Chapter III: Interdit Garden

0 0 0
                                    

Tumingin ako sa wrist watch ko, 15 minutes na ang nakaraan pero hindi parin ako makatsempo sa pagtakas.

Nakarating na kaya si Pen sa garden? Sana naman okay lang siya.

"Okay, class dismissed" sambit ng prof.

Madali akong nag-ayos ng gamit at lumabas para puntahan yung garden na sinasabi ni Kazea.

Tumakbo agad ako papunta sa Interdit Garden. Pagkarating ko doon nakita ko si Pen na nasa loob ng isang snare, umiiyak at may sugat sa legs pati sa gilid ng kanyang labi.

I ran towards the trap to help her get out of it.

"Pen! Si Kazea ba ang gumawa nito sayo?!" I asked while cutting the rope.

"Ye-yes, pinagtulungan ni-nila ak-ako Frey" she's crying so hard kaya napayakap siya sa akin as soon as natanggal ko yung snare na nakabalot sa kanya.

"I'm sorry, Pen. Dapat hindi kita hinayaang pumunta mag-isa dito." Niyakap ko siya ng mahigpit. "Come on! Igaganti kita!" I grabbed her hand and walked away.

"No Frey! Mas lalong lalala kapag pinatulan pa natin sila" She pulled her hand.

"But why?! After what they did to you?! Look at yourself! Puno ka ng sugat!" Sumisigaw na ako sa galit ko.

"Binantaan nila ako Frey, hindi nila ako titigilan kapag nagsumbong tayo!" I looked at her face, takot na takot siya.

"I don't care! No one can ever do this you!"

"JUST LISTEN TO ME FREANNE!" Yayakapin ko na sana siya pero bigla siyang tumakbo palabas ng garden.

Naglakad ako palabas at dumiretso sa restroom. Hindi ko alam kung anong nangyayari kay Pen, naiinis ako sa sarili ko dahil hinayaan ko siyang mag-isang pumunta doon. Kasalanan ko 'to.

Habang iniisip ko 'yon at naghuhugas ako ng kamay, may tatlong babae akong narinig na tumatawa papasok sa restroom, kilala ko yung boses na 'yon. Si Kazea! Pumasok ako sa isang cubicle para magtago.

"Did you see her face? Puno ng sugat pati yung legs niya" narining kong sabi ni Kazea habang natatawa siya.

"Yeah right? Ayan kasi! Pakialamera! Siya tuloy yung na-trap!" rinig kong sabi ng kasama niya.

"Poor girl. I'm sure magsusumbong 'yon sa kaibigan niya!" sabi ng isa pa niyang kasama.

"I don't think so.. Alam niya ang mangyayari sa kanila kapag nagsumbong siya" sunod na sabi ni Kazea.

Nanggigigil ako sa naririnig ko!

Kumuha ako ng tubig galing sa toilet bowl at lumabas ng cubicle at ibinuhos sa kanila.

"Wag na wag na ninyong hahawakan at sasaktan ang kaibigan ko! Hindi ako natatakot sainyo!" Nagsigawan sila at lumabas agad ako ng restroom para hanapin si Pen.


DEAN:
"Calling the attention of Freanne Akisha Agustin and Penelope Cilynn Razon please proceed to the guidance office, thank you."

Wait! What's going on?

Hinanap ko si Pen para sabay na kaming pumunta doon pero hindi ko siya makita.

Siguro nauna na siya.

I went directly to the Guidance Office.

Nandito na ako sa harap ng office, kinakabahan at napapaisip, kakatok na sana ako pero bigla itong bumukas.

Nakita ko agad ang Dean, Guidance Councilor at si Pen na sugatan pero mukhang nalinis na niya, nag-greet ako sa kanila. Umupo ako upuan na nasa harap ni Pen at tinanong sakanila kung ano ang nangyayari.

"Ms. Agustin, you and Ms. Razon disobeyed a rule" Sabi ng Dean na ikinagulat ko naman.

Tumingin ako kay Pen na parang nanggigigil siya.

"B-but ma'am, ano po bang ginawa namin?" I asked.

"We saw a footage of you na lumabas galing sa Interdet Garden, and you are not allowed to go there, you are aware of that right?" diin ng Guidance Counselor sa akin.

"Pero bakit kaming dalawa lang?" tanong ko sa kanila

"Dahil kayo lang ang nakitang pumasok at lumabas doon Freanne!" biglang sabi ng Counselor.

"Calm yourself Mr. Agustin" pagkalma ng Dean sa Counselor

"Wait what?!" gulat at pagtatakang tanong ko.

"Frey, I saw the footage at totoong tayo lang ang nanggaling dun" naiiyak na sabi ni Pen.

"So, Ma'am. Ano pong mangyayari? Tatanggalin niyo po ba kami sa school?" tanong ko sa Dean.

"No, I'm just giving you a 3-day suspension and you will be assigned to clean the library for a week after your suspension" Wala akong nagawa so I just nodded.

Lumabas na kami ng office at hindi na ako pinapansin ni Pen.

"Pen! Ano bang nangyari?! Bakit tayo lang ang nakita sa footage?! Magsabi ka sa akin!" pangungulit ko sa kanya.

"Frey, let's not talk about this. Gusto ko ng magpahinga umuwi na tayo" mas lalong wala akong nagawa.

"Tara na ihahatid na kita" tumango lang siya

"Wait. Ilalagay ko lang yung books ko sa locker" sabi nito.

"Okay, I'll wait for you sa labas ng gate, I'll just get the car" paalam ko sa kanya at tumango lang ulit siya.

We Are Not Meant To BeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon