Chapter 2: Tadhana

199 21 7
                                    

[AUTHOR's NOTE :

Para may idea po kayo kung ano height ng mga characters. :)

ASHBY - 5"

JASPER - 5'9

TRAVIS - 5'6

ALEX - 5'5

Salamat po sa mga readers nito. ]

HIGH SCHOOL COMMENCEMENT CEREMONY

Pagpasok palang sa gate ng school ni Ashby ay agad nitong nilapitan ang malaking board kung saan nakalista ang mga pangalan ng mga students at ang kanilang mga class sections.

Nag-excuse siya sa mga estudyanteng nakaharang doon saka lumusot paharap para Makita niyang mabuti ang listahan. Inisa-isa niya ang mga pangalan.

Hmm… ah! Ayun ang pangalan ko sa number 3! Ashby Coronel, class A! Nasa first section ako. Siguradong matutuwa niyan si mama.

Aalis na lang sana siya nang mapansin nito ang pangalang nasa number 10. Jasper Alarcon..hmm.. napaka-angas namang pangalan yan. At kaklase ko pa. Sana lang hindi siya bully.

Naglakad na papunta sa classroom niya si Ashby. Excited siyang makilala ang mga bagong kaklase at gusto niyang makipagkaibigan sa mga ito. Papasok na lang siya sa pintuan ng kanilang classroom nang may pumigil sa kanya.

BUMP ! ! !

“Bata, naliligaw ka ba? Hindi dito ang building ng elementary school. Doon sa kabilang bakod yun.” Sabi ng matangkad na lalaking nakahawak sa ulo ni Ashby. Ito pala ang dahilan kung bakit natigil siya sa pagpasok sa loob.

“Sinong nagsabing elementary pa lang ako? F.Y.I! high school student na ako noh!” naiinis na wika ni Ashby saka iniabot nito ang student ID niya sa lalaki.

Inabot naman ito ng lalaki. “Ano? Mas bata pa pala ako ng ilang buwan kesa sayo. Totoo ngang high school student ka na.” gulat na bulalas nito nang makita ang ID ni Ashby.

“Oo nga kasi. Kaya pwede mo na bang bitawan ang ulo ko?” salubong ang kilay na tiningnan ni Ashby ang matangkad na kaklase.

Natigilan lang silang dalawa ng marinig ang nagsalita mula sa likuran. “Travis, sinong bata na naman ang pinagti-tripan mo?”

“Hindi ah. Tingnan mo naman kasi siya, napakaliit niya.” Sabi naman ni Travis Aquino habang itinuturo ang kawawang Ashby.

“Wow! Oo nga, ang liit nga niya pero ang cute..” komento naman ng isa pa nilang kasama, ang boyish na si Alexandria Martinez aka Alex.

Nagulat si Ashby ng makita ang mga kasamahan ni Travis. Nandilat ang mga mata ng matuon ang atensyon niya sa lalaking nakapangalumbaba sa desk. Gayun din ang reaksyon nito pagkakita kay Ashby.

“Ikaw yung batang babae nong isang araw!” napatayo ang lalaki mula sa kanyang upuan.

“Ah! Ikaw si… TWO HUNDRED PESOS!!!” sigaw ni Ashby sabay turo sa lalaki na tumulong noon sa kanya.

Sadaling katahimikan ang namayani sa pagitan nilang apat. Bakas sa mukha ng tatlo ang malaking katanungang “200 PESOS??”.

“Anong two hundred pesos?!” buweltang tanong naman ng lalaki. “Ang pangalan ko ay JASPER ALARCON! At hindi two hundred pesos!”

Say you like meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon