Ang PSG Part 1

33.6K 418 30
                                    

.

The Bodyguard

CHAPTER 1

Siya si Justine. Ang palayaw niya sa kaniyang pamilya noong bata pa siya ay Usting ngunit sa mga kaibigan at kakilala niya ngayon ay siya si Jazz.

Iba ang umagang iyon sa mga nagdaang umaga. Haharap kasi siya sa isang hamon na susubok sa kaniyang pagkatao at katatagan. Kaya kahit alas nuwebe pa ang kaniyang appointment ay gumising na siya ng 6 o'clock, hindi dahil sa excited siya kundi kinasanayan na talaga niya ang magising ng maaga. Kung tutuusin nga late na ang gising na iyon ng mga katulad niya. Minabuti na din niyang maligo dahil sigurado naman siyang hindi na siya muli pang dadalawin ng antok saka baka kung makatulog siyang muli ay ma-late pa siya na maaring ikasisira ng inalagaan niyang reputasyon sa trabaho. Pagkaligo niya ay nanginginig pa siyang pumasok dahil sa ginaw ng buga ng aircon sa kaniyang kuwarto.

Nakasanayan na niyang pagmasdan ang hubad na katawan sa salamin bago niya isuot ang kaniyang PSG uniform. Ngunit hindi ang PSG uniform niya ang kinuha niya sa mga nakaayos na naka-hanger niyang damit. Isang light blue longsleeves at dark blue neck tie ang inilapag niya sa kama. Muli siyang bumalik sa harap ng salamin at tinanggal niya ang nakatapis niyang tuwalya. Brief na lang na puti ang tumatakip sa kaselanan niya. Sa edad niyang dalawampu't pito, maayos pa din ang pagkakahubog ng kaniyang katawan. Maumbok ang kaniyang dibdib at litaw ang kaniyang abs dahil na din sa disiplina sa katawan at pagkain. Sinipat niya sa salamin ang mukhang kinahuhumalingan na nang hindi niya mabilang na humahanga sa kaniyang hindi ordinaryong kaguwapuhan. Tama lang din ang tangkad niya sa laki ng kaniyang katawan. Huminga siya ng malalim. Habang pinagmamasdan niya ang kabuuan ay hindi niya mapigilang balikan ng alaala ang lahat. Sino ba ang makapagsasabi sa likod ng mala-adonis niyang kaguwapuhan ay dumaan sa hirap at pananamantala ng iba sa kaniyang kahinaan? Dahil sa pagiging mahirap ay naging kakambal na niya ang pang-aalila ng mga tinuturing niyang kadugo. Iyon ang mga alaala ng kaniyang kabataang pabalik-balik lang sa kaniyang isipan.

Lumaki siya sa isang liblib na probinsiya ng Cagayan Valley. Pangatlo siya sa siyam na magkakapatid. Apat na lalaki at limang babae. Pagsasaka ang ikinabubuhay ng pamilya nila. Magsasakang walang sariling lupa ang tatay niya. Kaya kahit gaano kasipag ang kaniyang mga magulang ay masasabing salat sila sa kahit anong bagay. Hindi na nag-aral ang sinundan niyang dalawang kapatid dahil bukod sa malayo ang paaralan sa liblib nilang barangay ay salat din sila sa pangarap sa buhay. Bakit nga daw pa sila mag-aaral kung pagsasaka din lang naman ang kababagsakan? Ngunit iba siya sa kaniyang mga kapatid. May pangarap siya para sa buong pamilya. Nabuo ang pangarap na iyon, hindi lang dahil sa hirap na pinagdaanan kundi dahil na din may nakita siyang kapitbahay niya na gusto niyang pamarisan.

Pulis sa Maynila ang kapitbahay nila at dahil doon ay unti-unting nakaraos ang pamilya nito sa probinsiya. Tulad nila, maralita lang din ang kapit-bahay nilang iyon ngunit naigapang nito ang pag-aaral dahil sa paninilbi sa mga nakakariwasa nilang kamag-anak. Walong taong gulang lang siya noon nang nagsimula siyang mangarap na baling-araw magiging isang magiting din siyang sundalo o pulis . Gusto niyang sundan ang yapak ng kanilang kapitbahay. Gusto din niyang umasenso at hindi habangbuhay na nabibilad sa araw habang nakalublob sa putikan. Hindi sa ikinakahiya niya ang ikinabubuhay ng kaniyang mga magulang kundi kung may iba pa namang paraan para guminhawa ang estado ng kanilang pamumuhay ay bakit hindi niya subukang tumahak ng ibang landasin tungo sa kaniyang pangarap.

Kaya nga nang bakasyon na iyon at mag-grade 2 na siya at umuwi ang tiyuhin niyang may babuyan at panaderya malapit sa bayan ng Tuguegarao ay nabuhayan muli siya ng pag-asa. Naghahanap ang tiyuhin niyang binata pa na kapatid ng tatay niya ng makakatulong nito sa kaniyang babuyan dahil nauubos daw ang oras niya sa panaderya. Ayaw sumama ng mga kapatid niya kaya nagdesisyong magpahanap kay nanay ng kabaryo nilang puwede niyang isama sa bayan pagbalik. Dalawa ang kailangan niya at dahil sinabihan na ako nina Tatay na haggang Elementary lang ang kaya nilang maigapang sa pag-aaral ko kaya sinubukan kong kausapin si Nanay. Madaling araw palang iyon noon at gising na ang lahat para pumunta sa bukid. Aalis na din si Tito at hinihintay na lang niyang dumaan ang kaisa-isang jeep na parang Christmas tree sa dami ng pasahero.

The BodyguardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon