Chapter 4 (The New Kid in Town)

8.7K 78 5
                                    

 

Gabi..

Naglalakad ako ngayon sa isang parking lot sa mall papunta sa kotse ko habang ka holding hands ang isa sa mga babae ko ..

Si Katrice .. Isang babaeng wala lang sa buhay ko kundi isa sa mga koleksyon na ngayong gabi ko itatapon ..

Bumili kami ng regalo para sa isang tropang may birthday na nagpa house party sa kanila ..

Nagtatawanan pa kami habang naguusap ni Katrice

..

Biglang may mahinang tumulak sa likod ko sabay banat ng “Huy lalake!”

..

Kunot noo akong lumingon sabay sabi ng “Pu-tek”

Pagharap ko si Hanna pala ..

..

“Oh anong ginagawa mo dito?” tanong ko

“Kasama ko si Gerd nanuod lang kami ng sine., ikaw san punta?” tanong din ni Hanna

Bago ako sumagot nakita ko si Gerd na pasunod sa kanya

Tinignan naman ni Hanna ang kasama kong babae pero hindi na sya nagtanong dahil alam naman nyang isa yun sa mga babae ko ..

Nang makalapit sa amin ang boyfriend ni Hanna , Tinanguan ko lang sya ..saka ako sumagot sa tanong nya ..

..

“May party kila Francis .. birthday nya eh sama ka?”

“Hindi na pagod na din ako eh magpapahatid na lang ako kay Gerd ..”

“o sige ..”

“O sya sige ingat na lang”

“Ingat din “

..

Saka na sila umalis dalawa patungo naman sa kotse ni Gerd ..

Pinagmasdan ko sila ..

Nakayakap pa si Hanna kay Gerd habang naglalakad sila ..

Halatang mahal na mahal nila yung isat isa ..

Kumbaga seryoso na ..

Napa-iling ako ..

Wala sa bokabularyo ko ang magseryo ..

Hindi na .. Kahit kailan ..

..

Sumakay na kami ni Katrice sa kotse at umalis na din ..

Habang nagmamaneho ako saka nagusisa si Katrice tungkol kay Hanna

“Sino yun? One of your girls?”

“Hindi , kaibigan ko yun..”

“ow?”

Hindi kami talo..”

“Haha may hindi ba sayo talo? Infairness maganda sya .. kayang kaya mo yun agawin sa boyfriend nya ..ikaw pa? “

“Wala akong balak .. Parang kapatid ko lang yun..”

“Ow come on Jin .. Para naman hindi kita kilala..”

“Lalake din ang tingin ko sa kanya eh ..”

“Haha ang sama mo! Ang ganda nya kaya?”

“Alam mo walang patutunguhan yang mga tanong mo”

Nakaka-attract talaga si Hanna Kung tutuusin .. Maganda sya kahit katangkaran.. Pero kasama ko na sya mula pagakabata .. Hindi kami nagtuturingan na mag bestfriend .. tipikal na magkababata lang talaga kami .. Kumbaga close pero hindi ganun ka katibay yung samahan namin .. Pero kahit ganun …

I am a PLAYBOY (SPG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon