So eto na nga ko...Nakakabawi na sa pagkalugmok..
Unti unti naibalik ko ang yaman ko..
Medyo proud ako sa sarili ko kasi sa sarili kong mga paa naitaguyod yung pinagkukuhanan ko ng pera ko ngayon..
Pero syempre medyo disappointed din dahil alam kong sa maling paraan..
Anong magagawa ko?
Eto ang pinaka mabilis na paraan para magkapera ako..
Ano man ang isipin ko.. Ang mahalaga pa din may pera na ulit ako..
Ilang buwan na din ang lumipas mula nung mag umpisa ako sa pagbebenta ng shabu..
Ang guess what.. Nag level up pa..
Ibat ibang klase na din ng droga ang binebenta ko ngayon..
At dahil dyan.. Milyonaryo na ulit ako..
Pero para na rin sa seguridad ng buhay ko pinanatili ko lang low profile ang sarili ko..
Although nakabili na ko ng sariling bahay kung saan din nakatira pa din si Sara.. At may tig isa na kaming kotse..
Kumbaga medyo pa humble lang konte yung pamumuhay namin..
...
Naka upo lang ako sa seawall habang nakatitig sa dagat sa hindi pa naman malalim na gabi ..
May hawak na lata ng softdrink..
Ninanamnam ang hangin ..
Nirerelax ang sarili at pilit tumatakas sa totoong mundo na meron ako...
Palingon lingon sa mga tao na namamasyal din ...
Iniisip ko na sino kaya sa kanila ang kagaya kong nagtatago sa reyalidad..
Binato ko ang lata sa dagat ng maubos ko na..
"Kamusta malalim yata iniisip mo?"
Lumingon ako sa nagsalita.
Hindi naman ako makapaniwala..
Ang dahilan kung bakit nangyayari sa akin lahat ng kamalasan na to..
Ang taong naging dahilan kung bakit ako kriminal ngayon sa pagbebenta ng drugs.
Ang dahilan kung bakit miserable ang buhay ko..
Si Angel..
At naglakas loob pa talaga syang kausapin at lapitan ako sa kabila mg lahat..
Pero.. naisip ko na din nuon pa..
Bago lahat ng nangyayari sa akin dati na akong lugmok..
Dati na akong walang kwenta
Dati na akong rebelde..
Dati na akong adik..
...
Di ko alam ano isasagot ko ...
Nauutal ako..
Di ako makakilos
Gusto kong bigla na lang maglaho
Na sana ilusyon lang o panaginip lang yung tagpong ito ngayon
Pero hindi naman ako makakatakas sa totoong nangyayari..
Ngayon muli sa buhay ko nakaramdam ako ng kaba ng dahil sa isang babae..
"I...ikaw..." nauutal kong sagot
"Wala ng iba...ako nga yung muntik mo nang patayin" nakangisi nyang sagot
Napalunok na lang ako at hindi nagsalita na nakatitig lang sa kanya