17

4.6K 138 13
                                    

"Babe, how do you feel? May masakit ba sa'yo?" Maagap na tanong sa kanya ni Arnold pagmulat niya ng mga mata.

"Anong nangyari?"

"Bigla ka na lang hinimatay sa loob ng banyo," kuyom ang sariling kamaong anito. "I'm sorry, sweetheart, masyado yata kitang pinapagod this following days," may kalakip na guilt na dagdag nito.

"Ayos lang ako," walang impresyon ang mukhang sagot niya.

"Thank god, I was so worried about you—"

"Huwag ka nang mag-alala pa, ayos lang ako bigla lang sumakit ang ulo ko kanina at nakaramdam ng pagkahilo," aniyang hindi makatingin dito ng diretso.

"Please don't hesitate to tell me how you feel, hindi mo maiaalis sa akin na mag-alala para sa'yo at sa kalusugan mo,"

"Huwag mo na akong alalahanin pa,"

Lumapit ito sa kanya at marahang  sinalat ng kanyang noo pagkatapos ay hinagkan siya nito mula roon pababa sa kanyang ilong hanggang sa kanyang mga labi.

" I have a right to worry about you, sweetheart, it is my job." Malamlam ang pagakaktitig na wika nito na naging dahilan upang salakayin muli ng kaba ang dibdib niya. "anyways, ininit ko na ang mga hinanda ko kanina, gumawa rin ako ng paborito mong soup," dagdag na saad ni Arnold bago  nito muling sakupin ang mga labi niya.

Gusto niyang tumanggi, magalit, masuklam, itulak ito at murahin pero hindi niya magawang isatinig at gawin ang nais ng utak niya. Sa halip ay kusang tinugon ng mga labi niya ang mga halik  ng binata.

Que horror! Nadala na naman siya sa sarap ng mga halik ni Arnold. Bumilis na  naman ang kabog ng kanyang dibdib.

"Wait for me here, babe, I'll just get your food." Muli ay mabilis nitong pinaglapat ang kanilang mga labi bago ito lumabas ng silid.

Nadadarang na naman siya sa tamis ng mga pinagsasabi ng binata. Hindi tuloy niya maiwasang huwag itanong sa sarili kung talagang mahalaga at importante siya sa buhay nito upang isipan pa nito ang kalusugan niya.

"Siyempre pa, dahil kailangan siya ni Arnold sa pangangailangan nito bilang isang lalaki. Wala namang ibang babae sa loob ng yate na namagiging parausan nito maliban sa kanya hindi ba?"

Kumislot ang sakit sa dibdib niya sa pakaisipin ang tungkol sa katotohanang iyon.  At bakit hindi? Normal lang para sa isang katulad nito ang magsinungaling at magpanggap. Kung ang namayapa niyang kapatid ay nahulog sa matamis at mabulaklak nitong dila may posibilidad din na mangyari iyon sa kanya. Pero tinitiyak niyang hindi siya mahuhulog at magpapaniwala rito. At ang damdamin nararamdaman niya para sa binata ay pang karaniwang lamang sa isang normal na babaeng kaparis niya. Ngunit bakit iba yata ang dinidikta ng puso niya sa sinasabi ng isip niya?

May dala nang tray ng pagkain si Arnold pagbalik nito ng silid. Nakapaskil din ang matamis na ngiti sa mga labi ng lalaki habang hindi pinuputol ang pagkakatitig sa maganda niyang mukha.

"Dinner for the queen of my life." anunsiyong bigkas nito na nilapag sa side table ng kama ang dalang pagkain.

"My queen your ass!" sagot ng isip niya.

"I want you to eat all of this, baby. Gusto kong lumakas ka para mabilis kang gumaling."

"Para ano? Para makatalik mo na naman mamaya?"

"Hindi ka nag-agahan at tanghalian ngayong araw kaya kailangan marami kang makain ngayon." Dagdag pa ng binata habang naglalagay  ng kanin at ulam sa pinggang niya.

"Ikaw, hindi ka ba kakain?"

"Nah, I'm fine, don't worry about me."

Of course, she's not worried about his health sana nga ay mamatay na ito para hindi na madungisan pa ng dugo nito ang mga kamay niya. 

A LOVE TO KILL (18+) UNEDITEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon