Phase 2.1: Companionship

340 4 0
                                    

"Bye guys! Ingat kayo." pagpapaalam ko dati  sa mga team mates ko. Kapagod talaga training ngayon. Pagkalabas ko sa pinto ng gym ay may humila sa braso ko...

"Holdap ito!" nanigas agad ako sa kinatatayuan ko, grabe pano may nakapasok na holdaper dito?

"hoy joke lang, ako lang ito si Alden." naiharap nya ako sakanya at nagpiece sign saken.

"hayop ka! kinabahan ako dun ah." binawi ko kaagad ang braso ko at hinampas sya sa braso, medyo napikon ako dun ng konti. Teka ano ba kailangan nito? Dadaanan ko pa si Miguel eh.

"ahm, may kailangan ka ba? May pupuntahan kasi ako." napabuntong hininga sya sa sinabi ko, problema nya?

"samahan mo naman ako." sabi nya sakin sabay hawak sa kamay ko, aba aba bilisin ang kilos nito ah. Napatingin ako sa kamay nya at nagmake face.

"chancing ka ah!"

"ano sasamahan mo ba ako o magme make face ka lang?" sasama ba ako? pero baka pagsumama ako ay mamiss ko ang chance na makita si Miguel.

"hmm, may kailangan akong daanan eh." napabuntong hininga na lang ako

*klook!~Klook!* taksil itong tyan ko ah bigla biglang tumutunog.

"tignan mo nagugutom ka na. Tara kain muna tayo."  kokontra pa sana ako pero hindi ko na nagawa yun kasi hinila na nya ako palabas ng school.

"teka san ba tayo pupunta?" nagpapahila ako sa kanya ng hindi ko alam kung saan kami pupunta.

"sa lugar kung saan ako lang ang may alam." napahinto ako sa paglalakad, sama ako ng sama sa kanya baka naman rapist pala siya, namutla ako sa naisip ko.

"oy galaw ka naman dyan, kakain lang tayo." hindi nya padin binibitawan ang kanang kamay ko kaya hinampas ko sya gamit yung kaliwa kong kamay.
"lagi mo na lang ba akong tatakutin."hinila nya ulit ako, nanlaki lang ang butas ng ilong ko sa sobrang pagkapikon sa kanya, nakakainis sya. Sa sobrang irita ko hindi ko namalayan na nadito na kami sa isang kwek-kwek stand. Pinaupo nya ako at tumabi sya sa right side ko.
"Ate ganda isang bowl nga po ng kwek kwek."

Napatulala naman ako bigla sa kawalan, naalala ko lang si Miguel. Baka kumakain na sya sa foodcourt o baka naman nakatambay sya sa library sayang yung pagkakataon.

"I'm a good listener." napatingin ako sa kanya, anong pinagsasabi nya? Sobra na bang halata na nalulungkot ako? "Magkwento ka lang."

Huminga muna ako ng malalim pero naramdaman ko na namula agad ang mga mata ko pero pinipigilan kong tumulo ang mga luha ko. "Nagmahal lang naman ako eh, labis pa nga yung binuhos kong pagmamahal halos wala ng natira sa sarili ko. Kulang pa din yun? Kahit napapagod na akong umunawa sa kanya ni isang segundo hindi ako sumuko. Mahal na mahal ko sya." nilaro-laro ko ang tissue na nasa table para madistruct yung pagtulo ng mga luha ko.

"bakit ka ba nagtitiis sa kanya?" yan ang lagi kong naririnig kapag nag oopen ako sa isang tao
"hindi ko din alam, siguro ganito lang ako magmahal. Sobra pa sa sobra, first boyfriend ko kasi sya. At gusto ko sya na din ang last" yung lang ang naiisip kong dahilan
"madami pa naman dyang iba ah"
"oo pero sya lang ang gusto ko, kaya kong i-give up lahat para sa kanya." totoo yun, biglang tumulo ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan, mas lalo akong napaiyak ng hinagod ni Alden ang likod ko, this is what I need, someone who will comfort me.

"oh! tahan na." inabot nya sakin yung panyo nya. Kinuha ko naman yun para hindi nya maisip na nirereject ko sya, dahil sa sobrang pag-iyak ko puno na ng sipon yung ilong ko kaya siningahan ko na yung panyo nya. Napatingin naman ako sakanya kasi nakita ko sa pheriperal view ko na napasad face sya. Napatawa naman bigla dahil sa reaksyon na sa pagsinga ko sa panyo nya.

Bola v1.1 (Maiden - AlDub)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon