*beep!*
From Miguel: Puntahan kita sa bahay nyo ngayon.
What? Totoo ba ito nagtext si Miguel. Binasa ko sya ulit at tinignan mabuti yung number, kanya nga ito at sya nga ang text. Magpapa easy to get ba ako ngayon? Almost 4 weeks ko syang hinahanap mula nung sinampal nya ako. Nasaktan talaga ako sa ginawa nya, pero nasiyahan ako ngayon kasi nagtext sya. Naguguluhan na talaga ako sa sarili ko. Parang gusto kong makasama si Alden ngayon, I want to share my happiness right now with him. Hindi yung puro lungkot lang ang naishashare ko sa kanya.
To Alden: are u busy?
sana hindi sya busy, minsan lang ako magood vibes kung magpapasama sa kanya.
From Alden: hindi naman y?
To Alden: let's eat sa Jollibee yung malapit sa school :)
Makaalis na nga baka maabutan pa ako ni Miguel sa bahay.
From Alden: anong oras?
To Alden: now na, I'm on my way. I'll wait for u na lang :)
Hindi naman kalayuan yung bahay namin sa Jollibee kaya nakadating agad ako dun. Ano naman kaya ang naisipan ni Miguel at pupuntahan ako sa bahay? Siguro namiss nya ako, thinking about it napapangiti ako.
Habang naguguluhan ako sa thoughts ko napukaw naman ang atensyon ko ng pumasok si Alden sa pinto. Napakaway naman ako agad sa kanya mukang hinahanap ako eh, ang cute talaga nitong lalaking ito.
"kamusta? bakit naisipan mong magyaya dito?" tanong nya agad sakin
"wala lang, I just want to be here with you. Wala kasi akong kasama sa bahay eh nagugutom ako."
Nung sabihin ko yun, napangiti lang sya. Baliw na talaga sya, wala naman kangiti-ngiti sa sinabi ko eh.
"ano?! ngingiti ngiti ka na lang dyan na parang aso? ako na oorder ha bahala ka. It's my treat." umalis na ako kasi gutom na din ako, gusto ko na kumain. I'm craving sa spaghetti at chicken, isang bucket na lang siguro ng chicken para hindi kami mabitin.
"naka order na ako't lahat nakangiti padin? yung totoo Alden? high ka lang?" baliw na talaga si Alden, ipa-admit ko na lang kaya sya sa mental? Mukang malala na eh, ngingiti ngiti wala naman kasama. Nung nilapag ko yung order ko mukang gulat na gulat sya.
"bakit ang dami?" napakamot na lang sya ng ulo.
"gutom kasi talaga ako, kumain ka na lang libre ko naman eh .... say AHH!" nung nag-AHH sya naisubo ko sa kanya yung chicken joy.
"g-gravvee ka naman sha'keen."
"ang cute mo talaga." pinisil ko yung pisngi nya, mukang bata eh. Hindi ko mapigila ng sarili ko, namamagnet yung kamay ko na kurutin yung pisngi nya ang ganda kasi nung dimples.
Nagkwentuhan lang kami ng masasayang bagay, kasi nga masaya ako. Dahil kay Miguel pero parang dahil din kay Alden. Ang gulo ko naman.
"bakit ang saya mo yata ngayon?" nagulat ako sa tanong nya, ganun ba ako kasamang kaibigan sa kanya at nagpapasama lang ako tuwing malungkot ako? Lemme just divert the topic.
"syempre nasa Jollibee tayo at sa Jollibee bida ang saya!" naitaas ko pa yung kamay ko na parang bata, napatawa naman sya ng malakas sa kinilos ko. Parang naging gwapo sya ngayon ah, nakangiti kasi lagi. Dati kasi pagnagsasama kami ang sincere lang ng muka nya at dinadamayaan ako. I like this side of him.
BINABASA MO ANG
Bola v1.1 (Maiden - AlDub)
FanfictionMaine with a broken-heart meets Alden a happy-go-lucky guy. This story is about Maine's point of view.