Chapter 8: Partners

57 13 3
                                    

"Hoy, nababagot na ako ha..." nakapangalumbabang sabi ni Jasper habang pinapanood ang dalawang kaibigan. Nasa canteen sila at kumakain ng lunch. "Ano'ng nangyayari sa pagitan niyong dalawa?"


Walang sumagot sa tanong ni Jasper. Ipinagpatuloy pa rin ng dalawa ang pagkain. Ni hindi nila tiningnan man lang o nilingon ang nagtatanong na kaibigan.


"So, hanggang kailan ang cold war ninyong dalawa, ha?" tanong ulit ni Jasper.


Hindi na nakatiis si Travis. "Kasalanan 'to lahat ni Alex, eh! Kababaeng tao palaging naghahanap ng away! Sino bang superhero ang ginagaya niya?!"


"Ikaw naman pala'ng may kasalanan Alex, eh! Huwag kasi puro away." Baling ni Jasper kay Alex.


Itinigil ni Alex ang pagkain. "Mestisong hilaw, ano ba kasing alam mo, ha? 'yung mga higher years kasi nambubully sa gym."


"Ipinagtanggol ko lang naman yung karapatan natin sa paggamit nung gym para sa practice natin eh. At tsaka sa huli, si Travis din naman yung nakipagsuntukan!" dagdag pa ni Alex.


"Sus, ano ba'ng alam ng isang babae sa pakikipag-away..." pagpaparinig ni Travis.


Napatayo sa kinauupuan si Alex saka padabog na lumapit kay Travis. "Inagaw mo sa'kin yung pagkakataon kung mag-shine doon!" galit na sabi niya habang nakahawak sa kwelyo ng uniform ng binata.


"Kahit na, hindi mo pa rin naman sila kaya..." turan ni Travis.


"Yun din ang sa tingin ko, Alex." Sang-ayon ni Jasper.


Natigilan silang lahat ng bigla nilang marinig na may tumatakbong paparating sa canteen. Tila nagmamadali ito.


"I-itago niyo ako, please!!!" sigaw ni Ashby nang tuluyan na siyang makapasok sa canteen.


Napatayo silang tatlo. Nagtataka man ay hindi na nila nagawang magtanong pa kay Ashby. Nagtago agad ito sa likuran nina Jasper at Travis. Ilang sandali lang ay may sumunod na taong dumating sa canteen. Tila may hinahabol ito.


"Ashby?!" bungad niya. "Nakita niyo bang pumasok rito si Ashby?" tanong ni Dane sa kanilang tatlo. Si Dane ay isang third year student.


"Are you talking about Coronel, Ashby? She didn't come here." Sabi ni Jasper saka ininom ang hawak na juice.


"Tama yun, kuya Dane. Baka nagkamali ka lang na pumasok rito yung si Ashby." Natatawa namang sinang-ayunan ni Travis ang sinabi ng kaibigan. Samantalang tahimik lang si Alex.


"Ay, ganon ba. Pasensya na ha. Sa iba ko na lang siya hahanapin. Bye!" sabi naman ni Dane saka tumakbong paalis ng canteen.


Nakangiti naman ang tatlo na nagkukunwaring inosente. Hinintay na makaalis ng tuluyan ang third year na yun bago nakahinga ng maluwag.

Say you like meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon