Chapter 13

109 8 5
                                        

           ^^THIRD PERSON'S POV^^


Zander walked slowly towards the male restroom, irritated and wiping the part of his polo shirt that got splashed with beer earlier.

Bahagya itong nakayuko at hindi alintana ang mga nakakabungguan sa paligid at ang ingay mula sa mga ito.

When he suddenly stopped walking nang pag-angat nito ng tingin ay mapagawi iyon sa mga pamilyar na mukha sa isa sa mga banquette o couch na pwedeng upuan ng mga grupong pumupunta sa mga bar, malapit sa gawi ng male and female restroom.

Mga pamilyar na tao na hindi nito akalaing makikita rin niya ngayong gabi lalo na sa ganitong klaseng lugar. Partikular sa isang babae na tumatayo na ngayon mula sa pagkakaupo nito katabi ang isang lalaki na sa pakiwari niya ay nakita narin niya noon.

Para lang mapatiim bagang ng sa wakas ay maalala na niya kung sino ang taong 'yon.

Zander saw the hint of sadness in the woman's eyes as she glanced at the man beside her before slowly walking away na sa palagay niya ay mukhang patungo rin kung saan siya pupunta. Bahagya na kasi siyang malapit sa gawi ng mga ito kaya hindi nakaligtas iyon sa paningin niya. Dahil doon ay hindi na niya napigilan ang galit na bumaha sa kanyang dibdib para sa dalawa kaya naman imbis na asikasuhin niya ang sarili ay lihim niyang sinundan ang direksiyon ng babae.

Hindi niya alam kung bakit niya naisipang gawin iyon pero mukhang dala na iyon ng tumatalab ng alak sa kanya na ininom niya kanina.

Zander stopped walking nang huminto rin ang babae at mapakapit sa isa sa mga lamesang nadaanan nito patungong restroom, ng marahil ay makaramdam ng pagkahilo. Napahawak ito sa sentido at saglit na huminto bago muli ng naglakad papalapit na sa gawi ni Zander.

Dahil naman sa labis na galit na naramdaman nito kanina ay hindi na niya nahintay pa ang babae at sa mabibigat na hakbang ay naglakad na ito patungo sa direksiyong iyon, bago marahas na hinablot ang braso ni Elisel na nagulat naman sa pangyayari.

Napasinghap ito sa gulat nang marahas itong bumangga sa matipunong dibdib ni Zander dahil sa pabiglang paghatak nito sa kanya.

"What the hell are you doing mister!" Nagulat na sigaw nito sa kung sino mang humablot sa braso niya bago ito tumingala ng dahan-dahan. "Alam mo bang harassment ang ginagawa mo---" Hindi naman na nito natuloy ang akmang pagsigaw sa lalaking inaakalang isa lamang sa mga happy go lucky na nasa loob ng bar, nang sa wakas ay unti-unti na niya itong makilala. Bahagya kasing nakakasilaw ang disco ball na tumatama sa mukha nito.

Hindi naman iyon alintana ni Zander sa halip ay napangisi ito at mas lalo pang diniinan ang pagkakahawak sa braso ni Elisel, nang muling mapasinghap ang huli when she finally realized who the man is.

"Miss me, Elisel?" Tanong nito sa nang-uuyam na boses bago marahas na hinalikan sa labi ang natigagal na babae.

SAMANTALA...

Georgie looked around, particularly towards the restroom, When Elisel takes awhile to come out from there.

Nag-excuse na muna tuloy ito sa katabing fafable na nabingwit niya kanina sa dance floor, para sundan ang kaibigan roon. Para lang exxagerated na mapasinghap dulot ng excitement, nang mabungaran niya itong nakikipaghalikan pala sa isang estranghero 'di kalayuan sa restroom.

Kaya't ang balak sana na pagsunod niya rito ay binalewala nalang niya at akma ng maglalakad pabalik sa upuan, ng makarinig siya-----ah hindi pala------kundi halos lahat ng tao na malapit sa gawi ng dalawa--------nang isang napakalakas na sampal mula kay Elisel para sa estrangherong kahalikan nito.

Nashocked si Georgie at napatakip ang magkabilang kamay sa bibig nang matigilan ito mula sa kinatatayuan at hindi kaagad nakakilos. Sa halip ay iginala nalang nito ang tingin muli sa paligid para sana hanapin ang kakambal kung nasaksihan rin nito ang pangyayari, pero napansin niya lang itong nagsasayaw parin sa gitna ng dance floor at walang pakialam sa paligid.

SORRY, I LIED! (UNREVISED EDITION!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon