.
The Bodyguard
CHAPTER 4
"Sa kalabaw mo ako pasasakayin? Iyan ang sundo na pinagmamalaki mo sa akin?" tanong ng natatakot nang si Liam.
"Oo, bakit ayaw mo?"
Gusto na niyang maiyak. Kagabi pa siya pagod at hapon na muli ngunit nasa biyahe pa sila. At ngayon, sa kalabaw naman siya pasasakayin?
"Anong pahirap itong ginagawa mo sa akin daddy! Bakit mo ako pinaparusahan ng ganito?" naupo siya saka niya pinakawalan ang masaganang luha. Di na niya kasi kayang pigilan ang sarili.
Dahan-dahang umupo si Justine sa harap niya. Sa totoo lang, parang kinukurot ang puso niya sa nakita niyang pagtulo ng luha ni Liam. Siya na sanay na sa biyahe ay masakit na din ang kaniyang katawan, idagdag pa ang magkakahalong pagkahapo, pagkapuyat at pagkahilo niyang nararamdaman. Itinaas niya ang kaniyang kamay para tapikin sana ang likod ni Liam. Gusto niyang palakasin ang loob nito ngunit bago lumapat ang kamay nito sa likod ni Liam ay binawi niya. Huminga siya ng malalim. Hindi siya dapat padadala sa awa. Kailangan ni Liam na mabuhay sa realidad ng buhay para mailabas ang kabutihan nitong nakatago. Kung ang pagpapahirap lang ang tanging paraan para magising siya sa katotohanan sa mga sinasayang niyang pagkakataon at para magbago ang magaspang nitong pag-uugali ay handa siyang magiging masama sa mga mata nito.
"Puwede ka namang mamili sir, sasakay sa kalabaw o maglakad sa putik."
"Gusto ko nang umuwi." puno ng luha ang mga mata ni Liam habang nakatingin sa kaniya.
"Ganoon ka ba kahina? Sa ganito ka lang susuko? Aba sir! Nasaan yung yabang mo sa Malakanyang? Sa ipinapakita mo ngayon sa akin ay daig ka pa ng isang binabae. Kung matapang ka, kung tunay kang lalaki, dapat kinakaya mo yung mga ganito at hindi yung sumusuko ka sa biyahe pa lang? Iyon ba ang gusto mong ibalita sa Daddy mo pagbalik natin? Iyon ba ang gusto mong patunayan?" malakas na tinuran ni Justine.
Nasaktan siya sa narinig ni Liam na iyon kay Justine. Iba ang dating sa kanya sa sinabi nitong daig pa siya ng isang binabae.
Huminga siya ng malalim.
Pinunasan nito ang luha sa kaniyang pisngi saka siya tumayo.
Tumingin siya sa mga mata ni Justine.
"Wala kang karapatang maliitin ang kakayahan ko. Siguro nga mahina ako sa mundong kinasanayan mo ngunit hindi ibig sabihin no'n na puwede mong laitin ang pagkatao ko. Wala pang ni isa ang nagsabi sa akin niyan." Abut-abot ang malalim na paghinga nito na halatang galit na galit na siya sa kaniyang narinig.
"Hindi ba sabi mo, gusto mo ng umuwi? Ibig sabihin, gusto mo nang sumuko. Kanina pa sa sa Nueva Vizcaya at Tuguegarao, sinabi mo na sa akin na wala ng immersion, ta's ngayong ipamukha ko sa'yo ang kahinaan mo, saka mo sabihing wala akong karapatang sabihin iyon sa'yo?"
"Oo, kasi kung magsalita ka parang kilalang-kilala mo ako. Saka puwede ba, kahit anong mangyari, hindi ako magiging mahirap o magsasaka. Nakatapos ako sa isang University sa US, may pera ang pamilya ko kahit pa hindi Presidente si Daddy, kaya sabihin mo nga sa akin kung anong puwedeng maitulong ng worthless immersion na ito sa akin?"
"Maari ngang walang maitulong sa'yo, sa career mo, kasi nga mataas ka, tinitingala, ngunit Liam, wala ba kayong puso o awa na ibahagi ang kahit katiting na bahagi ng oras ninyo sa mga magsasakang pinagkakaitan ng atensiyon para sana maintindihan ng katulad mo ang buhay na pinagdadaanan nila? Kahit sana legacy mo lang para sa Presidente ng Pilipinas ang ipamalas ninyo sa isang buwan. Isang buwan Liam ganoon lang kaiksi, mahirap bang gawin 'yun?"
BINABASA MO ANG
The Bodyguard
RomancePaano kung isa ka lang Bodyguard ng guwapo, sikat at matalinong anak ng Presidente. Isa pa'y alam mo sa sarili mong "straight" ka ngunit ngayon ay may gumugulo na sa iyong pagkatao. Paano ang girlfriend mo? Paano ang "career" mo kung ang tibok ng pu...