8

5.4K 144 7
                                    

Inayos ni Arnold ang kama upang makapagpahinga na siya. Halos wala na rin pasidlan ang sayang namamahay sa dibdib niya dahil ipinapakitang kabaitan ng lalaki. Higit pa riyan ay hindi siya makadama ng peligro sa presensiya ni Arnold.

"Sweet dreams, sweetheart," anitong kinumutan siya.

"Good night Arnold,"

Ginantihan niya ng matamis na ngiti ang lalaki kahit ang totoo ay ayaw pa sana niyang matulog dahil gusto pa niya itong makasama, makatabi at makausap tungkol sa mga bagay-bagay.

Hindi rin niya maikakaila na gusto niyang makatabi sa pagtulog ang lalaki. Nais niyang malanghap ang mabango at lalaking amoy nito, ang magpakulong sa matigas at malapad nitong dibdib sa buong magdamag.

Oh my! Ano ba itong naiisip ko? Stop it Elizabeth or whatever your name is! You should be thankful dahil mabait si Arnold and he's not taking advantage of you sa pagkakaroon mo ng partial amnesia! Kastigong aniya sa sarili.

"Umm...A-Arnold, p-puwede ka naman matulog dito sa kama eh, malaki naman ito," kagat ang ibabang labi at hindi nakatiis na turan niya.

Hindi man magsalita ang binata batid niyang nahihirapan ito sa pagkakahiga sa mahabang sofa na naroroon. Alam niyang nakakaramdam na rin ito ng pananakit ng likod dahil sa discomfort doon.

Natural malaki at matangkad itong tao kaya hindi man ito umiimik alam niyang nahihirapan itong matulog doon. Napaka-inconsiderate naman niya kung ipagdadamot niya rito ang kama gayun ito naman ang talaga ang totoong may-ari.

Oh gosh! Malaki at mahaba rin kaya ang....? My goodness! Elizabeth hayan ka na naman! Tigilan mo nga iyang kahalayan ng utak mo! For heaven's sake! Haist! Stop it! Muling saway ng niya sa munting tinig sa isip niya.

Eh, bakit  ba totoo naman iyon, ito dapat ang nakahiga sa malambot at king size bed at hindi siya. Pero ito siya at kung anu-ano ang naiisip niyang kaberdehan.

"I'm fine, don't mind me," nakangiting ani Arnold na naglakad palayo sa kama.

Kailangan gawin iyon ni Arnold bago pa ito itulak ng demonyo pahiga sa tabi ni Elizabeth.

Hindi ito puwedeng matulog kasama ang dalaga sapagkat baka makagawa pa ito ng ikakagalit ni Elizabeth.

Hell! How he wish to sleep with her but heck 'cause he can't! Sa kadahilanang hindi ito sigurado kung hanggang kailan  mapapaninindigan sa sarili na huwag angkinin ang babae kapag tuluyang magkadikit ang kanilang mga katawan.

Magsasalita pa sana si Elizabeth nang muling marinig ang boses ni Arnold. "Go to sleep, sweetheart, I'm really fine." He added. Trying to console his screaming shaft inside his pants. Fuck!

Gustong, magwelga ng puso ni Elizabeth dahil tinanggihan ni Arnold ang pagmamagandang loob niya na tila may nakakahawala siyang sakit kaya't ayaw nitong matulog katabi siya.

Naging mailap sa kanya ang antok sapagkat okupado ni Arnold ang isipan niya at naglalaro sa kaniyang mga mata ang imahe ng lalaki. Sa maikling panahong pagkakakilala niya rito ay nakasisiguro siya ng mabait ito.  Mabilis din niyang naisaulo ang angulo ng binata mula ulo hanggang paa. Niyakap niya ng mahigpit ang unan at ipinikit ang mga mata.

"Ano nga kaya ang pakiramdam na matulog katabi ang lalaki? Ang muling madama ang init ng katawan nito? Malasahan ang pulang mga labi at madama sa loob niya ang pagkalalaki nito? Oh Shit! Go to sleep Elizabeth!" Asik niya sa sarili.

Samantala katulad ni Elizabeth ay nakamata pa rin si Arnold. Naakit na rin tabihan ang babae pero abot-abot ang pagpipigil sarili. Walang humpay din ang pagwawala ng kanyang kaselanan.

A LOVE TO KILL (18+) UNEDITEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon