7

5K 137 6
                                    

Kaagad na napako ang mga mata ni Arnold kay Elizabeth paglabas nito mula sa banyo. Nakapaskil ang matamis na ngiti sa mga labi ng babae. Wala siyang maipintas sa dalaga kahit saan mang angulo niya ito tingnan, napakaganda pa nito na binagayan ng makinis at maamong mukha.

Ngumiti siya dito at hinila ang silya. "Have a seat, Elizabeth, " He said in a masculine tone na siyang nagpakaba ng husto sa dibdib ng dalaga.

Nginitian niya ang binata sa kabila ng pagkakarera ng libo-libong stalyon sa loob ng dibdib niya pagkatapos ay tumalimang naupo sa harap ng lalaki.

Si Arnold na rin ang naglagay ng pagkain sa pinggan niya kulang na lamang ay subuan siya nito. Asikasong-asikaso siya nito na tila isang asawa. Wait! What? Asawa agad? Pasimpleng umiling so Elizabeth upang huwag bigyan ng malisya ang kabutihan ng lalaki. Nagpapasalamat siya at ito ang nakakita sa kanya. Tatanawin niyang malaking utang na loob ang pagtulong nito sa kanya.

Pakiramdam ni Elizabeth ay isa siyang prinsesa na pinagsisilbihan ng kaniyang prinsipe. Pinaunlakan din niya ang pagsubo nito sa kanya na labis na kinalulugod ng puso niya dahil sa pag-aasekaso ni Arnold sa kanya.

Panatag siya kapag nasa tabi niya ito. Pakiramdam din niya ay ligtas siya kasama ang lalaking kasalo niya ngayon sa hapunan.

"Open up?" Si Arnold.

"I'm full."

"Ah...ah...not yet, sweetheart, kailangan mong kumain ng marami para manumbalik ang lakas mo," nakangiting sagot ni Arnold ibinuka pa ang bibig para gayahin ng dalaga.

Noon lang din siya naparami sa pagkain, mula nang maghiwalay sila ni Elsie. Not just because he's still affected sa hiwalayan nila ng dating nobya. It just merely because naging tanga siya nang ibigin niya ang babae. Inaamin din niya na masyado siyang nasaktan dahil ipinagpalit siya nito sa ibang lalaki.

Walang nagawa ang dalaga kung hindi tanggapin ang subo ng binata. "Tama na, baka masubrahan pa ako nito eh," natatawang aniya.

"I just want to make sure na nakakain ka ng tama, sweetheart," saad ni Arnold. Hinawakan ang kamay ng dalaga at bahagyang pinisil.

Napatingin doon si Elizabeth kung kanina'y nagpipiyesta at nagkakahahabulan ang mga kabayo sa dibdib niya ngayon naman ay sumasalakay ang bilyong maiingay na mga bubuyog sa bilis ng kabog at pintig ng puso niya.

"S-salamat, Arnold," She blushed sa klase ng mga titig nito sa kaniya.

"Huwag kang mag-alala hanggat nasa poder kita, hindi kita pababayaan," totoo iyon proprotektahan niya ang dalaga habang hindi pa nanunumbalik ang mga alala nito.

"A-Arnold?"

"Hmmm?

"Maraming salamat sa pagsagip mo sa akin, marahil kung hindi mo ako tinulongan b-baka patay na ako ngayon at pinagpisyestahan ng mga pating. Utang ko sa'yo ang buhay ko," Sinserong pasasalamat ng dalaga habang nangingilid ang mga luha sa magkabilang sulok ng mga mata.

Humigpit ang pagkakahawak ni Arnold sa kamay niya't muling pinisil.

"Hush...kahit sino naman ang makakakita sa'yo sa ganoong sitwasyon ay hindi mag-aatubiling tulungan ka. And I'm glad dahil ako ang unang nakatagpo sa'yo,"

"S-salamat pa rin," Hindi na niya napigilan na huwag maglandas ang mga luha sa labis na kaligayahan.

Pinahid ng binata ang mga luhang iyon gamit ang hinalalaki ng kamay nito. "Hindi ko tatanggapin ang pasasalamat mo kung iiyak ka," malambing nitong sagot. Hinaplos ang maamong mukha ni Elizabeth.

"Stop crying, baby, let's not spoil this evening, okay?"he smiled at her.

That's weird! This is not what he wanted to be happen. Naglalayag siya upang makalimot dulot ng naunsiyaming relasyon. Pero heto siya ngayon nag-aalala para sa kapakanan ng estrangherang babae at higit nakapagtataka ay nagugustuhan niya ang mga nagyayari.

Pinagtulongan nila ang mga hugasan. At dahil maliit lang ang kusina sa loob ng yate ay hindi maiwasan na hindi sila magdikit ang kanilang mga katawan.

Pakiwari ni Elizabeth ay tila siya mapapaso sa tuwing nagkakadikit ang kanilang mga mga balat. Pakiramdam niya'y bulta-bultahing kuryente ang dumadaloy sa kaniyang mga ugat sa tuwing titigan siya at ngingitian ng binata pero kaagad niyang sinasaway ang banyagang damdaming lumulukob sa kanya.

Hinahanap ng mga mata ni Arnold si Elizabeth. Pagkatapos kasi nilang hugasan ang kanilang pinagkainan ay pinagpahinga na niya ang dalaga.

Lumabas siya ng silid upang hanapin ito hindi na naman siya nabigo dahil natanaw niya itong nakaupo at nakatingala sa mga bituin sa kalawakan.

"Do you know why the stars glittering and shinning like that?" Pagdaka'y wika ni Arnold.

Dahil sa pagkaingganiyong pagmasdan ang mga bituin sa kalangitan ay hindi na namalayan ni Elizabeth ang presensiya ni Arnold.

"I don't have an idea, do you know why?" kay lapad ng mga ngiting tugon ni Elizabeth. Tiningala ang guwapong binata. Hayon naman ang 'di maipaliwanag na kaba sa dibdib niya.

Bakit ba siya kinakabahan ng ganito sa tuwing napapalapit siya sa lalaking ito? Iyon ba ay Dahil guwapo at mabait ito sa kanya? anang munting tinig sa utak niya

Umupo si Arnold bago sinagot ang dalaga. "There's simple reason for that, sweetheart," Ngumiti ito at tumambad na naman sa kaniya ang mapuputi at pantay-pantay nitong mga ngipen.

Gosh! Ang guwapo talaga eh! "Ahm...what's the reason, then?"aniyang tiniris ang anumang sumasagi sa kanyang diwa.

"Nagpapaligsahan sila at nagpapatagisan kung sino ang higit na matingkad ang ningning,"

Umarko ang kilay ng dalaga? "At bakit naman sila nagpapaligsahan?" Inosente niyang tanong.

"Dahil nakamasid sa kanila ang isang magandang binibini and they're trying to capture your eyes to stay looking up there.... and I'm jealous because of that," walangpatumpik-tumpik na sagot ni Arnold that made her heart hammered inside her chest.

What did he say? He's jealous? Is he kidding her? At bakit naman ito magseselos sa mga bituin sa kalawakan? Oh my!

Alam niyang nagbibiro lang binata sa tinurang nito pero pakiwari niya'y hinaplos ni kupido ang puso niya, ramdam niya ang biglang pag-init ng magkabila niyang pisngi. Hindi agad makaapuhap ng isasagot sa binata.

"And if we base on the myths, people in Eastern asia believe that the hazy band of the stars was the silvery river of heaven. In one story, the star Altair and Vega were said to be two lovers who were allowed to meet only once a year on the day of the seventh month, when the flock of magpies and crows formed a bridge over the galactic river. But for me I won't allow my self to see you in just only once in a year. It'll definitely kill me." Seryuso at namumugay ang mga matang lintaniya ni Arnold. Na ikinalingon dito ng dalaga.

Yes, indeed, may amnesia siya but she still remembered the month and current years. Ang hindi lang niya matandaan ay ang pangalan niya at ang nangyari sa kaniya bago siya natagpuan ng binata.

She definitely rememered the myths from the greek and egypt about stars pero ang huling binitiwan ni Arnold ay hindi na sakop ng kaniyang kaalaman. Tanging ang puso lamang niya ang makakapagbigay ng tamang kasagutan doon. And that's makes her feel so nervous.

Subrang kinikilig ang puso niya!

Nagtama ang kanilang mga mata. Tila may nais ipahayag ang kislap ng mga iyon. Ngunit ayaw niyang magbigay ng anumang konklusiyon doon. Pagdaka'y hinubad nito ang jacket at nilagay sa likod ng dalaga.

"Lumalamig na, I think dapat ka na rin magpahinga." Aniyang nagpatiuna nang tumayo. "May natanaw akong isla malapit dito, mamasyal tayo roon bukas," malapad ang mga ngiting sabi ng binata na inilahad ang palad upang alalayang makatayo ang babae.

Nakaramdam ng excitement ang dalaga sa sinabing iyon ni Arnold. Tinanggap ang palad nito.

A LOVE TO KILL (18+) UNEDITEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon