Chapter 14: Sorry

49 12 2
                                    


"Ashby..." mahinang sabi ni Jasper. "Why do you even like me?"


Natigilan sa kanyang ginagawa si Ashby saka binalingan ang nakahigang binata. Nakatakip ang braso nito sa kanyang mukha. Parang nahihiya pa rin ito sa nangyari.


Ibinalik nito ang tingin sa ginagawa saka sumagot.


"Sa tingin ko... uhm, siguro dahil na rin sa good looking ka?" sagot ni Ashby.


"Oh..." sambit ni Jasper.


"Haha! Binibiro lang kita!" sabi ni Ashby dahil sa naging reaksiyon ni Jasper. "Pero aaminin kong may good looking ka talaga. Sa totoo lang hindi ko talaga alam kung bakit gusto kita."



"Kahit na napaka-popular mo sa school at palagi kang masaya sa lahat ng ginagawa mo, somehow pakiramdam ko hindi iyon ang 'tunay' na ikaw. Sa tingin ko, natatakot ka na baka isang araw eh magising ka na lang na nag-iisa..." wika ni Ashby.



"Takot kang mangulila subalit pinilipit mo pa ring dumistansiya sa ibang tao. Kapag nakikita kitang kino-contradict mo ang sarili mo... mag-aalala ang mga taong nasa paligid mo. Kaya... gusto kong manatili sa tabi mo." Dugtong pa ng dalaga.



Ilang sandaling katahimikan ang nangibabaw sa pagitan nila.


"Can you go home?" mahinang sabi ni Jasper.


"Sure!" sagot ni Ashby saka binalingan ito. "Pagkatapos kong makapaglinis rito – "


"No! Go home immediately!" sigaw ni Jasper.


Nagulat si Ashby kaya natigilan ulit siya sa ginagawa.


"What a joke! Ano ba'ng alam mo tungkol sa'kin? Stop acting like you knew everything!" malamig na wika ni Jasper habang nakatakip pa rin ang kamay nito sa kanyang mukha.


It's not true...


"Marami na'kong nakilalang mga babaeng gaya mo. Kahit gaano ka pa mag-effort para sa'kin, hinding-hindi ako mai-inlove sa'yo." Patuloy pa niya.


I don't want to say these words to hurt you...


It's just that,


I'll feel so much better...


If you hate me...


"Go home!" sigaw ni Jasper sabay talikod rito. Nagtakip rin ito ng kumot.


Even if I have to see the same expression I saw on Shane's face,


Or bear the burden of your tears...


Honestly,


I'm scared of seeing that expression on your face...


Tumayo si Ashby. "Okay!"


Nagulat si Jasper sa kanyang narinig. Hindi niya inaasahan ang masigla nitong sagot. Kaya binalingan niya ito upang makita kung anong klaseng expression ang nakapinta sa mukha ng dalaga.


"I understand." Nakangiting wika nito sa kanya.


Ashby...


Nakaramdam ng pagka-guilty si Jasper.


"Sabagay, nakapaglinis naman na ako dito. 'yung niluto ko kanina, inilagay ko sa rice cooker kaya kapag nagutom ka, iinit mo na lang. At ita-try kong tawagin si Travis para i-check ka mamaya." Sabi ni Ashby habang isinasabit sa balikat ang dalang maliit ba bag.



Hindi na siya lumingon pa kay Jasper ng lumakad siya papunta sa pinto. Walang sabi-sabi ring binuksan niya iyon saka isinara.


Pagkasara ng pinto ay nanatili pa siya roon upang tawagan si Travis.


"Hello? Travis, pwede bang pumunta ka rito para tingnan si Jasper?" sabi niya ng maka-connect ito sa kaibigan.


"Nagbibiro ka ba? Busy pa ako ngayon. Marami pa akong ginagawa. Hindi ba pwedeng ikaw na lang?" sabi naman ni Travis.


"No..." sambit ni Ashby.


"Huh? Bakit?" tanong ni Travis.


"Hindi ko kaya. Please pumunta ka na rito, ASAP!" mahinang sabi ni Ashby sabay bagsak ng kanyang mga luha.



Subalit bigla siyang natigilan nang maramdaman niyang bumukas ang pinto sa kanyang likuran. Nagkatitigan sila ni Jasper.



Mabilis na pinahid ni Ashby gamit ang isang kamay ang kanyang mga luha dahil ayaw niyang mapansin iyon ni Jasper. Ngunit mabilis iyong hinawakan ni Jasper sabay hila rito palapit sa kanya.



At bigla na lang siyang niyakap nang mahigpit ni Jasper. Dahil doon, bumilis ang tibok ng puso ni Ashby at nag-init ng husto ang kanyang mukha.



Masuyong hinaplos rin siya nito sa pisngi at pinahid ng kanyang mga kamay ang mga luha sa mga mata nito. Saka biglang yumuko ito at inilapit ang kanyang mukha sa dalaga.



Awtomatikong napapikit si Ashby dahil akala niya hahalikan siya ni Jasper. Pero iba pala ang ginawa nito. May ibinulong siya sa tainga niya. Saka nanghihinang napabagsak ang mukha nito sa balikat ng dalaga.



Ah...


Kahit hirap siyang magsalita,


Malinaw na malinaw kong narinig ang sinabi niya...


Napaupo silang dalawa sa sahig. Yakap-yakap siya ni Ashby.


" I'm sorry."


Iyon ang ibinulong ni Jasper bago ito tuluyang mawalan ng malay.

Say you like meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon