Ang Sumasabog na Damdamin Part 5

13.4K 220 25
                                    

.

The Bodyguard


CHAPTER 5

Bumangon siya habang dama pa niya ang kakaibang init na iyon na kaniyang naramdaman kanina sa kaniyang panaginip. Nakita niya si Justine na noon ay humihilik ng mahina at walang kumot ang hubad nitong katawan. Nakita niya ang nakatigas na iyon na bahagyang lumabas sa garter ng boxer nito. Oh my!!! Si Mr. Pinkish na kusang nagwawala na para bang nagyaya na malapitan at mahaplusan ito.

Kinakabahan siyang tumayo. Dahan-dahang siyang lumuhod sa mismong bahaging iyon ng katawan ni Justine. Nanginginig ang kaniyang mga kamay kasabay ng bilis ng pintig ng kaniyang puso. Kumilos ang nanlalamig at nanginginig niyang kamay at dahan-dahang lumapalit sa bahagyang nakasilip na si Mr. Pinkish. Pinanghihinaan na talaga siya. Sa init na naramdaman niya sa kaniyang panaginip at sa nakikita niya ngayon ay bumibigay na siya. Wala na siya sa katinuan para pigilan ang kaniyang pagnanasa. Tuluyan nang nanikluhod ang lahat ng kaniyang pagpipigil.

Ngunit biglang nagkamot si Justine sa tiyan. Dahil sa biglaang paggalaw nito ay nataranta siya. Bigla siyang tumayo. Napaatras at nauntog sa isang nakasabit na bayong na may lamang santol at suha. Natanggal ang bayong sa pagkakasabit nito. Sinikap niyang saluhin iyon at nasalo nga niya ngunit tumapon ang ilang laman nito sa mismong katawan ni Justine na noon ay mahimbing pa ding natutulog.

"Anong nang...!" napabalikwas ang naalimpungatang si Justine. Napakabilis nitong nahugot ang baril mula sa kaniyang ulunan. Ikakasa na sana niya ito nang makitang si Liam lang pala lumikha sa ingay na iyon.

Napakamot saka niya tinanggal ang ilang santol at suha na naipon sa kaniyang kumot na sa kaniyang paa. Napailing ito saka siya tuluyang bumangon.

Kitang-kita pa din ni Liam ang pag-angat ni Mr. Pinkish sa kaniyang boxer short at nang napansin ni Justine ang pagkakadikit ng paningin ni Liam dito ay mabilis siyang tumalikod at inayos niya pababa kahit pa bumabalik ito sa pag-angat.

"Ano ba kasing ginagawa mo?" tumingin ito sa pambisig nitong orasan. Huminga ng malalim. "Mag-aalas dos palang ng madaling araw. Hindi ka ba napagod o napuyat sa biyahe?" Kinukusot nito ang kaniyang mga mata. Nang naramdaman niyang umamo na si Mr. Pinkish ay saka siya humarap sa kanina pa natatamemeng si Liam.  

"Ano ha? Bakit di ka makasagot?"

"Wala, kasi kuwan.."

"Kasi ano? Huwag mong sabihing balak mo akong takasan?" nakapamaywang si Justine sa harap niya.

"Tatakas? Hindi ah. Naiihi lang ako."

"Next time, kung may kailangan ka, kung naiihi ka o kahit gusto mong lumabas at magpahangin lang, gisingin mo ako." binuksan niya ang pintuan ng kubo na yari sa kawayan.

Noon lang napansin ni Liam na tinanggal pala talaga ni Justine ang may kataasang hagdanan. Lagpas tao ang taas ng kubo at kung lumabas pala siya kanina ay maaring mabalian siya kung magmamadali siyang lumabas at hindi niya napansing natatanggal din pala ang hagdanang yari din sa kawayan. Mula sa nakausling sanga ng punong mangga ay doon naglambitin muna si Justine hanggang sa nakababa ito at muling inilagay ang hagdanan. Kaya pala hindi na siya nito binantayan pa at natulog dahil sigurado naman siya sa kaniyang kaligtasan.

"Adda problema manong?" (May problema ba kuya?") tanong ni Boknoy nang ibinabalik na ni Justine ang hagdanan. Sa di kalayuan. Nandoon din ang anim na mga Barangay Tanod sa paligid ng kubo na biglang napabalikwas nang tinapik sila ni Boknoy. Mukhang doon na din sila naglatag at dalawa doon ang nag-uusap pa sa hindi kalayuan na nagbabantay.

"Wala Bok. Iihi lang ang Sir Liam mo. Sige mga manong, uncle, pwede na kayong magpahinga sa mga bahay-bahay ninyo. Maaga pa kayo magigising bukas." Malakas na sinabi iyon ni Justine.

The BodyguardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon