Pano ka ba naiinlove sa isang tao? Ano ba ang mga dahilan? Merong mga taong dahil sa panlabas na itsura at meron din naman dahil sa panloob, yung ugali ha wag kayong green!
Bakit ba ako nainlove kay George? Ganito kasi yun...
[FLASHBACK...]
"Taehyung ano bang gagawin natin dito sa park? Nakita mo yung ulap?" turo ko sa sky
"Malamang, may mata kasi ako" tignan mo to masyadong pilosopo
"Uulan na oh tapos gusto mo pang magbike? Uwi na tayo please" nag-aegyo pa ko
"Wag ka ngang pabebe, batukan kita jan eh para dumiretsyo yang baba mo sa dibdib mo para mamatay kana"
"Once in a lifetime na nga lang tong opportunity na to na magpacute ang poging katulad ko tapos babalewalain mo lang? Oh common!" napasapo ako sa noo ko "Kaw pa bang choosy?"
"Nasan pala si Chimchim?" galing magbago ng usapan! Kinikilig lang yan, bading yan alam niyo ba?
"Tignan mo to, nandito na nga ako naghahanap ka pa ng iba" inakbayan ko siya "Puro nalang VMin! Asan na yung Vhope?" tinanggal niya yung pagkakaakbay ko sakanya saka tumakbo ng di mapakali "Hoy Taehyung najejebs ka ba?"
"Mahaba ba baba mo?" sigaw niya habang tumatakbo pa din
"Aba loko to ah!" napahawak ako sa baba ko "Oo" takte totoo!
"Pwes oo din ang sagot ko!" saka kumaripas ng takbo papuntang cr dito sa may park
"Magyaya kang pumunta dito sa park tapos iiwan mo rin pala ako!" sigaw ko sakanya pero kumaway lang saka tuluyang pumasok sa cr.
Iniwan lang niya yung bike niya sa may gitna ng parking lot, babalikan ko muna baka masagasaan ng kotse. Kahit konti lang tao ngayon malay natin kung may magpark bigla diba?
- - -
GEORGINA'S POV
Nagpaalam muna ako sa kuya ko para maglibot sa park malapit sa bago naming tinitiran. New school, new people, new environment! As in bago lahat! Walang nakakakilala sakin dito kaya pwede akong magstart ng panibagong buhay pero di ako magbabago...
- - -
Nang makarating ako dito sa park medyo mahangin kaya masarap sa pakiramdam. Halata kasi sa ulap na malapit ng umulan kaya sandali lang ako dito sa park, sa swing nalang ako malapit sa may parking lot.
Teka?! May papalapit na kotse dun sa lalake!
"Kuya! Yung kotse!" dali-dali akong tumakbo papunta dun sa lalake at tinulak siya, ako naman nadapa kaya nakaiwas din. Nagtama yung mga mata namin, walang pumipikit kaya naging staring contest. Sinubukan kong tumingin sa iba at tumama ang mata ko sa lips niya papunta sa baba, as in chin! Nagulat ako sa sobrang haba kaya bumalik na ko sa katinuan...
Lumabas yung nagdradrive sa kotse saka kami tinulungan tumayo "Nako pasensya na, nasaktan ba kayo?"
"Malamang hindi! Muntik mo na kaya kaming masagasaan!" sabi nung lalake dun sa babae kaya nga nga si girl "Ano ka ba joke lang. Pero sa totoo lang masakit. Okay lang yun di mo naman sinadya" saka siya tumingin sakin "Thank you pala" nginitian niyako
- - -
Nagyaya yung babae na ilibre kami para pambawi, mahiyain akong tao pero di ako tumatanggi sa grasya. Pumunta kami sa Yellow Cab, dalawang pizza ang inorder ni ate Charlie na ngayon ay inuubos ng dalawa, si Hoseok na yung lalake na muntik ng masagasaan saka yung kasama niyang si Taehyung na sinundo pa namin sa cr sa park, bukas pa zipper!- - -
HOSEOK'S POV
Ilang days na rin ang nakalipas simula ng magkakilala kami ni Georgina. Nakita ko ulit siya dito sa mall. Kakatapos lang namin maggrocery ni Sera kaya ngayon nasa labas kami ng mall para hintayin sila mommy at daddy.Tinitignan ko lang ang paligid habang nakaheadset ng makita ko nanaman si Georgina na may nilapitang matanda na madaming bitbit na plastic bag saka niya ito kinausap, tinulungan niya palang buhatin yung dala nung matanda saka sila tumawid...
- - -
"Uy Hoseok dito rin room mo?" napatingin ako sa nagsalita "Long time no see!" sabi niya habang naglalakad papunta sakin saka ako tinabihan "Tabi tayo ha? Wala kasi akong kakilala dito" ngumiti siya"Osige tabi tayo! Papayagan na kitang makatabi ang poging tulad ko total ikaw naman ang nagligtas sakin" nginitian niya lang ako pero may biglang bumatok sakin
"Wag ka ngang masyadong mayabang baka maturn-off sayo yang cru..." di natuloy ni Taehyung yung sasabihin niya kasi tinakpan ko yung bibig niya
"Pasensya ka na dito hehe. Kilala mo pa pala to? Yung sinundo natin sa cr na bukas pa zipper... aray!" kinagat ba naman yung kamay ko, alien talaga!
- - -
Ilang buwan na din ang nakalipas at ngayon naka-adjust na si Georgina sa kakulitan ng Bangtan. Kung dati patawa tawa lang sa mga kagaguhan naming ngayon naman trashtalk activate na, sadista pa! Lalo ko siyang nagugustuhan dahil sa personality niya...[END OF FLASHBACK]
Pero di na siguro kami pwede kasi may ilong na siya. Tadyakan ko yung Jungkook na yun eh! Alam naman niya na may pagtingin ako kay George tapos ngayon malalaman kong nagdate pala sila sa Mang Inasal!
Saka ano bang pwedeng dahilan para mainlove sakin si Georgina? Wala naman akong maisip...
Bukod sa mabait ako at pogi pa! Magaling sumayaw at magrap, minsan triny kong kumanta naka100 naman ako sa karaoke! May aegyo pa ko! Kabisado ko ang multiplication table kaso lang nahihirapan lang ako sa 11!
Wala talaga akong maisip...
Dapat pala inaway ko na lang to para gaya nung mga nasa libro at teleserye, mag-aaway muna yung babae saka lalake saka sila magkakatuluyan. Sipain ko kaya to para macomatose o magka amesia para paggising magpapakilala akong shota niya...
BINABASA MO ANG
Haba Baba feat. Alien(BTS)
FanficPitong Gwap- este Gagong bigla nalang lumanding na parang alien sa buhay mo at ginulo ito. Si Jung Hoseok na mukang kabayo at si Taehyung naman na minsan nabansagang leader ng BTS na magtutuwid daw sa grupo sa 'path of normality'. Malaking gulo to! ...