2

6.2K 149 8
                                    




Nagpareserba ng silid si Rana sa Cristobal Crystal line hotel kung saan niya huling nakita ang lalaki. Kasama iyon sa mga plano niya upang maging madali para sa kanya ang pagpaslang dito.

Umayon pa sa kanya ang magandang magkakataon dahil nalaman niyang mag-isa lamang itong sasakay ng yate. Good thing as well, dahil walang makakasaksi sa anumang gagawin niya.

Gagamit siya ng lantsa upang sundan ito at doon isasakatuparan ang kanyang misyon. Napangiti si Rana sa bahaging iyon. Alas, mangyayayari na ang pinakaaantabayanan niya.

Nakita rin niya ang pagsakay ng target niya sa yate. Mabilis siyang kumilos at kaagad na tinungo kung saan nakahalera ang mga lansa. Ipinagpapasalamat niya at kahit paano ay natuto siyang gumamit niyon.

"Kuya, gagamitin ko na po ang lansa," nakangiting aniya sa may edad na lalaki. " Rana Zamora po," pagpapakilala niya sa lalaki nang hindi ito kaagad nagsalita

Batid niyang nahalina sa pagmamasid sa kanyang alindog ang lalaki kaya't mistula itong nabato balani sa pagkakatitig sa kanya.

"Matandang hitad!" aniya sa sarili binigyan ng matamis na ngiti ang panot na lalaki.

"Naku pasensiya na ho Ma'am, akala ko kasi si Angel Locsin na ang kaharap ko," nahihiyang napakamot ng batok na wika nito.

Rana pasted the sweet smile in her lips, "Palabiro po pala kayo kuya." lalo pa niyang ginandahan ang pagkakangiti kahit ang totoo'y gusto na niya itong tuodan sa klase ng mga titig nito sa katawan niya. Manyakis!

Nakasuot lamang kasi siya ng summer swim suit na pinatungang ng life vest isinilit niya roon ang baril na gagamitin niya.

Lutang na lutang ang maputi at makinis niyang hita. Hindi niya ito masisisi kung makuha man niya ang atensiyon lalaki hahayaan na lamang niya itong busugin ang mga mata sa pagkakatitig sa kanyang katawan hindi naman niya ito muling makikita.

"Sumunod po kayo sa akin, Ma'am." magalang na anito.

Nagpatianod naman na sumunod dito si Rana. Her heart beats so fast inside her chest, kaya nga ba niyang dungisan ang sariling mga kamay para maipaghiganti ang kapatid?

Makakaya ba niyang kitilin ang buhay ng lalaking nanakit sa puso ng ate niya? She took a deep breath as she walk towards the boat. Hindi siya puwedeng umatras gayong abot kamay na niya ito.

Anuman ang mangyari ay kailangan niyang magtagumpay. Pagdaka'y magkasunod na putok ng baril kasunod ng palahaw na sigaw ng isang parak.

Hinahabol ng mga ito ang dalawang lalaking may hawak-hawak na itim na bag. Halatang mga tulisan. Kinutuban siya ng hindi maganda nang mabatid na patungo sa direksyon nila ang mga ito.

"Shit!"

Akmang sasakay siya ng lantsa ng biglang magpaputok ang isa sa mga kawatan.

"Tigil! Tumigil ka!" malakas na sigaw ng lalaki habang tinututukan siya ng baril. "Baba!"mariing utos pa nito sa kanya.

"Damn it!"lihim na napamurang ani Rana na mabilis na tumalima sa utos nito.

"Lumapit ka rito! Bilisan mo!"

Hindi nakahuma ang dalaga sa bilis ng mga pangyayari. "Huwag kayong magpapaputok kung ayaw niyong basagin ko ang sentido ng babaeng ito!" panakot na sabi ng lalaking may hawak-hawak sa kaniya. Nagkatinginan naman ang tatlong pulis.

"Itapon niyo sa tubig ang baril niyo?" utos ng isang magnanakaw.

Galit man ay walang nagawa ang mga pulis kung hindi ang sumunod sa mga ito. Mahalaga para sa kanila ang buhay ninumang sebilyan.

A LOVE TO KILL (18+) UNEDITEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon