Mikazuki's PoV
"Bride's maid?" Ngumiti na lang ako nang maalala ko ang mga sinabi ni Lovelle kanina at itinuloy ang pagkalabit ng gatilyo ng baril. Nandito ako sa isang malawak na field na binili namin ni Bullet two years ago para gawing target shooting field.
(6 hours ago)
Sumaglit ako sa bahay para kumuha ng ilang damit at gamit na dadalhin ko sa hotel. Paninindigan ko na ang pagtigil sa hotel nang sa gano'n ay hindi ko makasama lagi si Lovelle.
At sa pangalawang pagkakataon, nadatnan kong magkasama si Roswell at Lovelle sa living room. Nakatingin silang dalawa sa isang magazine. Tapos, may isang babae silang kasama.
"Mika-chan, bagay ba sa 'kin ang wedding gown na 'to?" Iniharap niya sa 'kin ang magazine na hawak niya habang nakaturo ang daliri niya sa isa sa mga gowns.
Agad-agad ba ang kasal nilang dalawa? Hindi ba parang masyado naman yatang mabilis?
Tiningnan ko si Bullet who's also looking at me. "Bakit? Kailan ba ang kasal niyo?" tanong ko sa kanilang dalawa.
"After six months pa naman, Mika-chan. Bride's maid ka ha," nakangiting sagot ni Lovelle at saka lumapit sa 'kin.
"Halika, tulungan mo kaming maghanap ng designs." Hinila niya ako at pinaupo sa tabi ni Roswell kaya napagigitnaan naming dalawa si Roswell. "Tingnan mo 'to. Bagay na bagay sa 'kin 'to 'di ba?" tanong niya habang nakatingin sa panibagong gown.
"Pangit," sagot ko. Tiningnan ako nang masama ni Roswell kaya tiningnan ko rin siya nang masama. "Pangit naman talaga eh."
"Tss."
Dinampot ko ang isang magazine sa ibabaw ng center table. Magazine naman ito ng mga cake. At wow! Ang sasarap naman tingnan ng mga cakes. "'Yong mga cakes lang ba na nandito ang pwedeng pagpilian?" tanong ko sa babae sa tapat namin.
"Hindi po, Ma'am. Pwede rin po kayong magsabi sa 'min ng design na gusto niyo," sagot sa 'kin n'ong babae. "Ah." Tumango-tango ako at saka inilipat ang pahina ng magazine ng mga cake.
Bigla akong tumawa nang malakas nang may nakita akong wedding cake na Barbie. "Tingnan mo 'to, Roswell, ito na lang kaya?!" natatawang tanong ko.
He glared at me kaya pinakita ko sa wedding organizer nila ang cake. "Maganda naman 'to, 'di ba?" tanong ko sa wedding organizer.
"Opo, Ma'am," nakangiting sagot nito sa 'kin.
"May I see, Mika-chan." Iniabot ko kay Lovelle ang magazine na hawak ko. "Why Barbie? Para naman kaming bata ni Bullet kapag 'yan."
"Ano ka ba, Lovelle, 'yan na ang uso ngayon," biro ko at saka kinuha ulit sa kanya ang magazine.
"Winter kasi ang theme ng kasal namin, Mika-chan, kaya hindi babagay 'yan," sabi niya.
"Bakit naman Winter?" takang tanong ko. Kung ako kasi ang pipili, mas gusto ko ang Spring kaysa Winter dahil maraming cherry blossoms tuwing Spring. Maganda pa dahil parehas silang sa Japan lumaki.
"Maganda lang tingnan dahil white and silver ang combination," sagot ni Lovelle.
"Pwede bang ang gown ko, iba sa motif niyo?" tanong ko.
"Mikazuki," tawag ni Roswell.
"Mas maganda kasi Roswell ang Spring kaysa Winter. 'Di ba mahilig ka rin sa Sakura?" bulong ko sa kanya. Madalas kasi kaming namamasyal noon tuwing sasapit ang Spring. Kakaibang relaxation kasi ang mararamdaman kapag napalilibutan ka ng mga cherry blossoms tree.
"Oh gee! I am almost late sa meeting ko," sabi ni Lovelle habang nakatingin sa wrist watch niya. "Uhm—Mika-chan, pwede bang ikaw na lang muna ang tumulong kay Bullet pumili ng mga kailangan? Kailangan ko kasing i-meet 'yong kausap ko sa business." Kahit napapaisip ako kung sino ang tinutukoy niya ay tumango na lang ako.
BINABASA MO ANG
My Husband is a Mafia Boss (Season 3)
ActionMikazuki convinces Bullet to meet his birth parents after being taken away by the former leader of the most powerful mafia group, Black Organization, for twenty-five years. But what if she later learns that their real families are in fact mortal ene...
Wattpad Original
Mayroong 7 pang mga libreng parte