Papasok na ako sa school medyo maaga ako ngayon kasi magrereview pa ako, hindi na ako nakareview kagabi dahil nasa bahay si Miguel hating gabi na din sya nakauwi. Talagang desidido sya sa panunuyo sa akin.
*beep!*
From Miguel: Good Morning sweetie! ;) Kumain ka na ba? Ingat ka palagi para sa'kin. I love you!
Nung binabasa ko yung text ni Miguel, plain na lang yung nararamdaman ko [Naluha ako pero, pinipiit ko na bumuhos ng sobra yung luha ko. Sa pagpipiit ko sinipon ako bigla]. Dapat masaya ako, dapat kinikilig ako, pero bakit parang may kulang? Bakit parang walang dating? Ito na yung sagot sa mga sacrifice na ginagawa ko dati. Bumalik na ulit sya sa'kin at sinusuyo pa ako.
Hindi ko namalayan na nakadating na pala ako sa school. Naipark ko muna ang kotse ko sa designared area para kotse ng mga estudyante. Pagbaba ko ng kotse natawa ko kaagad si Alden na nakaupo sa unang bench.
"Hi Alden!" bati ko sa kanya, hindi sya tumingin sa'kin tumango lang sya. Ang suplado naman nito. "Sino hinahantay mo dyan?"
"yung mahal ko" sagot nya without even looking at me, may mahal na sya hindi man lang sinasabi sa'kin. Medyo nadisappoint ako and I don't know why.
"may girlfriend ka na? hindi mo man lang sinabi sakin." hinampas ko sya sa braso at pinindot yung cellphone nya. Nakakainis hindi man lang ako tinitignan sa CoC lang.
"ano b--...Maine?" magagalit na sya pero nagulat nung nakita ako
"ano? sino ba yang mahal mo?" tanong ko ulit sa kanya.
"ikaw" natulala sya nung sinabi nya yun.
"ano AKO!!?" medyo na gulat ako at napasigaw sa rebelasyon nya, pero aaminin ko naflattered ako dun.
"ahh--ehh.. ihhh..ikaw ang hinihintay ko." namula sya nung sinabi nya yun
"akala ko ba yung mahal mo hinihintay mo?" ang gulo din nya kausap,
"ah basta, tara na." hindila na nya ako papasok ng school, siguro pati sya naguluhan na din sa sinasabi nya. "dun ba ulit ang room nyo?" tanong nya sakin.
"hindi magli-library pa muna ako ngayon. Rereview exam week na kaya."
"samahan kita, magrereview din ako." simple nyang sagot, medyo napanatag ako hindi ko alam kung bakit pero sa little thing na sinabi nyang yun natuwa ako.
Sa may pinakasulok na table kami naupo gusto ko kasi dun, since sinipon na ako mula kanina.
"bakit dito?" he ask
"gusto ko kasi sa malalamok na lugar." napakamot lang sya at nagpout. Ano ba yan seryoso sya? Hindi man lang nagreact or nagtanong kung joke ba yun o ano? Nakakatawa talaga yung reaction nya.
"HAHAHA! joke lang. Malamig kasi sa bandang gitna..Ang cute mo talaga!" kinurot ko sya sa pisngi, ewan pero sabi ng instinct ko kurutin ko sya sa pisngi nakakatawa ang cute kasi talaga nya.
After ko magtatawa sumeryoso na ako at kinuha ko na yung mga notes ko, ang bilis lang ng phasing ng emotions ko, hahaha ganun talaga. Nagbasa basa lang kami, hindi kami nagkikibuan malamang nagrereview kasi. Tumitingin ako sa kanya ng palihim, akala ko ba magrereview sya bakit nakapatong lang yung muka nya sa palad nya. Napailing na lang ako, I should focus sa review hindi kay Alden.
"Tara na. Okay na itong nareview ko." inayos ko na ang gamit ko, enough na yung isang oras at kalahi na review. Nung maayos ko yung gamit ko, kinuha nya yung bag ko, tumingin lang ako sa kanya. Nung nagsmile sya nagsmile back naman ako then humawak na ako sa braso nya at naglakad na kami papunta sa room ko.
"good luck sa exam mo," binigay na nya sakin yung bag ko.
"thank you! Ikaw din." nagpabebe wave ako at ganun din sya. I find it cute when we did this.
"sunsuin kita mamaya, bye!" pagkasabi nya nun nagmadali na syang umalis. Ang gulo talaga ng trip nya, buti wala pa yung prof namin kaya nakapag freshen up pa ako ng utak ko.
Medyo madugo ang exams namin ngayon, prelim pa lang naman pero parang pang finals ang binabatong exam sa amin. Nakakatayo pa naman ako dahil sa kaunting nareview ko, siguro kung hindi ako nakareview kanina baka nganga ako. Plus yung sipon ko pa, bakit ba kasi nagtext ng ganun si Miguel na bigla naman ako naluha ayan tuloy.
Almost maghapon kaming exam, lunch break lang nakapahinga ang utak ko.
Nung last exam namin medyo naiinis na ako kasi tuyot na utak ko, pigang piga na. Pero sa hindi ko malamang dahilan napatingin ako sa bintana. Ngumiti sya ng pagkalaki-laki at nag-AJA sign, with that parang narefresh ang utak ko, parang ginanahan akong tapusin yung exam.
Sa twing nahihirapan ako sa tanong, napapatingin ako sa bintana. Natatanaw kong hinihintay ako ni Alden sa labas. Nakakalakas ng loob na magsagot.
after 30 minutes natapos ko din yung exam, pinuntahan ko kaagad sya.
"ano kamusta exam?" kinuha nya ang bag ko, kumapit naman ako sa braso nya.
"ayun ayos naman, *achoo!* feeling ko naman pasado."
"okay ka lang ba? magtetraining ka ba ngayon, mukang masama pakiramdam mo." hinawakan nya ako sa noo. Tumango lang ako.
"wala kaming training pag exam week."
"tara mag-ice cream na lang tayo." yaya nya sakin, gustohin ko man pero baka mas lumala pa itong sipon ko.
"may sipon ako eh, goto na lang. Pleashe!" niyakap ko pa yung braso nya, naglalambing lang. Hindi na sya nagsalita pero alam ko na pumayag sya kasi papunta na kami sa gotohan sa labas ng school.
"bakit nagkasipon ka yata?" pagka order namin bigla syang nagtanong
"allergic sa alikabok" tumango lang sya sa sagot ko, ayoko munang iopen sa kanya ang totoong dahilan kung bakit ako sinipon, nahihiya na din kasi ako sa kanya.
"ito na po yung order nyo." nilapag na ng serbodora yung order namin.
"yehey! thank you ate!" papasubo na ako nung goto.
"wait lang" piniit nya ako sa pagsubo nung goto, hinipan nya muna yung nasa kutsara "mainit pa kasi, wag kang bira ng bira" ang sweet nya naman. Pero nagbelat lang ako sa kanya.
"gusto mo lang akong agawan ng goto eh." napailing sya sa sagot ko, walang gusto ko lang mambasag ng trip hahaha. "thanks tho" inipit ko yung muka nya ng mga kamay ko, napapout tuloy sya ng labi "you're so cute" ang cute nya naman talaga pag ginagawa ko ito sa kanya, mukang fish in a cute way hahaha.
"panyo!" out of nowhere bigla nya yun sinabi habang nasa kalagitnaan na ako ng pagkain.
"ha?" yun lang ang nasabi ko.
Hindi nya ako sinagot, kinuha lang nya yung panyo sa may table at pinunasan ang kung ano man ang nasa muka ko.
"takaw kasi eh"
"ang sweet mo talaga sakin. Thank you!" hindi ko mapigilan na sabihin sa kanya na sweet sya, I know it won't hurt naman if I'm vocal about him.
Pagkatapos namin kumain, naihatid na nya ako sa kotse ko. Hindi naman na sya nangulit kung saan ako nakatira. Gusto ko na nga sanang ipaalam sa kanya ang bahay namin pero alam ko na nadun si Miguel na naghihintay sa akin, ayoko lang talaga ng gulo.
Nung makasakay na ako sa kotse nagpabebe wave lang ako sa kanya.
"ingat ka sa pagdadrive ha?... bye....lqwrqt" papaalis na sya nung sinabi nya yung last word kaya hindi ko na masyado naintindihan. Napangiti na lang ako and for the nth time I don't know why.
BINABASA MO ANG
Bola v1.1 (Maiden - AlDub)
FanfictionMaine with a broken-heart meets Alden a happy-go-lucky guy. This story is about Maine's point of view.