Aemie's PoV
Pagkababa naming dalawa ni Mikazuki ng taxi ay hinila ko siya kaagad papunta sa kusina para sa back door kami dumaan. Hindi naman kasi ako nagpaalam kay Zeke kanina kaya baka mapagalitan niya kaming dalawa ni Mikazuki.
"Dito na tayo sa likod dumaan ah? Sira kasi 'yong main door," palusot ko.
"Sige po," nakangiting sagot niya.
I'm a Barbie girl in a Barbie world~
Tumingin sa 'kin si Mikazuki nang mag-ring ang cellphone ko. Oh my god! Bakit ba nakalimutan kong i-silent 'tong phone. Baka malaman ni Zeke na...
Zeke calling...
Eh? Bakit kaya?
"Dong!"
[Wife, where are you?]
"Huh? Nasa bahay. Bakit, ikaw nasaan ka?"
[Just checking. I will be back before dinner. I love you.]
Yes! Matagal pa bago bumalik si Zeke!
"Mas mahal kita! Sige! Kahit bukas ka pa bumalik, Dong, okay na okay lang! Promise. Walang makaka-miss sa 'yo!" excited na sagot ko. Pwede ko kasing i-invite si Mikazuki na mag-sleepover dito sa bahay kapag wala si Zeke. Masaya 'yon for sure.
[What the fvck?]
Hala! Nagalit ba si Zeke? "Joki-joki lang, Dong. Oh sige na, ba-bye na. Baka busy ka. Magpagabi ka ha? 'Yong gabing-gabi!
[What the―]
"Bye! I love you!" Ibinaba ko na kaagad ang phone bago pa makasagot at makaangal si Zeke.
"Ang sweet niyo po pala ni Tito Ezekiel 'no?" nakangiting sabi ni Mikazuki sa 'kin.
Sweet ba 'yon? Parang hindi naman. Pilit akong ngumiti para hindi siya mapahiya sa sinasabi niya.
"Tara na sa loob." Hinawakan ko ulit ang kamay ni Mikazuki at hinila papunta sa main door. Wala naman pala si Zeke kaya pwede kaming dumaan dito.
"Akala ko po sira ang main door?" tanong niya no'ng nasa tapat na kami ng main door.
"Ah, naalala kong naipagawa na pala namin 'yan kahapon," palusot ko ulit.
Pagkapasok naming dalawa ng bahay ay dumiretso siya sa mahabang table na puno ng picture frames. "Kayo lang po ba ang tao rito sa bahay?" tanong niya.
"Ahm, may mga kasama kami sa bahay, saka guards. Pero ayaw kasi no'ng mga anak naming nakikita sila. Lalo na si Katana. Hindi siya komportableng may ibang tao kaya madalas ay hindi mo makikita ang mga kasama namin sa bahay. Nasa kwarto lang nila sila kapag walang gawaing bahay at kapag nandito kami."
"Ah gano'n po ba?"
Ibinalik ni Mikazuki ang tingin niya sa mga picture frames kaya lumapit ako sa kanya para makitingin din.
"'Di ba po apat po ang anak niyo? Naikuwento po kasi sa 'kin ni Trigger no'ng nanood kami ng movie." Oh my god! Ikinuwento sa kanya ni Trigger? Hay! Itong si Trigger talaga! Nahahawa na sa Tito Sebastian niya. Napakatsismoso.
"Ah naikuwento pala sa 'yo ni Trigger," sagot ko. "Huwag na nating pag-usapan 'yon. Ang totoo niyan, malaki ang kasalanan ko sa kuya nila kaya..." Tumungo ako dahil nararamdaman ko na namang nag-uunahan ang mga luha ko sa mata. "...ayoko na sanang pag-usapan ang tungkol doon," pagpapatuloy ko.
"Pasensya na po," sagot ni Mikazuki. Pinunasan ko ang luha ko dahil hindi ko talaga mapigilang hindi mapaiyak tuwing maiisip ko na kung hindi ko lang sana pinabayaan si Bullet noon, hindi sana siya mawawala at makukuha ni Terrence Von Knight.
BINABASA MO ANG
My Husband is a Mafia Boss (Season 3)
ActionMikazuki convinces Bullet to meet his birth parents after being taken away by the former leader of the most powerful mafia group, Black Organization, for twenty-five years. But what if she later learns that their real families are in fact mortal ene...
Wattpad Original
Mayroong 10 pang mga libreng parte