Phase 5.1: Hope

217 3 0
                                    


To Alden: Good Morning! :)

Hindi ko alam kung bakit naitext ko sya. Basta masaya lang ako at alam kong mapapangiti ko sya sa text ko na yun.

Pero nakakainis lang kasi hindi sya nagreply. Itetext ko na lang nga ulit.

To Alden: Alden, let's eat later sa Resto-Grill

From Alden: ok, I'll pick you up later.

Tignan mo ito mas nireplyan pa yung tungkol sa pag kain kesa nung binati ko sya, nakakatampo naman ng konti. Pero keri lang.

Nang patapos na ang klase namin, paglingon ko sa binatana nakita ko nakatambay pala si Alden sa labas. Pasipol sipol pa.

Pagsabi ng "class dismiss" ng Prof namin lumabas na agad ako.

Hindi pa ako napapansin ni Alden kaya sinundot ko sya sa tagiliran. Nung lumingon sya sa'kin hinawakan nya ako sa ulo at ginulo ang buhok ko, medyo naasar ako kayanagmake face na lang ako sa kanya. Humawak na lang ako sa braso nya at naglakad na kami paalis.

"bakit ang cute mo?" out of nowhere tinanong nya yun, ang random lang ng tanong na yun kaya nagpabebe wave na lang ako.

"san tayo? Nadun ang kotse ko ah?" hinihila ko sya papunta sa kotse pero naiguide lang nya ako sa kabilang side.

"sinipag kasi akong magdala ng kotse.... kaya ako ang magiging driver mo ngayon." pinagbukas nya ako ng pinto, wow ang gentleman naman.

"eh pano yung kotse ko?" tanong ko pero sumakay na din ako sa kotse nya.

"balikan na lang natin after." tumakbo na sya papunta sa driver's sit.

Habang nagdra-drive si Alden tahimik lang ako kasi busy pa ako sa pag attack sa CoC, nakakaenjoy kasi talaga maglaro eh. hehehe ^_^V

Until we arrive sa Resto-Grill.

Hinawakan bigla ni Alden ang kamay ko habang naglalakad kami papunta sa vacant seat. Hindi ko naman na yun pinuna baka kasi mahiya sya, and it's okay lang naman sa'kin.

"selfie muna tayo." naisipan kong magselfie while we're waiting for our order.

*CLICK!*

"patingin" hinablot nya bigla sa kamay ko yung cellphone, magnanakaw talaga ito. Ngumiti lang sya nung makita nya yung picture namin. "pasa mo sakin ito ha? I-wawallpaper ko." nanlaki lang ang butas ng ilong ko at dinilaan sya, porque gwapo sya sa picture na yun pinapasa na kaagad.

Kinilig ako nung dumating yung pagkain namin, ang sarap kaya ng food dito kaya ninanamnam ko maigi.

"Bae, say AH!" nag-AH naman sya kaya naisubo ko sa kanya yung pagkain. "sharap no?" tumango lang sya at parang namula ang sarap naman kasi.

"namula ka sa sarap no?" tumango lang sya. Then we started to talk about our childhood memories ang saya lang.

"bye Maine, ingat ka pagdadrive ha?" naikiss ni Alden yung palad nya then nag wave bye sya sakin. Hindi ko nagets kung anong klaseng sign yun, kaya nagpabebe wave na lang ako sa kanya.

Gusto kong umuwi kasi alam ko na may naghihintay sa'kin sa bahay pero bakit parang excited naman akong pumasok kasi alam kong nadun si Alden? I'm so confused.

Pagbaba na pagbaba ko pa lang ng kotse nakita ko na siya sa bench na lagi nya inuupuan. Tumapat lang ako sa kanya at nagwave. Nginitian nya ako then lumapit na sakin, naiside hug ko lang sya. I guess kaya ko ginawa yun kasi masaya lang ako.

Naihatid nya lang ulit ako sa room ko. Pero nung umupo na ako, sinabi na kaagad ng classmate ko na walang klase kaya naglakad lakad muna ako then I found myself na nasa room na nila Alden. Kaso walang tao maitext nga...

To Alden: Where U at? I'm here sa room nyo, walang tao.

Nagreply naman kagad sya, nasa library daw. Ako na lang pupunta sa kanya, para hindi na ako makaabala makikitambay lang naman ako since wala naman ako gagawin.

Naabutan ko syang seryoso sa pagsusukat.

"oy! busyng-busy ka ah?" kinuhit ko sya sa kilikili kaya napatalon sya sagulat.

"medyo, hehehe" napakamot sya sa ulo " san mo gustong pumunta?" tanong nya.

"dito na lang tayo, tapusin mo yang ginagawa mo." nakakahiya makikitambay lang naman talaga ako.

"eh pano ka? baka mabored ka" halata na nag-aalala sya, inuunti unti na din nya iligpit yung mga pens nya.

"I can manage, I'll watch you.. Para may audience ka pag gawa..or if you want--- no I'll help you na lang." naexcite ako sa naisip ko, pinigilan ko sya sa pagliligpit ng pens, then kinuha ko yung ruler at nagsukat na.

Medyo mahirap yung ginagawa namin pero okay lang, may team work kami. Sinasabi ko sa kanya yung sukat then idra-drawing nya.

"pagod ka na ba?" bigla nyang tanong nung pangatlo na yung ginagawa namin, medyo napagod ako pero kaya pa naman kaya ngumiti lang ako. Kinuha nya lang yung ruler at yung copy saken " ako na bahala, panuodin mo na lang ako. Presensya mo lang okay na ako."

Nagpabebe smile lang ako sa sinabi nya kasi hindi ko talaga alam ang irereact ko. Papanuorin ko na lang sya kaya naipatong ko yung kamay ko yung baba ko sa kamay ko.

Nakatulala na lang ako, nang irest nya ung kamay nya sa table nilaro yung strap ng relo nya. Nagulat ako ng pinitik nya yung daliri ko. Natawa sya bigla. Loko sya ah...

Nagpasa lang sya ng plates nya then kumain kami sa McDo. Nagkulitan lang kami habang kumakain, ang saya lang.

Naihatid nya na ako sa kotse ko.

"Gusto talaga kitang ihatid sa bahay nyo. Pwede ba?" kung pwede lang sana pero alam ko na nadun si Miguel.

"ok lang ako." nagpabebe wave lang ako sa kanya.

"ingat ka ha?" nag ganun din sya.

Pagdating ko sa bahay nakikipagkwentuhan si Miguel sa Nanay at Tatay ko. Napatingin sila lahat sa'kin pagkabukas ko ng pinto.

"Miggy, ikaw na bahala kay Maine." naitap ni Tatay yung balikat nya then iniwan kaming dalawa sa sala.

"Maine, please let's get back together."............

Bola v1.1 (Maiden - AlDub)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon