Chapter 7: Gusto Kita

63 11 2
                                    

"Buti naman at nakaalis na rin sa wakas 'yung mukhang mestizong kaklase mo." Sabi ni Nash habang inilalagay sa hanging cabinet ang mga nahugasang pinggan.


"Wahh!" nagulat sa biglang pagsasalita ng kapatid niya. "Huwag ka namang nanggugulat na lang basta diyan. Paano ka ba naglalakad na wala man lang isang ingay? Ninja ka ba?"


Hindi sumagot ang kapatid nito. Nagpatuloy lang ito sa paglalagay nung mga pinggan at mga baso sa hanging cabinet.


Napabuntung-hininga si Ashby. "Kung sabagay, mestizohin naman si Jasper talaga."


"Gusto mo ba siya?" tanong ni Nash.


Natigilan si Ashby dahil biglang namula ang magkabilang pisngi nito sa narinig na tanong ng kapatid. "H-hindi ah! Imposible 'yun!" kunwari ay natatawang sagot niya rito.


"That's good." Sabi ni Nash pagkatapos mailagay ang last set ng mga pinggan. "Hindi ko siya gusto. Sinabi niyang hindi ka niya type kanina."


Hindi sumagot si Ashby. Tahimik lang itong nakatungo at nakikinig sa kanyang kapatid.


"Kahit na hindi ko pa masyadong maintindihan, ang ibig sabihin lang nun ay hindi ka niya gusto, hindi ba?" sabi niya saka humarap sa kanyang ate.


Pinilit ni Ashby na ngumiti saka ito lumingon sa kanyang kapatid. "Oo, tama ka. Sige, pupuntahan ko lang si mama dun sa kitchen para tulungang maglinis."


"Tapos ko ng linisin dun." Sabi naman ni Nash.


"Ay, ganon ba. Sige aakyat na'ko sa kwarto ko para magpalit at matulog na..." pagkasabi non ay agad na tumalikod na si Ashby saka umakyat sa hagdan.


Dali-dali itong pumasok sa kanyang silid saka ito ini-lock. Doon na nito hindi napigilan ang pagpatak ng kanyang mga luha.


Pinahid niya ng kanyang kamay ang mga mata saka tumingala sa kisame.


Ah...

Hindi ako magugustuhan ni Jasper.

Alam ko na 'yun...


-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------


"Ashby, pagplanuhan ulit natin yung second round ng pagko-confess mo kay Jasper. Siguradong magiging successful na tayo ngayon!" masiglang wika ni Travis sa tabi nito.


"Ah, hindi na kailangan. Kasi may ihahatid akong journal sa teachers office." Sabi ni Ashby habang ina-arrange yung hawak na journals.


"Oh, ganon ba." Nakapangalumbabang sabi ni Travis.


Say you like meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon