Chapter 6 (Rocket)

4K 49 1
                                    

Nasa loob ako ng isang bar ngayon kung saan inaya ako ng dati kong kabanda na manuod sa kanila at mabibigay din daw sya sa aking mapagkakakitaan.

Wala eh si daddy kasi eh pinilit nya ko maghanap ng pera sa sarili kong paraan.

Kaya heto ako ngayon .. basta pera..

Basta para sa luho at bisyo ko..

Desperado na ako. Kahit ano pa yan susu-ungin ko.

Habang nanunuod sa tropa kong natugtog sa stage.

Hindi ko maiwasan na hindi mapatingin sa 2 babae na hindi kalayuan sa kinauupuan ko na may kasamang ilang lalake na mukang mga t@-nga.

Parehong maganda.

Sexy at mukang masarap.

..

Ang kaso wala sa utak ko ngayon ang mangbabae.

Pera muna..

Yan ang kailangan ko..

Yung ipangsusuporta ko sa bisyo at sa luho ko ang mas higit kong kailangan ngayon.

Tsaka alam ko naman .. sa panahon ngayon .. wala kang pera.. wala kang babae.

..

Natapos tumugtog ang banda ng kaibigan ko..

Ayos din para sa isang bandang gumagawa na ng pangalan sa industriya ng musika.

..

Nakita kong papunta na sa akin ang kabanda ko..

Sya nga pala si Lui.

Ang tangi at katangi tanging naiwan sa pagbabanda.

Kasi ako.. at yung iba pang kabanda namin nuon ay tumiwalag na at nagkaroon ng kanya kanyang buhay..

Sabagay mahal talaga nya ang pagtugtog..

Akalain mong sumisikat na sila ngayon ng bago nyang banda.

Binati ko sya sa pamamagitan ng fistbumb.

"Ayos pare walang pinagbago sa pagtugtog ha.. magaling parin" puri ko

"Haha kaw lang eh kung nagpatuloy tayo dati malamang matagal na tayong sikat." Sagot nya.

"Wala ehh.. tingin ko pinasyalan lang ako ng musika.. ng pagbabanda.. lam mo na hindi para sa akin yan.."

"Sabagay siguro nga..kamusta na nga pala si francis at charles?" Tanong sa akin ni Lui

Hindi man nakalinya si Charles at francis sa musika matatagal na din kaming magtotropa ..

Si Lui ang naging pinakamalapit sa akin sa banda namin nuon..

Na mapaghanggang ngayon kahit may kanya kanya nang buhay ay nagdadamayan pa din.

"Ok lang.. medyo di muna kami gaanong nagkikita ngayon eh.." sagot ko.

Tumango lang sya..

Binago ko na ang usapan..

Direktahan na.. sa kung ano ba talaga ang sadya ko sa kanya...

"Pare alam mo naman yung pinunta ko dito diba.?" Sabi ko.

"Oo nga ehh.. tsk saklap nga yan tol.. tara pagusapan natin sa labas. Medyo hindi magandang marinig ng iba."

Sa sagot nya.. medyo nag alangan ako pero nandito na ko..

Kailangan ko lang talaga ng pera.
.

...
Tumungo kami sa isang gilid ng bar..

May kaunting tao pero siguradong walang pakealam sa paguusap namin.

I am a PLAYBOY (SPG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon