo at tumakbo papasok sa ICU. Nang makita nila siya di na nila napigilan ang pagpatak ng mga luha nila...



Haba Baba feat. Alien(BTS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon