Phase 1.1: Discovery

640 15 0
                                    

Nakakapagod yung training namin ngayon, kanina ko pa natatamaan yung lalaki na nakaupo sa bleacher. Nakakahiya na talaga sa kanya.

Nung matamaan ulit sya ng bola kinuha nya yun at akmang ibabato kaya pinuntahan ko na sya para kunin yun. Nakatitig lang sya sakin habang naibibigya yun.

"Kuya sorry kanina ka pa namin natatamaan." sabi ko habang sya ay nakatitig pa din sa akin, feeling ko tuloy may dumi ako sa muka eh. Nagwave na lang ako sa muka nya para madistruct ko sya.

"A-ah, o-okay lang. Ako nga pala si Alden." Inabot nya yung kamay nya sakin.

"I'm Maine, sorry ulit ha?" sabay ngumiti ako as if saying please-forgive-me.

Bumalik na ako sa paglalaro.

Gusto kong mas gumaling pa para mapansin ulit ako ni Miguel. Sya lang naman ang dahilan ng lahat ng hard work ko. Sana, sana talaga mapansin nya ulit ako. I miss him...



"Okay guys, pack up na. Nice training." bulyaw samin ni coach. Kaya nagsiligpitan na kami ng gamit. Nakita kong nagligpit na din yung lalaking natatamaan ko ng bola kanina.


"Ate Maine, una na po kami ha? Bye po, ingat" paalam sakin ng teammates ko. Alam kasi nila na hindi ako makakasabay sa kanila.

Sana makita ko si Miguel ngayon, I want to talk to him kahit chit-chat lang. How I miss those ramdom conversations. Dumaan ako sa foodcourt, library, waterstation, laboratory at kahit sa auditorium na alam kong hindi nya naman pinupuntahan nagbabaka sakali lang. Pero katulad padin ng kahapon sawing palad akong uuwi. :(


Hindi ako makatulog ng maayos, lagi naman eh. Lagi kasing puno ang isip ko, mga thoughts and possibilities pagnagkausap ulit kami ni Miguel. Plus yung studies at training ko pa. Ugh! Ang hirap mapunta sa sitwasyon ko.



**

Pagkatapos ng klase ko deretso na ulit ako sa gym. Pagpasok ko sa gym game face na ako, gusto ko ulit mag hard training. Pang palimot pero sya lang naman ang dahilan ng lahat ng ito. Hay nako.. Nakakaluha..

Napansin kong nadito na naman yung lalaki na natamaan ko kahapon, weird ah. Ngayon ko lang kasi sya napagkikikita, well siguro sa isang lalaki lang ako nakatingin dati. Ano ba yan bawat galaw ko ba si Miguel ang maaalala ko?
Aba ka-chikahan pa ni Kim? Siguro close sila, friendly naman kasi yan si Kim kahit sino nakakabatian nya.



Tapos na ang training ko kaya pumunta na ulit ako sa foodcourt, sinisipat ko bawat table. Nakakalungkot mukang wala dito si Miguel. Nakakapanlambot maglakad parang nawawalan na ako ng energy. Teka bakit parang feeling ko may sumusunod sakin? Tumingin ako sa likod para i-check kung may nakasunod, hmm, wala naman kasi may kanya kanyang pinagkakaabalahan ang mga estudyante dito. Bahala na nga sya, pupunta na lang ako sa library. Nagtatyaga akong isa isahin ang bawat table sa library. Ginabi na naman ako sa paghahanap pero wala padin sya. Lumingon ulit ako sa paligid iba kutob ko eh parang may nakamasid, pero ang nakita ko lang eh yung lalaking naghahanap ng libro.

Papalabas na ako ng library pero alert padin ang mata ko baka nadito lang sa paligid si Miguel. Paglingon ko sa may poste, binggo! Nadun sya, nakasandal lang dun at parang nagrerelax. Tumakbo na ako papunta sa kanya, nung malingon sya sa gawi ko bigla syang naglakad ng mabilis.

"Miguel, teka lang" sigaw ko sa kanya pero hindi nya ako pinansin at nagpatuloy lang sa paglalakad. at binilisan ko na ang takbo ko hanggang sa naabutan ko na sya, naiback hug ko sya sobrang higpit ng pagkakayakap ko sa kanya. Pero pumiglas sya sa yakap ko.

"Ano ba? Diba sabi ko sayo ayoko na? Nasasawa na ako." niyakap ko lang sya ulit. Naiharap nya ang sarili nya sakin at....

*plaak* nagulat ako sa ginawa ni Miguel, sinampal nya ako. Biglang umagos ang mga luha ko kaya naglakad na ako ng matulon palayo sa kanya. Hindi ko na tinignan ang dinadaan ko basta ang alam ko lang manhid ako, hindi dahil sa pisikal na sakin kundi dahil sa emosyonal na sakit napinaramdam nya sa akin. Naupo ako sa may waiting shed. Tanaw ko padin si Miguel, pagslip ko sa kanya nagulat ako kasi may sumapak sa kanya, kumaripas naman ng takbo yung lalaki. Hindi ko na nagawang tumayo kasi nanlalambot ako. Humagulgol lang ako ng humagulgol buti na lang gabi na at walang masyadong tao, hindi nila pansin na umiiyak ako.

Siguro nakita nung lalaki yung ginawa sakin kaya naiganti ako, hindi ko alam pero gumaan ng konti yung nararamdaman ko.

Bola v1.1 (Maiden - AlDub)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon